Posts

Showing posts from July, 2024

Malasakit na totoo

Image
Filipos 2:19 Datapuwa't inaasahan ko sa Panginoong Jesus na suguing madali sa inyo si Timoteo, upang ako naman ay mapanatag, pagkaalam ko ng inyong kalagayan.20 Sapagka't walang taong katulad ko ang pagiisip na magmamalasakit na totoo sa inyong kalagayan.21 Sapagka't pinagsisikapan nilang lahat ang sa kanilang sarili, hindi ang mga bagay ni Jesucristo. Matapos niyang pagtibayin ang kaniyang kahandaang maglingkod sa mga taga-Filipos, binanggit ni Pablo ang posibilidad na suguin si Timoteo upang personal na alamin ang kalagayan ng mga taga-Filipos. Nagpapakita ito nang malalim na pagmamalasakit sa Filipos at malaking tiwala kay Timoteo.  "Datapuwa't inaasahan ko sa Panginoong Jesus na suguing madali sa inyo si Timoteo, upang ako naman ay mapanatag, pagkaalam ko ng inyong kalagayan." Dahil nakakulong si Pablo, hindi siya personal na makatutungo sa Filipos upang alamin ang kalagayan ng kapatiran doon. Ngunit malaki ang pag-asa (kumpiyansang pagtitiwala) na nakakul

Mangagpangaralan sa isa't isa

Image
1 Tesalonica 5:11 Dahil dito kayo'y mangagpangaralan, at mangagpatibayan sa isa't isa sa inyo, gaya ng inyong ginagawa. Hebreo 3:13 Nguni't kayo'y mangagpangaralan sa isa't isa araw-araw, samantalang sinasabi, Ngayon; baka papagmatigasin ang sinoman sa inyo ng daya ng kasalanan... Hebreo 10:25 Na huwag nating pabayaan ang ating pagkakatipon, na gaya ng ugali ng iba, kundi mangagaralan sa isa't isa; at lalo na kung inyong namamalas na nalalapit na ang araw. Sa 1 Tes 5:1-7 nilarawan ni Pablo ang Ikalawang Pagparito ni Cristo. Pansining sa Biblia ang rapture ay hindi kailan man tinawag na Araw ng Panginoon. Tinawag itong araw ni Cristo sa Fil 1:6,10; 2:16 but hindi kailan man na Araw ng Panginoon. Sa v8, sinabi niyang ang mga mananampalataya ay dapat mamuhay nang pamumuhay na iba sa mga hindi mananampalataya.  Sa v9-10, hindi papasok ang mga mananampalataya sa poot ng Tribulasyon dahil sila ay mara-rapture muna.  Ito ang basehan ng pangaral sa V11. Pinangangaralan

Mangagaliwan kayo sa isa't isa

Image
1 Tesalonica 4:18 Kaya't mangagaliwan kayo sa isa't isa ng mga salitang ito. Sa 1 Tesalonica 4:13 at sumusunod, tinuro ni Pablo ang katotohanan ng rapture. Sinabi niya sa v13 na ang mga Cristiano ay hindi dapat mangalumbay (o magdalamhati) na gaya ng ibang walang pag-asa. Hindi niya sinasabing masama ang malungkot, mangalumbay o magdalamhati sa pagkamatay ng minamahal. Sinasabi niyang huwag nating gayahin ang mga hindi mananampalataya na namimighating walang pag-asa. Mangalumbay tayo na may pag-asa. Bakit tayo may pag-asa? Ang sagot ay nasa v14. May pag-asa at kumpiyansa tayo ng reunion kasama ng mga mahal sa buhay na namatay kay Cristo (mga mananampalataya). Darating ang panahon na ang mga patay kay Cristo ay bubuhayin muli, at sila at tayong buhay pa ay aagawin ni Cristo mula sa mundong ito patungo sa langit upang iwasan ang dakilang kapighatiang inihanda sa mundong ito. Samakatuwid, nauunawaan nating ang paghihiwalay ay pansamantala lamang. Muling magkakasama ang mga mananam

