Kailangan ko bang magpalit ng relihiyon para tumungo sa Langit?

 


Dahil sa ang kundisyon upang magkaroon ng buhay na walang ay pananampalataya kay Cristo (Juan 3:16; Gawa 16:31), strictly speaking, hindi mo kailangang magpalit ng relihiyon upang pumunta sa Langit. Nasaang relihiyon ka man kaanib, maaari kang manampalataya kay Cristo para sa buhay na walang hanggan. I mean magagawa mo yun habang binabasa ang blog na ito. Ang pangako ay malinaw, ang sinumang sumampalataya ay hindi mapapahamak kundi magkakaroon ng buhay na walang hanggan, hindi lumipat ng relihiyon. 

Samakatuwid hindi mo kailangang kumalas sa iyong relihiyon at umanib sa aming simbahan. Ang kailangan mo lamang ay sumampalatayang ang buhay na walang hanggan ay isang regalong binibigay sa sumampalataya sa Kaniya; hindi mo ito makukuha sa pamamagitan ng mabubuting gawa, pag-anib sa relihiyon o pananampalataya at gawa (Tito 3:5; Ef 2:8-9; Rm 11:16; Gal 2:21). 

Gayon pa man, may mga relihiyong pinahihirap ang pananampalataya. Dahil sa kinundisyon nila ang mga taong kailangan ang gawa upang maligtas, maaaring makahadlang ang pagiging miyembro ng relihiyon sa pananampalataya. Bukod diyan, may mga relihiyong tinitiwalag at ini-o-ostracize ang sinumang manghawak sa kaligtasan sa pananampalataya lamang. Malaking bentahe ang kumalas sa relihiyong ito at dumalo sa isang Bible church na malinaw na tinuturo ang Free Grace salvation at ang verse by verse, dispensational teaching ng Biblia. 

Bukod diyan, kahit maligtas ka habang nasa lumang relihiyon, maaaring makasagabal sa paglago espirituwal ang pananatili rito. Hindi required ang paglipat ng relihiyon upang maligtas ngunit upang lumago sa pananampalataya kailangan mo ng consistent na Bible studies, isang bagay na maaaring hindi mo makuha sa iyong relihiyon. Kung priority mo ang matuto ng Salita ng Diyos (1 Ped 2:2), kailangan mong i-suplementa ang iyong relihiyon ng pakikinig sa Bible studies, kung talagang ayaw mong lumipat ng relihiyon. Nirerekomenda kong kung wala namang kaligtasan sa iyong relihiyon, iwanan mo na. Doon ka na sa matututo ka ng Free Grace salvation and sanctification. 

Nang pumunta rito si Cristo sa Lupa ang naging sagabal sa Kaniyang pangangaral ay ang relihiyon. Kung makasasagabal abg relihiyon upang lumago ka kay Cristo, lumabas ka sa pintuan ng kampamento ng relihiyon dahil sa labas ay may altar na hindi makakakain ang mga pari ng relihiyon. Samakatuwid, may kalayaang maglingkod kay Cristo kung hindi nahahadlangan ng relihiyon. 


(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, alas 8:30-10:30 am. Sa Amoguis, 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.


Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)




Comments

Popular posts from this blog

Mahirap mamangka sa dalawang ilog

Bakit Kailangang Umawit ang Simbahan?

Naghahanap ka ba ng kapahingahan?