Pupunta ba ako sa Langit kung lagi akong nagbabasa ng Biblia

 


Tanong: Kung araw-araw akong magbabasa ng Biblia, aakyat ba ako sa Langit? 

Sa Juan 5, kausap ni Jesucristo ang mga taong mahilig magbasa ng Biblia (o at least ng Lumang Tipan dahil wala pang NT books na nasusulat noon). 

Juan 5:39 Saliksikin ninyo ang mga kasulatan, sapagka't iniisip ninyo na sa mga yaon ay mayroon kayong buhay na walang hanggan; at ang mga ito'y siyang nangagpapatotoo tungkol sa akin.40 At ayaw kayong magsilapit sa akin, upang kayo'y magkaroon ng buhay.

Dito kinilala ni Jesus na mambabasa (higit pa diyan sila ay nananaliksik) ng mga Kasulatan ang Kaniyang mga kausap. Ngunit makikita rin natin dito na hindi sapat ang pagbabasa ng Biblia dahil kahit anong basa nila ng Lumang Tipan sa paniniwalang nasa mga ito ang buhay na walang hanggan, nang dumating ang Taong sinulat at pinatototohanan ni Moises, hindi nila magawang manampalataya. Ang kailangan nilang gawin ay lumapit kay Cristo sa pananampalataya. Mahigit siyamnapung beses kinundisyon ang buhay na walang hanggan sa pananampalataya sa Kaniya sa aklat pa lang ng Juan.

Samakatuwid, kahit gaano ka kasipag magbasa ng Biblia, at kahit gaano pa karami ang memorized mong verses, kung hindi ka nanampalataya kay Cristo, wala ka pa ring buhay na walang hanggan. 

Ang nag-iisang kundisyon upang magkaroon ng buhay na walang hanggan at umakyat sa Langit ay ang manampalataya kay Cristo. Hindi sa iyong relihiyon, sariling mga gawa o anumang kombinasyon ng mga ito. 

Ibig bang sabihing hindi mahalaga ang pagbabasa ng Biblia? Hayaan nating sumagot si Pablo:

2 Timoteo 3:15 At mula sa pagkasanggol ay iyong nalalaman ang mga banal na kasulatan na makapagpadunong sa iyo sa ikaliligtas sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo Jesus.

Ang pagkaalam ng Banal na Kasulatan ay makaparurunong sa tao sa ikaliligtas sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo Jesus. Ang pagbabasa ng Biblia ay magbibigay sa iyo ng karunungan upang sumampalataya kay Cristo. Sa pamamagitan ng pagbabasa, makikita mo ang pangangailangang sumampalataya kay Cristo. Pero kung ang pagbabasa ay hindi magturo sa iyo sa pananampalataya kay Cristo, hindi ito karunungan. Maraming tao ang ginagamit ang Biblia upang patunayan ang kanilang theology of self-righteousness. 

Mahalaga ang pagbabasa ng Biblia. Pero ang kapakinabangan ay makukuha kung nanampalataya kay Cristo. 

(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, alas 8:30-10:30 am. Sa Amoguis, 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.


Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)







Comments

Popular posts from this blog

Mahirap mamangka sa dalawang ilog

THE ONLY TRUE RACIAL RECONCILIATION

Ang Pagtigas ba ng Puso ni Faraon ay Patunay na Siya ay Reprobate at Pupunta sa Impiyerno?