Hain sa paghahandog

Image
Filipos 2:17 Oo, kahit ako'y maging hain sa paghahandog at paglilingkod ng inyong pananampalataya, ako'y nakikipagkatuwa, at nakikigalak sa inyong lahat:18 At sa ganyan ding paraan kayo'y nakikipagkatuwa naman, at nakikigalak sa akin. Sa v16 sinabi ni Pablo na ang maayos na lakad espirituwal ng mga taga-Filipos ay magbibigay sa kaniya ng oportunidad na magmapuri sa Bema, ito ay patunay na hindi nasayang ang kaniyang oras sa pagtuturo sa kanila. Sa v17 sinalaysay ni Pablo ang kaniyang kahandaang paglingkuran ang mga taga-Filipos. "Oo, kahit ako'y maging hain sa paghahandog at paglilingkod ng inyong pananampalataya." Ikinumpara niya ang kaniyang sarili bilang isang haing ibubuhos (libation) sa mayor na handog ng paglilingkod at pananampalataya ng mga taga-Filipos. Samakatuwid, kinukumpara niya ang kaniyang sakripisyo bilang minorya at sekondaryo sa paglilingkod at pananampalataya ng mga taga-Filipos.  "Ako'y nakikipagkatuwa, at nakikigalak sa inyong lah

Memorizing Scriptures: Mateo 4:4

Image
Mateo 4:4 Datapuwa't siya'y sumagot, at sinabi, Nasusulat, Hindi sa tinapay lamang mabubuhay ang tao, kundi sa bawa't salitang lumalabas sa bibig ng Dios. Matthew 4:4 [4]But He answered and said, "It is written, 'Man shall not live on bread alone, but on every word that proceeds out of the mouth of God.'" Pagkatapos bautismuhan ni Juan Bautista si Jesus, dinala ng Espiritu Santo sa ilang upang tuksuhin ni Satanas. Tinukso ni Satanas si Jesus na humiwalay sa Diyos sa pamamagitan ng pag-asa sa Kaniyang sarili sa halip na sa Ama, na tuksuhin ang pangako ng Diyos sa pagliligtas sa pamamagitan ng paglagay ng Kaniyang sarili sa binggit ng kamatayan at sumamba sa nilalang sa halip na Maylalang. Sa lahat nang ito ay nabigo si Satanas sa kabila ng paggamit ng Kasulatan.  Sa unang pagtukso, sa halip na unahin ang Kaniyang pangsariling pangangailangan, mas pinili ni Jesus na magpokus sa Salita ng Diyos. Ang tao ay hindi mabubuhay sa materyal na bagay lamang ("ti

Mga ilaw sa sanlibutan

Image
Filipos 2:14 Gawin ninyo ang lahat ng mga bagay na walang mga bulungbulong at pagtatalo:15 Upang kayo'y maging walang sala at walang malay, mga anak ng Dios na walang dungis sa gitna ng isang lahing liko at masama, na sa gitna nila'y lumiliwanag kayong tulad sa mga ilaw sa sanglibutan,16 Na nagpapahayag ng salita ng kabuhayan; upang may ipagkapuri ako sa kaarawan ni Cristo, na hindi ako tumakbo nang walang kabuluhan ni nagpagal man nang walang kabuluhan. Nagpatuloy si Pablo sa pangangaral sa mga taga-Filipos.  "Gawin ninyo ang lahat ng mga bagay na walang mga bulungbulong at pagtatalo." Matapos niyang ituro ang kaligtasan mula sa problemang kanilang hinaharap sa pamamagitan ng Diyos na kumikilos sa kanilang kalooban at gawa, nilarawan ni Pablo kung ano ang praktikal nitong aplikasyon. Dapat nilang gawin ang lahat ng bulungbulong at pagtatalo. Marahil ito ang sanhi ng hidwaan sa Filipos (tingnan ang kapitulo 4 kung saan may hidwaan si Synteche at Eudioa.  "Upang k

