Mangagpangaralan sa isa't isa



1 Tesalonica 5:11 Dahil dito kayo'y mangagpangaralan, at mangagpatibayan sa isa't isa sa inyo, gaya ng inyong ginagawa.

Hebreo 3:13 Nguni't kayo'y mangagpangaralan sa isa't isa araw-araw, samantalang sinasabi, Ngayon; baka papagmatigasin ang sinoman sa inyo ng daya ng kasalanan...

Hebreo 10:25 Na huwag nating pabayaan ang ating pagkakatipon, na gaya ng ugali ng iba, kundi mangagaralan sa isa't isa; at lalo na kung inyong namamalas na nalalapit na ang araw.

Sa 1 Tes 5:1-7 nilarawan ni Pablo ang Ikalawang Pagparito ni Cristo. Pansining sa Biblia ang rapture ay hindi kailan man tinawag na Araw ng Panginoon. Tinawag itong araw ni Cristo sa Fil 1:6,10; 2:16 but hindi kailan man na Araw ng Panginoon.

Sa v8, sinabi niyang ang mga mananampalataya ay dapat mamuhay nang pamumuhay na iba sa mga hindi mananampalataya. 

Sa v9-10, hindi papasok ang mga mananampalataya sa poot ng Tribulasyon dahil sila ay mara-rapture muna. 

Ito ang basehan ng pangaral sa V11. Pinangangaralan natin ang isa't isa ng katotohanang hindi tayo nakatalaga sa Tribulasyon kaya dapat tayong mamuhay nang maayos. Tanging hindi mananampalataya ang papasok sa Tribulasyon. 

Sa Heb 3:13 ang awtor ay nagpapaalala sa kaniyang mambabasa na huwag yumakap sa apostasiya. Sa v1-6, pinangaral niya ang superyoridad ni Cristo kay Moises at sa Kautusan. Sa v7 nagbigay siya ng babala, na humuhugot ng aral sa Kadesh-Barnea. Ang mga sumuway sa Diyos ay namatay sa ilang; hindi sila pumasok sa Lupang Pangako. Ganuon din naman, ang mga mananampalataya ngayon ay hindi magkakaroon ng katahimikang dala ng pananampalataya (faith-rest) ng Heb 4 kung hindi nila hahaluan ang mga pangako ng Diyos ng pananampalataya (tingnan ang v12). 

Sa v13 sinabi ng awtor na kailangan ang pangangaral upang hindi tumigas ang kanilang puso dahil sa pandaraya ng kasalanan. Pangaralan natin ang mananampalatayang magpatuloy sa espirituwal na buhay sa pamamagitan ng paghalo ng mga pangako ng Diyos ng pananampalataya. 

Sa Heb 10:24-25, sa halip na lumayo sa bayan ng Diyos, kailangan tayong mangaralan at magpalakasan ng loob habang papalapit ang araw. Maaaring tumutukoy ang araw sa paghuhukom ng AD 72 o sa Bema. Sa tingin ko tumutukoy ito sa Bema. 


(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, alas 8:30-10:30 am. Sa Amoguis, 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)





Comments

Popular posts from this blog

Mahirap mamangka sa dalawang ilog

Ang Sikreto ng Aming 17 Taong Pagsasama

Mga Halimbawa sa Cristianong Pamumuhay