Mangagaliwan kayo sa isa't isa


1 Tesalonica 4:18 Kaya't mangagaliwan kayo sa isa't isa ng mga salitang ito.

Sa 1 Tesalonica 4:13 at sumusunod, tinuro ni Pablo ang katotohanan ng rapture. Sinabi niya sa v13 na ang mga Cristiano ay hindi dapat mangalumbay (o magdalamhati) na gaya ng ibang walang pag-asa. Hindi niya sinasabing masama ang malungkot, mangalumbay o magdalamhati sa pagkamatay ng minamahal. Sinasabi niyang huwag nating gayahin ang mga hindi mananampalataya na namimighating walang pag-asa. Mangalumbay tayo na may pag-asa.

Bakit tayo may pag-asa? Ang sagot ay nasa v14. May pag-asa at kumpiyansa tayo ng reunion kasama ng mga mahal sa buhay na namatay kay Cristo (mga mananampalataya). Darating ang panahon na ang mga patay kay Cristo ay bubuhayin muli, at sila at tayong buhay pa ay aagawin ni Cristo mula sa mundong ito patungo sa langit upang iwasan ang dakilang kapighatiang inihanda sa mundong ito. Samakatuwid, nauunawaan nating ang paghihiwalay ay pansamantala lamang. Muling magkakasama ang mga mananampalatayang magkakamag-anak upang kay Cristo ay hindi na muling magkawalay. Ito ang katotohanang sinasabi ni Pablong dapat maging kaaliwan ng isa't isa. Paano natin aaliwin ang Cristianong namatayan ng minamahal sa buhay? Ipaalala natin ang Rapture. 

Ayon sa 2 Cor 1:3-5, inaaliw tayo ng Diyos upang aliwin din natin ang iba na nakaranas ng parehong pinagdaraanan. Kung nakatulong sa iyo ang rapture, ibahagi mo rin ito sa iba. 


(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, alas 8:30-10:30 am. Sa Amoguis, 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)




Comments

Popular posts from this blog

Mahirap mamangka sa dalawang ilog

Ang Sikreto ng Aming 17 Taong Pagsasama

Mga Halimbawa sa Cristianong Pamumuhay