Gawin ang sariling kaligtasan ng may takot at panginginig

Image
Filipos 2:12 Kaya nga, mga minamahal, kung paano ang inyong laging pagsunod, na hindi lamang sa harapan ko, kundi bagkus pa ngayong ako'y wala, ay lubusin ninyo ang gawain ng inyong sariling pagkaligtas na may takot at panginginig;13 Sapagka't Dios ang gumagawa sa inyo maging sa pagnanasa at sa paggawa, ayon sa kaniyang mabuting kalooban. Dumako tayo sa isa sa mga kontrobersiyal na pasahe ng Kasulatan na madalas gamitin ng mga naniniwala sa kaligtasan sa gawa bilang suporta sa kanilang posisyun. Ang isyu ay umiikot sa kung anong kaligtasan ang tinutukoy dito. Dapat nating tandaan na kapag nabasa natin ang salitang kaligtasan, kailangan nating alamin kung anong uri. Dahil sa ang sinulatan ay mga mananampalataya na, hindi ito tumutukoy sa kaligtasan mula sa impiyerno dahil ang lahat ng nanampalataya ay may pangako ng buhay na walang hanggan at hindi kailan man mapapahamak, Juan 3:16; 6:47; Gawa 16:31; Efeso 2:8-9.  May ilang interpretasyong consistent sa Free Grace na maaaring ib

Mangagturuan at mangagpaalalahanan sa isa't isa

Image
Col 3:16 Manahanan nawang sagana sa inyo ang salita ni Cristo; ayon sa buong karunungan, kayo'y mangagturuan at mangagpaalalahanan sa isa't isa sa pamamagitan ng mga salmo at ng mga himno at mga awit na ukol sa espiritu, na magsiawit kayong may biyaya sa inyong puso sa Dios. Sa Colosas 3:16, nanawagan si Pablo sa mga taga-Colosas na manahan nawa sa kanila ang salita ni Cristo. Kapag kinumpara natin ang Col 3:16 sa Ef 5:18, makikita nating ang Espiritu ang metodo ng pagpupuno sa mananampalataya ng Salita ni Cristo. Ang resulta nito ay pagtuturo at pagpapaalala sa isa't isa at mabiyayang pag-awit ng mga salmo, himno at espirituwal na awit.  Dahil sa ito ay sinulat sa mga oridnaryong miyembro ng Colosas at hindi sa mga pastor, hindi ito kaloob ng pagtuturo. Sa halip tumutukoy ito sa obligasyong ipasa sa iba ang natutunan. Ang mga aral na ating narinig sa pulpito ay dapat nating isapuso at ibahagi sa iba. Hindi ito nangangahulugang magtuturo ka sa pulpito (walang dahilan na hin

Mangagtiisan kayo sa isa't isa

Image
Col  3:13 Mangagtiisan kayo sa isa't isa, at mangagpatawaran kayo sa isa't isa, kung ang sinoman ay may sumbong laban sa kanino man; na kung paanong pinatawad kayo ng Panginoon, ay gayon din naman ang inyong gawin. Sa Galatia 6, ang mga mananampalataya ay dapat magbuhat ng dalahin ng isa't isa. Dito sa Colosas 3, kailangan nating maging grupong sandayan ng isa't isa. Nananawagan ito ng tolerasyon, pagtitiis at pagtitiyaga sa isang nakaiinis na mananampalataya.  Bukod sa pagtitiis sa kapatid (na maaaring ilarawan bilang isang gawaing neutral o negatibo), tayo ay positibong tinatawagang magpatawad. Kung mayroong sumbong laban sa isa't isa, alalahaning pinatawad tayo ng Diyos kay Cristo ng ating mga kasalanan.  (Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, alas 8:30-10:30 am. Sa Amoguis, 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo. Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasub

The Purpose of the Ascension and Session of Christ and His Present Ministry, Part 2

