Noon at Ngayon
Ecclesiastes 7:10 Huwag mong sabihin, Ano ang kadahilanan na ang mga unang araw ay maigi kay sa mga ito? sapagka't hindi ka naguusisang may katalinuhan tungkol dito.
Mayroon tayong tendency na i-glorify ang nakalipas. Ang tawag natin dito ay Golden Age Syndrome. Usually nangyayari ito kapag tayo ay nahaharap sa isang sitwasyong hindi tayo makapag-adjust. Hinahanap natin ang mga panahong mas magaan ang buhay. Sa proseso, we glossed over sa mga hindi magagandang bagay na nangyari noon.
Dahil by definition, karamihan sa mga may Golden Age Syndrome ay escapist sa present reality, selective ang kanilang memory. Kapag sinabi nilang "noon", tinutukoy nila yung mga magagandang parte ng nakaraan at ini-ignore ang mga pangit na bahagi.
Sasabihin ng isa, Masama na ang panahon, maraming krimen. Buti pa noon." Mapapatanong ka, aling noon kaya ang tinutukoy nila? Yung panahong kailangan mong magtago dahil panahon ng digmaan? Noong panahong maaari kang makulong nang walang habeas corpus? Noong panahong ang tuberculosis ay nakamamatay (hindi gaya ngayon na nagagamot sa loob ng anim na buwan)? Noong panahong nagpapatayan ang mga tao dahil sa relihiyon?
Hindi ko sinasabi na mas mabuti ngayon. In fact ang panahon ay papasama nang papasama morally sa kabila ng pag-unlad technologically. Ang ini-address ko ay ang tendency na takasan ang kasalukuyan sa pamamagitan ng pagtago sa nakalipas. Gaano man kaganda ang panahon noon, hindi na iyon babalik; nasa kasalukuyan ka at kailangan mong maging creative para maharap ang mga isyu ng ngayon. Gaano man kaganda ang inaakala mong nakalipas, asahan mo may nabuhay noon na nag-aakalang mas masama ang panahong iyon kaysa nang mas nauna pang panahon, ad infinitum.
Ayon kay Solomon ang may ganitong kaisipan ay hindi pag-uusisa ng may katalinuhan. Ang nakalipas ay parang malalim na talon. Magandang tingnan, alalahanin ngunit kapag tumalon ka at nanatili, malulunod ka. Good luck kong makabalik ka sa kasalukuyan, meaning, kung kaya mong mag-adjust da tawag ng panahon.
Gaano man kasama ang panahon ngayon, hindi ito bubuti sa pagbabalik sa nakalipas. Sinubukan na ito ng mga Israelita. Nang maharap sila sa mga "kawalan"- walang pagkain, walang tubig, walang seguridad- ang tangi nilang naiisip ay mabuti pa noon. Lahat ay nakakain nila, nagagawa nila ang gusto nila. Ayon sa kanilang selective memory. Nakalimutan nila ang pang-aalipin at pagmamalupit anupat dalawang kabanata pa lang ang Exodo dumaraing na sila. Kung mas maigi noon, napakaikli lang sana ng Exodo.
Gaano man kasama ang panahon ngayon, hindi ito bubuti sa pagbalik sa nakalipas. Para sa mga Cristiano, the best is yet to come. Hindi ito nagtatago sa kung saan supot ng nakalipas; ang best ay darating pa lang. Sa sandaling dumating si Cristo para kunin ang mga Kaniya, magsisimula pa lamg ang tunay na kwento. Nag-aabang pa ang sansinukob sa paghahayag ng mga anak ng Diyos. Ang eternity ay gugulong na may kabutihan. Sa sobrang saya nito malilimot natin ang ating kagustuhang balikan ang nakaraan na puno ng mga kalungkutan, daing at hibik. Mangmang lang ang namumuhay sa nakalipas. Mamuhay ka sa kasalukuyan sa liwanag nang hinaharap- the eternal hope ng future.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, alas 8:30-10:30 am. Sa Amoguis, 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
Comments
Post a Comment