What happens if you go against tradition

 


Short answer: not good. 

Iisipin ng mga ka-church mates mo na out of fellowship ka. Na impluwensiyado ka ng sanlibutan. Kahit pa ang iyong reasons ay resulta ng thoughtfully meditating on the issues. 

Iisipin nilang laban ka sa leadership kahit na ang seed na nagbunga sa pagtakwil sa tradition ay tumubo na years before umupo siya sa pwesto. 

Iisipin nilang gusto mong sakupin ang grupo by subverting the authority of the leader, kahit pa hindi mo in-impose sa iba ang iyong paniniwala kahit may chances kang gawin iyon. 

Dahil naniniwala ka sa independent thinking at hindi sa blind obedience to tradition. 

Dahil pinili mong huwag ipagpatuloy ang culture of violence laban sa sinumang hindi ninyo ka-"tradisyon." Sa halip na awtomatikong i-deny ang anumang innovations bilang ungodly, hinayaan mo ang mga itong mag-stand on their own, evaluate them on their own, at hindi tumitingin sa kung saang grupo nanggagaling.

Dahil nag-decide kang huwag sumali sa group think tank.

Dahil nag-isip ka outside the box. 

Dahil tinapon mo ang mahigit 50 years na denominational biases kahit pa nagki-claim kayong independent at walang denominations.

Dahil sa iyong pagtakbo, nag-decide kang dumaan sa road less travelled para sa inyong grupo. 

Dahil ayaw mo ng herd mentality. 

Pero okay lang.

Mas gusto mong mamuhay nang malinis ang konsekwensiya. 

Mas gusto mong sundan kung saan man hahantong ang iyong imbestigasyon, even if it goes against group thinking.

Mas gusto mong maging tapat sa iyong convictions. 

Just put one put in front of the other. 

Sinong nakakaalam baka makumbinse mo sila sa iyong way of thinking. 

Growth happens when one decides to go beyond the status quo and influence the group to adopt the change. 

So long as you can ground your innovations to Biblical teaching. 

Stick to your convictions. 

Even if you stand alone. 

(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, alas 8:30-10:30 am. Sa Amoguis, 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.


Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)



Comments

Popular posts from this blog

Mahirap mamangka sa dalawang ilog

Bakit Kailangang Umawit ang Simbahan?

Naghahanap ka ba ng kapahingahan?