Image
6. To make High Priestly prayers for us, Rm 8:34; Heb 4:14-16; 7:25-27; 8:1; 9:24; He prayed as an intercessor, Heb 7:25. This ministry started on earth, Jn 17:1-26 and illustrated in His intercession for Peter, Lu 22:31-32. 7. To send the promise of the Father, Jn 16; Acts 1:4; 2:33.  8. To care for His church, Rev 1:10-3:22. 9. To work through His people, Jn 14:12; Acts 1:1, "began to do and teach," starting Acts 2, the Lord work through His people. 10. To wait until His enemies become His footstool, Heb 10:12-13. See also Ps 110:1; Lu 20:42-43; Acts 2:33, 34; Heb 1:13. This Operation Footstool will be concluded by the Second Coming, Dan 7:13-14; Zech 13:2; Col 2:13; Rev 20:1-3.  11. The ascension completes the glorification of Christ in Hypostatic Union, Acts 2:33; Phil 2:9; 1 Pt 3:22. 12. The session of Christ explains the uniqueness of the Church Age, Jn 7:37-39. Salamat kay Thieme (Celebrityship of Jesus Christ), Chafer (Major Bible Themes) at Wilmington (Wilmington'

Huwag kayong mangagbubulaan sa isa't isa

Image
Col 3:9 Huwag kayong mangagbubulaan sa isa't isa; yamang hinubad na ninyo ang datihang pagkatao pati ng kaniyang mga gawa. Ang dahilan kung bakit hindi tayo dapat magbulaanan o magsinungaling sa isa't isa ay ito ay bahagi ng ating lumang pagkataong ating hinubad nang tayo ay manampalataya. Kung tayo ay nagbubulaan o nagsisinungaling, ating pinakikita ang lukabg pagkatao, ang kalikasang kahalintulad ni Satanas, ang ama ng kasinungalingan; sa halip na ipakita ang kalikasan ng Diyos ng katotohanan.  Bakit tayo nagsisinungaling? Upang itago ang isang bagay, upang palabasing mas malaki o dakila tayo kaysa realidad, upang iwasan ang masakit na konsekwensiya. Ngunit ang pagsisinungaling ay hindi bahagi ng ating pagkatao bilang bagong nilalang. Ang pagsisinungaling ay hindi lang pagtanggi sa katotohanan, ito rin ay aktibong promosyon ng mga ideyang salungat sa katotohanan. Kung tayo ay namumuhay nang ayon sa kaisipang pantao, sa halip na kaisipang pang-Diyos, tayo ay namumuhay sa kasin

The Purpose of the Ascension and Session of Christ and His Present Ministry

Image
  1. He is the head of the Church, Eph 1:20-33; Col 2:10. This position fulfill the following figures relating Him to the Church: a) The Last Adam and Head of the New Creation; b) The Head of the Body of Christ; c) The Great Shepherd of the sheep; d) The True Vine in relation to the branches; e) Christ the Cornerstone with the Church as the stones in the building; f) Bridegroom in relation to the Church as the Bride.  g) His present ministry is as High Priest to the Church with each believer a priest (universal priesthood of all believers). In the past He is the Prophet to Israel. Today He us the High Priest to the Church. In the future, He'll be the King (together with His consort-queen, the Church) to Israel (and the world). 2. To be forerunner, Heb 6:19-20. 3. To prepare a place for us, Jn 14:2. 4. To give spiritual gifts to His followers through the Holy Spiri, Eph 4:10-19; Rm 12:3-8; 1 Cor 12:4-11.  5. To offer encouragement to believers, Heb 4:14-16; 12:1-3. (Kung gusto ninyo

Ascension of Christ

Image
  Ang ascension o ang pag-akyat ni Cristo sa langit ang ikalawa sa mga serye ng pagluwalhati kay Cristo matapos ang resureksiyon.  Ang pagluwalhati kay Cristo sa Filipos 2:9: 1) resureksiyon, 2) pag-akyat sa langit, 3) ang pag-upo sw trono ng Ama, 4) ang ikalawang pagbabalik, 5) ang koronasyon at 5) ang pagluhod o genupleksiyon. 1. Scriptures: Matt 16:19; Lu 24:50-51; Acts 1:9-11. 2. Scriptures on His present ministry: Rm 8:34; Col 3:1; Heb 1:3; 8:11; 10:12-13; 12:2; 1 Pt 3:22. 3. Evidence for the arrival of Christ in Heaven. Jesus is seen in Heaven after His ascension, Acts 2:33-36; 3:22; 7:55-56; 9:3-6; 22:6-8; 26:13-15; Rm 8:34; Eph 1:20-22; 4:8-10; Phil 2:6-11; 3:20; 1 Thess 1:10; 4:16; 1 Tim 3:16; Heb 1:3,13; 2:7; 4:14; 6:20; 7:26; 8:1; 9:24; 10:12-13; 12:2; 1 Jn 2:1; Rev 1:7,13-18; 5:5-12; 6:9-17; 7:9-11; 14:1-5; 19:11-16.  4. In ascension, Christ return to heaven from the earth after the resurrection. He took His rightful place at the right hand of the Father, the highest positi

