Magmagandang-loob kayo sa isa't isa



Efeso 4:32 At magmagandang-loob kayo sa isa't isa, mga mahabagin, na mangagpatawaran kayo sa isa't isa, gaya naman ng pagpapatawad sa inyo ng Dios kay Cristo.

Sa sitas na ito, makikita natin ang ilang negatibo at ilang positibong pahayag ni Pablo bilang bahagi ng lakad ng mga kaisa ni Cristo. 

Sa negatibong pahayag ang mga sumusunod ay dapat alisin: ang lahat ng kapaitan, at kagalitan, at pagkakaalit, at kadaldalan, at panglilibak, ay mangaalis nawa sa inyo, pati ng lahat ng masasamang akala. Ang nga ito ay hindi ayon sa ating bagong kalikasan bilang kaisa ni Cristo. Pansining ang mga ito ay kasalanang mental at verbal, mga kasalanang madalas na hindi nabibigyang pansin sa isang kulturang ang empasis ay sa mga kasalanang nakikita (overt). Madaling iwasan ang pagpatay, pero hindi ang masamang isipan laban sa iba at ang pagkalat ng nakamamatay na kwento sa iba. 

Sa positibong pahayag (v32) ang mga sumusunod ay dapat gawin: magmagandang-loob kayo sa isa't isa, mga mahabagin, na mangagpatawaran kayo sa isa't isa, gaya naman ng pagpapatawad sa inyo ng Dios kay Cristo.

Ang magmagandang loob ay ang magpakita ng pag-ibig na kumikilos para sa iba. Hindi ito teoretikal na bagay kundi pag-iisip ng mga bagay na may pakinabang sa iba. Nangangahulugan din itong kung gawan ng iba ng masama, hindi ka magnanais na gumanti. Sa halip patuloy kang magpapakita ng biyaya. Hindi tayo magiging marahas at masamang ugali, lagi tayong magiging mapagmalasakit sa iba. 


(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, alas 8:30-10:30 am. Sa Amoguis, 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.


Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)





Comments

Popular posts from this blog

Mahirap mamangka sa dalawang ilog

Ang Sikreto ng Aming 17 Taong Pagsasama

Mga Halimbawa sa Cristianong Pamumuhay