Mangagturuan at mangagpaalalahanan sa isa't isa

Col 3:16 Manahanan nawang sagana sa inyo ang salita ni Cristo; ayon sa buong karunungan, kayo'y mangagturuan at mangagpaalalahanan sa isa't isa sa pamamagitan ng mga salmo at ng mga himno at mga awit na ukol sa espiritu, na magsiawit kayong may biyaya sa inyong puso sa Dios.

Sa Colosas 3:16, nanawagan si Pablo sa mga taga-Colosas na manahan nawa sa kanila ang salita ni Cristo. Kapag kinumpara natin ang Col 3:16 sa Ef 5:18, makikita nating ang Espiritu ang metodo ng pagpupuno sa mananampalataya ng Salita ni Cristo. Ang resulta nito ay pagtuturo at pagpapaalala sa isa't isa at mabiyayang pag-awit ng mga salmo, himno at espirituwal na awit. 

Dahil sa ito ay sinulat sa mga oridnaryong miyembro ng Colosas at hindi sa mga pastor, hindi ito kaloob ng pagtuturo. Sa halip tumutukoy ito sa obligasyong ipasa sa iba ang natutunan. Ang mga aral na ating narinig sa pulpito ay dapat nating isapuso at ibahagi sa iba. Hindi ito nangangahulugang magtuturo ka sa pulpito (walang dahilan na hindi kung may kakayahan ka) ngunit nangangahulugan ito ng pagbabahagi ng impormasyon sa iba. Marahil nakikipagkwentuhan ka at nauwi sa Biblia ang usapan- may ibabahagi ka sa kanila. 

Lahat ng Cristianong gumugol sa taimtim na pag-aaral ng Biblia sa anumang haba ng panahon ay siguradong may maibabahagi sa iba kung nanaisin. Ang isyu lang ay kung isinapuso ang leksiyon at kung ikaw ay handang magbahagi. Huwag nating gayahin ang mga Hebreo sa Hebreo 5:11-14, na bagama't nasa gulang na para magbahagi ay hindi magawa dahil nawalan sila ng interes na makinig sa doktrina (mapurol ang tainga). Dahil dito wala na silang natututunan at walang maibabahagi sa iba. Huwag nating gayahin ang mga taga-Corinto sa 1 Cor 3:1-3 na dahil sa karnalidad ay nananatiling sanggol sa kaalaman. Hindi ka lalago sa pananampalataya kung lumalakad ka sa laman dahil gaya ng nabanggit na, ang Espiritu Santo ang magpupuno sa mananampalataya ng Salita ni Cristo. Kung lumalakad ka sa laman, hindi makakakilos ang Espiritu. 


(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, alas 8:30-10:30 am. Sa Amoguis, 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)



Comments

Popular posts from this blog

Ang Diyos ang Nagtatag ng Pamilya

Hindi kami maaaring mag-Bible study dahil nakapambahay?

Ang Sikreto ng Aming 17 Taong Pagsasama