Anong sabon mo at feeling napakalinis mo? Part 2
The way some portray themselves, aakalain mong mula nang sila ay manampalataya, hindi na sila nagkakasala. Sila lang ang matuwid at ang iba ay hindi. Maaaring hindi nila ito sinasabi, at hindi ito bahagi ng kanilang teolohiya, pero practically, ito ang kanilang pinapakita.
Ang Cristianong hindi nagsisimba o naglilingkod ay tinuturing na hindi tunay na mananampalataya. Ang tanging mahalaga sa kaniya ay i-display ang kaniyang sarlling katuwiran.
Ayon kay Solomon walang matuwid na hindu nagkakasala. Kung totoo ito at ito ay pinatutunayan ng ibang bahagi ng Kasulatan at ng ating karanasan, walang puwang ang self-righteousness at feeling wise sa espirituwal na buhay.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, alas 8:30-10:30 am. Sa Amoguis, 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
Comments
Post a Comment