Pasakop kayo sa isa't isa sa takot kay Cristo

Image
Efeso 5:21 Na pasakop kayo sa isa't isa sa takot kay Cristo. Ang resulta ng kapuspusan ng Espiritu Santo ay pag-aawit, pagpapasalamat at pagpapasakop sa isa't isa. Lumalabas na ang ating makasalanang kalikasan ay nagpapahirap sa ating magpasakop sa ibang tao kaya kailangan ang kapangyarihan ng Espiritu Santo upang magawa ito.  Sa v21, kailangan ang mutuwal na pagpapasakop sa lahat ng mga relasyong babanggitin ni Pablo: asawang lalaki at asawang babae; si Cristo at ang Iglesia; ang mga magulang at mga anak; at sa huli, ang mga panginoon at mga alipin. Ang magpasakop ay ang kunin ang lugar ng isang tao ayon sa ranggo. Hindi rito pinag-uusapan ang superyoridad o imperyoridad kundi ranggo.  Ang sirkulo ng pagpapasakop ay ang takot kay Cristo. Anumang pagpapasakop ayon sa pagkatakot sa tao ay mabibigo. Ang kailangan mong gawin upang maalis ang takot sa tao ay magpakalakas. Sa sandaling malakas ka na, mawawala ang takot sa tao at mawawala ang pagpapasakop. Ngunit hindi ganito ang pag

Kayo'y mangagusapan ng mga salmo at mga himno at mga awit na ukol sa espiritu,

Image
Efeso 5:18 At huwag kayong magsipaglasing ng alak na kinaroroonan ng kaguluhan, kundi kayo'y mangapuspos ng Espiritu;19 Na kayo'y mangagusapan ng mga salmo at mga himno at mga awit na ukol sa espiritu, na nangagaawitan at nangagpupuri sa inyong mga puso sa Panginoon. Colosas 3:15 At maghari sa inyong puso ang kapayapaan ni Cristo, na diya'y tinawag din naman kayo sa isang katawan; at kayo'y maging mapagpasalamat.16 Manahanan nawang sagana sa inyo ang salita ni Cristo; ayon sa buong karunungan, kayo'y mangagturuan at mangagpaalalahanan sa isa't isa sa pamamagitan ng mga salmo at ng mga himno at mga awit na ukol sa espiritu, na magsiawit kayong may biyaya sa inyong puso sa Dios. Sa halip na mapuspos (lango at nasa impluwensiya ng) ng alak, na nagdadala lamang ng pagtatalo, dapat tayong mapuspos (nasa impluwensiya ng) sa pamamagitan ng Espiritu Santo. Kapag ating kinumpara ang Efeso 5:18-19 sa Col 3:15-16, ang kapuspusan ng Espiritu ay ang pananahan ng Salita ni Cr

The Significance of the Resurrection

Image
  The resurrection of Christ is a main tenet of the Christian faith, 1 Cor 15:12-19. It is a part of the gospel, 1 Cor 15:1-4. The church witnesses to the resurrection, Acts 2:32; 3:15; 5:30-32; 17:8, 32; 23:6-8; 24:21; 26:23. 1. The resurrection demonstrate the Deity of Christ, Rm 1:4; Acts 2:24. 2. Proved that God was satisfied that a way of justification has been secured, Rm 4:25. 3. The basis for the believers' physical, bodily resurrection, Jn 14:19; 1 Cor 5:20-23. 4. The resurrection means Jesus is our High Priest and Intercessor, Heb 7:25; Rm 8:34; He is our Advocate, 1 Jn 2:1-2. Ge promised to hear our prayers through the Holy Spirit, Jn 24:13-26; 15:7,16; 16:5,23-26. 5. The resurrection means believers will never die in the ultimate sense, Jn 11:25-26; Rm 6:9. 6. It means He will come again, Acts 1:11. 7. It is the standard for divine power, Eph 1:19-21. Paul prayed to experience the power of the resurrection, Phil 3:10. 8. Because of the Resurrection, He cab fulfill the D

