Do I Need to Walk the Aisle Para Maligtas?

 


Bakit? 

What difference will it make if you walk the aisle for salvation?

Ang kundisyon para maligtas ay manampalataya kay Jesus, Juan 3:16; 5:24; 6:47; 14:6; Gawa 16:31, atbp. Ang buhay na walang hanggan ay regalong binibigay sa mga sumasampalataya, hindi bayad sa gawang mabuti o sa kabaitan. Ang paglakad sa aisle ay walang maidadagdag sa iyong kaligtasan, bagama't maaaring makatulong ito sa pag-burn ng calories. 

Ang taong nanampalataya kay Jesus ay may buhay na walang hanggan, maglakad man siya sa aisle o hindi. Ang pagdaragdag ng kundisyong ito ay maaari pang makasama dahil may mga taong likas na mahiyaing nag-aakalang kung hindi sila lalakad sa aisle ay hindi sila maliligtas kaya kahit hiyang hiya sila ay pinipilit na maglakad. Mayroon namang disganado sa karagdagang kundisyong ito at ayaw na magsimba dahil ayaw niyang piliting maglakad. 

Ang kailangan upang magkaroon ng buhay na walang hanggan ay manampalataya lamang kay Cristo lamang. Huwag na nating pahirapin pa at dagdagan ng kung ano-anong kundisyon. 

(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, alas 8:30-10:30 am. Sa Amoguis, 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.


Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)




Comments

Popular posts from this blog

Mahirap mamangka sa dalawang ilog

Bakit Kailangang Umawit ang Simbahan?

Naghahanap ka ba ng kapahingahan?