Pupunta ba ako sa Langit kung lagi akong magdarasal?
Mateo 6:7 At sa pananalangin ninyo ay huwag ninyong gamitin ang walang kabuluhang paulitulit, na gaya ng ginagawa ng mga Gentil: sapagka't iniisip nilang dahil sa kanilang maraming kasasalita ay didinggin sila.
Kung ang kaligtasan ay nakabase sa haba at dami ng panalangin, ang mga Fariseo ang mauunang pumasok sa Langit. Ngunit gaya ng pinakikita ng Mateo 6, ang mahaba at paulit-ulit na panalangin ay hindi laging katanggap-tanggap sa Diyos kahit sa simpleng isyu ng fellowship. Lalong lalo na sa salvation.
Ang gabi-gabing panalangin ay maganda, ang oras-oras ay mas maganda at ang minu-minutong panalangin ay pinakamaganda kung gusto ninyong mapalalim ang relasyon sa Diyos. Ngunit kung ang pinag-uusapan ay kaligtasan, walang kapakinabangan ang panalangin nang paulit-ulit.
Ano ang nag-iisang kundisyon ng upang magkaroon ng buhay na walang hanggan? Ang manampalataya kay Jesus, Juan 3:16; 5:24; 6:47; Gawa 16:31. Sa sandaling maunawaan mo na ang kaligtasan ay na kay Cristo at ito ay iyong sinampalatayahan, mayroon kang buhay na walang hanggan, manalangin ka man o hindi. Maaari mong gamitin ang panalangin bilang behikulo ng pananampalataya sa Kaniya ngunit by itself ang kaligtasan ay hindi makukuha sa pamamagitan ng panalangin.
Kapag nanampalataya ka na at may kasiguruhan ng kaligtasan, ito ang tamang panahon upang gugulin ang buhay sa panalangin. Ngunit ito ay basehan ng malalim na relasyon da Diyos, hindi paraan upang magkaroon ng relasyon sa Kaniya. Ang relasyon ay nakukuha sa pamamagitan ng pananampalataya lamang.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, alas 8:30-10:30 am. Sa Amoguis, 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
Comments
Post a Comment