Memorizing Scriptures: Mateo 3:17

Image
Mateo 3:17 At narito, ang isang tinig na mula sa mga langit, na nagsasabi, Ito ang sinisinta kong Anak, na siya kong lubos na kinalulugdan. Matthew 3:17 [17]and behold, a voice out of the heavens said, "This is My beloved Son, in whom I am well-pleased." Ang ating sitas ay patotoo ng Diyos Ama sa Kaniyang Anak. Muling maririnig ang Kaniyang patotoo sa Transpigurasyon.  Bilang bahagi ng ministerio ni Juan Bautista na ipakilala ang Mesiyas sa Israel, nasa kaniya ang pribilehiyong bautismuhan si Jesus. Nang una ay tumanggi siya dahil ang kaniyang bautismo ay bautismo ng pagsisisi. Hinahanda niya ang bansa sa pagdating ng Mesiyas sa pamamagitan ng panawagang sila ay magsisi o magbago ng isipan. Sa 400 taon sa pagitan ng pagsasara ng Malakias at sa panimula ng Evangelio ni Mateo, ang tinig ni Juan Bautista ay pagpapatuloy sa ministeryo ng mga propeta. Bukod sa paghahayag ng mensahe ng Diyos at panghuhula sa mangyayari, sila rin ay mga prosecutor para sa Kautusan. Sa loob ng mahaba

Mangagpatawaran kayo sa isa't isa

Image
Efeso 4:32 At magmagandang-loob kayo sa isa't isa, mga mahabagin, na mangagpatawaran kayo sa isa't isa, gaya naman ng pagpapatawad sa inyo ng Dios kay Cristo. Col 3:13 Mangagtiisan kayo sa isa't isa, at mangagpatawaran kayo sa isa't isa, kung ang sinoman ay may sumbong laban sa kanino man; na kung paanong pinatawad kayo ng Panginoon, ay gayon din naman ang inyong gawin. San 5:16 Mangagpahayagan nga kayo sa isa't isa ng inyong mga kasalanan, at ipanalangin ng isa't isa ang iba, upang kayo'y magsigaling. Malaki ang nagagawa ng maningas na panalangin ng taong matuwid. Pinatawad tayo ng Diyos kay Cristo, samakatuwid kailangan nating iabot ang kapatawaran sa ibang mananampalataya. Ang mga taong pinatawad na ay dapat makilala sa pagiging mapagpatawad. Kung paanong walang hangganan ang pagpapatawad ng Diyos (lalo na sa dispensasyong ito), ganuon din dapat tayo. Makikita ito sa tanong ni Pedro kay Jesus sa Mat 18:21-22. Iniisip ni Pedro na siya ay mabiyaya sa pagpap

Proofs for Resurrection

Image
  1. The empty tomb, Matt 28:5-8; Mark 16:1-8; Lu 24:1-12; Jn 20:1-13 2. Silence from the Romans and the Jews who had to resort to fake news, Matt 27:63-64; 28:11-15 3. The change from Saturday to Sunday 4. The existence of the church 5. Changed lives, Jn 20:19 cf Acts 4:13 6. Post-resurrection appearances: A. To Mary Magdalene, Jn 20:11-17; Mark 6:9-11 B. To the women, Lu 28:9-10 C. To Peter, Lu 24:34; 1 Cor 15:5 D. On the Emmaus Road, Mark 16:12-13; Lu 24:13-35 E. To the "eleven", Mark 16:14; Lu 24:36-43; Jn 20:19-24 F. To the disciples a week after the resurrection, Jn 20:26-29 G. To the eleven by the Sea of Galilee, Jn 21:1-23 H. To the 500, 1 Cor 15:6 I. To James, 1 Cor 15:7 J. To the eleven on the Mountain of Galilee, Matt 28:16-20; 1 Cor 15:7 K. To the disciples on the Day of Ascension, Lu 24:49-53 L. To Stephen, Acts 7:55-55 M. To Paul, on the road to Damascus, Acts 9:3-6; 22:6-11; 26:13-18; 1 Cor 15:8 N. To Paul in Arabia, Acts 20:24; 26:17; Gal 1:12, 17 O. To Paul i

