Memorizing Scriptures: Mateo 4:4

Mateo 4:4 Datapuwa't siya'y sumagot, at sinabi, Nasusulat, Hindi sa tinapay lamang mabubuhay ang tao, kundi sa bawa't salitang lumalabas sa bibig ng Dios.

Matthew 4:4 [4]But He answered and said, "It is written, 'Man shall not live on bread alone, but on every word that proceeds out of the mouth of God.'"

Pagkatapos bautismuhan ni Juan Bautista si Jesus, dinala ng Espiritu Santo sa ilang upang tuksuhin ni Satanas. Tinukso ni Satanas si Jesus na humiwalay sa Diyos sa pamamagitan ng pag-asa sa Kaniyang sarili sa halip na sa Ama, na tuksuhin ang pangako ng Diyos sa pagliligtas sa pamamagitan ng paglagay ng Kaniyang sarili sa binggit ng kamatayan at sumamba sa nilalang sa halip na Maylalang. Sa lahat nang ito ay nabigo si Satanas sa kabila ng paggamit ng Kasulatan. 

Sa unang pagtukso, sa halip na unahin ang Kaniyang pangsariling pangangailangan, mas pinili ni Jesus na magpokus sa Salita ng Diyos. Ang tao ay hindi mabubuhay sa materyal na bagay lamang ("tinapay"); kailangan niya ang espirituwal na bagay ("bawat Salitang namutawi sa bibig ng Diyos"). Hindi rito sinasabing hindi mahalaga ang pagkain. Sinasabi ritong mahalaga pareho ang tinapay para sa pisikal na paglago at Salita ng Diyos para sa espirituwal na paglago. 


(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, alas 8:30-10:30 am. Sa Amoguis, 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)



Comments

Popular posts from this blog

Ang Diyos ang Nagtatag ng Pamilya

Hindi kami maaaring mag-Bible study dahil nakapambahay?

Ang Sikreto ng Aming 17 Taong Pagsasama