Mangagpatawaran kayo sa isa't isa


Efeso 4:32 At magmagandang-loob kayo sa isa't isa, mga mahabagin, na mangagpatawaran kayo sa isa't isa, gaya naman ng pagpapatawad sa inyo ng Dios kay Cristo.

Col 3:13 Mangagtiisan kayo sa isa't isa, at mangagpatawaran kayo sa isa't isa, kung ang sinoman ay may sumbong laban sa kanino man; na kung paanong pinatawad kayo ng Panginoon, ay gayon din naman ang inyong gawin.

San 5:16 Mangagpahayagan nga kayo sa isa't isa ng inyong mga kasalanan, at ipanalangin ng isa't isa ang iba, upang kayo'y magsigaling. Malaki ang nagagawa ng maningas na panalangin ng taong matuwid.

Pinatawad tayo ng Diyos kay Cristo, samakatuwid kailangan nating iabot ang kapatawaran sa ibang mananampalataya. Ang mga taong pinatawad na ay dapat makilala sa pagiging mapagpatawad. Kung paanong walang hangganan ang pagpapatawad ng Diyos (lalo na sa dispensasyong ito), ganuon din dapat tayo.

Makikita ito sa tanong ni Pedro kay Jesus sa Mat 18:21-22. Iniisip ni Pedro na siya ay mabiyaya sa pagpapatawad nang makapito ngunit sabi ni Jesus ay pitumpong pito, o hanggang may pangangailangan. Matapos ay nagbigay Siya ng larawan kung anong mangyayari sa mananampalatayang hindi nagpapatawad. Sila mismo ay hindi patatawarin. Hindi ito kapatawarang hudisyal kundi pagpapatawad para sa pakikisama. Kung namumuhi ka sa kapatid at hindi nagpapatawad, ilang ulit ka mang magkumpisal, ikaw ay patuloy na walang pakikisama sa Diyos dahil sa mental na kasalanan ng kawalang pagpapatawad (v35).

Sa Col 3:12-13, ibinase ni Pablo ang pagpapatawad sa katotohanang tayo ay may bagong kalikasan. Ang ating bagong kalikasan ay mapagmahal, magandahing loob, maingat, mapagpasensiya at mapagpatawad. Kung ang sinuman ay may sumbong sa iba, patawarin ang kapatid na iyan. Muli, ang modelong ating susundan ay si Jesus mismo. Tingnan ang Lu 23:34.

Sa San 5:15, makikita natin ang kaso ng kapatid na may karamdaman dahil sa kasalanan. Ang panalangin ng matatanda ay magpapagaling sa kaniya. Ang langis ay panghaplos sa nahihirapang katawan. Kailangan din ng maysakit na patawarin ang kaniyang kasalanan.

Ito ang lunduyan sa ating teksto, v16. Sa v16, kailangan ng mananampalatayang ikumpisal ang kaniyang kasalanang nagawa sa kapatid. Ito ang pumipigil sa janiya na magkaroon ng kagalingan. Hindi ito nagtuturo ng pagkukumpisal sa mga pari dahil lahat ng mananampalataya ay pari. Ito ay pagkukumpisal sa kapatid na nagawan ng mali bilang hakbang sa pagbalik sa pakikisama sa Diyos kung saan ang kagalingan ay naghihintay. Ito ang hakbang sa kapatawarang pamilyal at rekonsilasyon. 


(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, alas 8:30-10:30 am. Sa Amoguis, 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)



Comments

Popular posts from this blog

Mahirap mamangka sa dalawang ilog

Ang Sikreto ng Aming 17 Taong Pagsasama

Mga Halimbawa sa Cristianong Pamumuhay