The Resurrection of The Lord Jesus Christ

Image
  Resurrection means someone who has returned from the dead in an imperishable body that will never die again, 1 Cor 15:24-25. This is to distinguish it from resuscitation where the resuscitated man will die again, 1 Kings 17:21-22; 2 Kings 4:34-35; Jn 11:43. 1. Resurrection is taught in Old Testament, Job 19:25-27. 2. The resurrection of Christ is taught in Ps 16:9-10; quoted by Peter in Acts 2:24-31 and by Paul in Acts 13:34-37. 3. It is indicated in Ps 22:22 when Christ will declare His name to His "brethren." 4. Resurrection is taught in Ps 118:22-24 cf Acts 4:10-11.  (Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, alas 8:30-10:30 am. Sa Amoguis, 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo. Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. S

Magmagandang-loob kayo sa isa't isa

Image
Efeso 4:32 At magmagandang-loob kayo sa isa't isa, mga mahabagin, na mangagpatawaran kayo sa isa't isa, gaya naman ng pagpapatawad sa inyo ng Dios kay Cristo. Sa sitas na ito, makikita natin ang ilang negatibo at ilang positibong pahayag ni Pablo bilang bahagi ng lakad ng mga kaisa ni Cristo.  Sa negatibong pahayag ang mga sumusunod ay dapat alisin: ang lahat ng kapaitan, at kagalitan, at pagkakaalit, at kadaldalan, at panglilibak, ay mangaalis nawa sa inyo, pati ng lahat ng masasamang akala. Ang nga ito ay hindi ayon sa ating bagong kalikasan bilang kaisa ni Cristo. Pansining ang mga ito ay kasalanang mental at verbal, mga kasalanang madalas na hindi nabibigyang pansin sa isang kulturang ang empasis ay sa mga kasalanang nakikita (overt). Madaling iwasan ang pagpatay, pero hindi ang masamang isipan laban sa iba at ang pagkalat ng nakamamatay na kwento sa iba.  Sa positibong pahayag (v32) ang mga sumusunod ay dapat gawin: magmagandang-loob kayo sa isa't isa, mga mahabagin, n

Mangagbatahan kayo (Tolerate One Another)

Image
Efeso 4:1 Namamanhik nga sa inyo akong bilanggo sa Panginoon, na kayo'y magsilakad ng nararapat sa pagkatawag na sa inyo'y itinawag, 2 Ng buong kapakumbabaan at kaamuan, na may pagpapahinuhod, na mangagbatahan kayo-kayo sa pagibig... Ang pagbabatahan ng bawat isa ay isang praktikal na aplikasyon ng ating posisyun sa kalangitan kasama ni Cristo (co-session with Christ). Bilang mga nakaupo sa kalangitan, tayo ay dapat na lumakad nang ayon sa ating espirituwal na kalagayan. Dapat tayong lumakad nang karapatdapat sa pagkatawag sa atin, na may kapakumbabaan, kaamuan at pagpapasensiya. Ang pasensiyang ito ay makikita sa ating pagbabata sa bawat isa.  Bilang kalipunan ng mga taong may iba't ibang personahe na pinagbigkis ng pananampalataya kay Cristo, hindi maiiwasang ang mga personaheng ito ay magbanggaan. Dito papasok ang pagbabata sa bawat isa. Ang pagbabatahan ay naglalarawan ng pagkakaroon ng mahabang pisi (upang hindi agad sumabog sa galit o pagkainis) at hindi pagiging reak

