Mangagbatahan kayo (Tolerate One Another)


Efeso 4:1 Namamanhik nga sa inyo akong bilanggo sa Panginoon, na kayo'y magsilakad ng nararapat sa pagkatawag na sa inyo'y itinawag, 2 Ng buong kapakumbabaan at kaamuan, na may pagpapahinuhod, na mangagbatahan kayo-kayo sa pagibig...

Ang pagbabatahan ng bawat isa ay isang praktikal na aplikasyon ng ating posisyun sa kalangitan kasama ni Cristo (co-session with Christ). Bilang mga nakaupo sa kalangitan, tayo ay dapat na lumakad nang ayon sa ating espirituwal na kalagayan. Dapat tayong lumakad nang karapatdapat sa pagkatawag sa atin, na may kapakumbabaan, kaamuan at pagpapasensiya. Ang pasensiyang ito ay makikita sa ating pagbabata sa bawat isa. 

Bilang kalipunan ng mga taong may iba't ibang personahe na pinagbigkis ng pananampalataya kay Cristo, hindi maiiwasang ang mga personaheng ito ay magbanggaan. Dito papasok ang pagbabata sa bawat isa. Ang pagbabatahan ay naglalarawan ng pagkakaroon ng mahabang pisi (upang hindi agad sumabog sa galit o pagkainis) at hindi pagiging reaksiyonaryo (konting dutdot lang, sabog agad). Ito ay tutulong upang mapanatili ang pagkakaisa sa Espiritu. Kapag wala ang pagbabatahan, mawawala ang pagkakaisa sa Espiritu. 

Ngunit ang nakalulungkot ay hindi tayo nagbabatahan ng bawat isa. Ang obserbasyon ko ay mas binabata natin ang mga hindi mananampalataya (marahil dahil gusto natin silang ma-"recruit") kaysa kapwa mananampalataya. Hindi dapat ganito. Bilang bahagi ng iisang Katawang magkakasamang gugugol ng eternidad kasama ni Cristo, ngayon pa lang matuto tayong mabuhay kasama ang bawat isa.


(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, alas 8:30-10:30 am. Sa Amoguis, 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.


Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)





Comments

Popular posts from this blog

Mahirap mamangka sa dalawang ilog

Ang Sikreto ng Aming 17 Taong Pagsasama

Mga Halimbawa sa Cristianong Pamumuhay