Pasakop kayo sa isa't isa sa takot kay Cristo



Efeso 5:21 Na pasakop kayo sa isa't isa sa takot kay Cristo.

Ang resulta ng kapuspusan ng Espiritu Santo ay pag-aawit, pagpapasalamat at pagpapasakop sa isa't isa. Lumalabas na ang ating makasalanang kalikasan ay nagpapahirap sa ating magpasakop sa ibang tao kaya kailangan ang kapangyarihan ng Espiritu Santo upang magawa ito. 

Sa v21, kailangan ang mutuwal na pagpapasakop sa lahat ng mga relasyong babanggitin ni Pablo: asawang lalaki at asawang babae; si Cristo at ang Iglesia; ang mga magulang at mga anak; at sa huli, ang mga panginoon at mga alipin. Ang magpasakop ay ang kunin ang lugar ng isang tao ayon sa ranggo. Hindi rito pinag-uusapan ang superyoridad o imperyoridad kundi ranggo. 

Ang sirkulo ng pagpapasakop ay ang takot kay Cristo. Anumang pagpapasakop ayon sa pagkatakot sa tao ay mabibigo. Ang kailangan mong gawin upang maalis ang takot sa tao ay magpakalakas. Sa sandaling malakas ka na, mawawala ang takot sa tao at mawawala ang pagpapasakop. Ngunit hindi ganito ang pagpapasakop sa takot sa Panginoon. Dahil wala kahit isa sa atin ang mas lalakas sa Panginoon, ang pagkatakot sa Panginoon ang tanging sirkulong pwedeng magresulta sa mutuwal na pagpapasakop. 


(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, alas 8:30-10:30 am. Sa Amoguis, 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)





Comments

Popular posts from this blog

Mahirap mamangka sa dalawang ilog

Ang Sikreto ng Aming 17 Taong Pagsasama

Mga Halimbawa sa Cristianong Pamumuhay