Ang kapakumbabaan ay nagreresulta sa kaluwalhatian

Image
Filipos 2:9 Kaya siya naman ay pinakadakila ng Dios, at siya'y binigyan ng pangalang lalo sa lahat ng pangalan;10 Upang sa pangalan ni Jesus ay iluhod ang lahat ng tuhod, ng nangasa langit, at ng nangasa ibabaw ng lupa, at ng nangasa ilalim ng lupa,11 At upang ipahayag ng lahat ng mga dila na si Jesucristo ay Panginoon, sa ikaluluwalhati ng Dios Ama. Bago tayo makalimot na ang ating blog series ay tungkol sa Philippians at hindi Christology, balikan natin ang teksto. Sa v1-4 hinayag ni Pablo ang pagnanais na magkaroon ng pagkakaisa ang mga taga-Filipos at ito ay mangyayari lamang kung sila ay may kapakumbabaan at iniisip na ang iba ay mas magaling kaysa kanilang sarili. Dito binigay niya ang Panginoong Jesucristo bilang halimbawa ng may kaisipan ng kapakumbabaan. Sa mga nakaraang blogs, tinalakay natin ang kapakumbabaang dinaanan ni Cristo.  Sa v9-11 makikita natin ang kaluwalhatiang ibinigay ng Ama kay Cristo dahil sa Kaniyang kapakumbabaan. Ang leksiyon na matututunan natin ay an

Mangagdalahan kayo ng mga pasanin ng isa't isa

Image
Galatia 6:2 Mangagdalahan kayo ng mga pasanin ng isa't isa, at tuparin ninyong gayon ang kautusan ni Cristo. Ang pagdadala ng pasanin ng bawat isa (Gal 6:2) ay katuparan ng Kautusan ni Moises. Pansining ito ay kautusan o mga prinsipyo ni Cristo at hindi Kautusan o mga prinsipyo ni Moises. Ang Kautusan ni Cristo ay ang pananampalatayang nagtatrabaho sa pamamagitan ng pag-ibig. Bilang mga mananampalataya kay Cristo, tayo ay nasa ilalim ng mga prinsipyo ng Bagong Tipan upang paglingkuran ang bawat isa sa pamamagitan ng pag-ibig. Bahagi ng paglilingkod na ito ang pagdala ng pasanin ng bawat isa. Sa v1, makikita natin ang isang kapatid na may pasanin. Siya ay nasumpungan sa isang pagsuway. Tungkulin natin bilang mga mananampalatayang maging tagapag-ingat ng ating mga kapatid, sa paraang tayo ay may espirituwal na proteksiyon. Ang masaklap ay nagnais kang tulungan ang isang may pasanin ngunit sa halip na makatulong, ikaw pa ang nadala sa pagsuway. Ang pagdala na ito ng pasanin ay mag-iin

Ang Gawa ni Cristo sa Krus

Image
Filipos 2:8 At palibhasa'y nasumpungan sa anyong tao, siya'y nagpakababa sa kaniyang sarili, na nagmasunurin hanggang sa kamatayan, oo, sa kamatayan sa krus. Nang mga nakaraang blogs tinalakay natin ang mga hakbang sa kapakumbabaan ni Cristo mula sa hindi Niya paghawak sa Kaniyang pagka-Diyos hanggang sa Siya ay masumpungab sa anyong tao at anyong alipin. Bilang alipin Siya ay masunurin hanggan sa krus. Ang Kaniyang kamatayan sa krus ang nag-alis ng hadlang ng kasalanan upang walang tao ang tutungo sa tao ng dahil sa kasalanan. Sa halip, tutungo Siya roon kapag hindi siya nanampalataya kay Jesus para sa buhay na walang hanggan. Nang aking ituro ito sa simbahan, malaking tulong ang leksiyon na ito ni Gene Cunningham na makikita sa https://basictraining.org/the-work-of-christ-on-the-cross/ Hindi ko na ito isasalin para sa blog na ito upang makita ninyo ang henyo ng kaniyang leksiyon at dahil sa mga teknikal na salitang ginamit.  The work of Christ on the cross is: Punitive. It wa