Huwag kayong mangagbubulaan sa isa't isa
Col 3:9 Huwag kayong mangagbubulaan sa isa't isa; yamang hinubad na ninyo ang datihang pagkatao pati ng kaniyang mga gawa.
Ang dahilan kung bakit hindi tayo dapat magbulaanan o magsinungaling sa isa't isa ay ito ay bahagi ng ating lumang pagkataong ating hinubad nang tayo ay manampalataya. Kung tayo ay nagbubulaan o nagsisinungaling, ating pinakikita ang lukabg pagkatao, ang kalikasang kahalintulad ni Satanas, ang ama ng kasinungalingan; sa halip na ipakita ang kalikasan ng Diyos ng katotohanan.
Bakit tayo nagsisinungaling? Upang itago ang isang bagay, upang palabasing mas malaki o dakila tayo kaysa realidad, upang iwasan ang masakit na konsekwensiya. Ngunit ang pagsisinungaling ay hindi bahagi ng ating pagkatao bilang bagong nilalang. Ang pagsisinungaling ay hindi lang pagtanggi sa katotohanan, ito rin ay aktibong promosyon ng mga ideyang salungat sa katotohanan. Kung tayo ay namumuhay nang ayon sa kaisipang pantao, sa halip na kaisipang pang-Diyos, tayo ay namumuhay sa kasinungalingan.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, alas 8:30-10:30 am. Sa Amoguis, 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
Comments
Post a Comment