Hain sa paghahandog


Filipos 2:17 Oo, kahit ako'y maging hain sa paghahandog at paglilingkod ng inyong pananampalataya, ako'y nakikipagkatuwa, at nakikigalak sa inyong lahat:18 At sa ganyan ding paraan kayo'y nakikipagkatuwa naman, at nakikigalak sa akin.

Sa v16 sinabi ni Pablo na ang maayos na lakad espirituwal ng mga taga-Filipos ay magbibigay sa kaniya ng oportunidad na magmapuri sa Bema, ito ay patunay na hindi nasayang ang kaniyang oras sa pagtuturo sa kanila. Sa v17 sinalaysay ni Pablo ang kaniyang kahandaang paglingkuran ang mga taga-Filipos.

"Oo, kahit ako'y maging hain sa paghahandog at paglilingkod ng inyong pananampalataya." Ikinumpara niya ang kaniyang sarili bilang isang haing ibubuhos (libation) sa mayor na handog ng paglilingkod at pananampalataya ng mga taga-Filipos. Samakatuwid, kinukumpara niya ang kaniyang sakripisyo bilang minorya at sekondaryo sa paglilingkod at pananampalataya ng mga taga-Filipos. 

"Ako'y nakikipagkatuwa, at nakikigalak sa inyong lahat at sa ganyan ding paraan kayo'y nakikipagkatuwa naman, at nakikigalak sa akin." Ganap ang kaniyang kasiyahan kung ang mga taga-Filipos ay tumanggap ng gantimpala sa Bema. Anumang papel na kaniyang ginampanan upang ang mga taga-Filipos ay maging karapatdapat ng gantimpala sa Bema, ay tinuturing niyang maliit na bagay kumpara sa sakripisyo ng mga taga-Filipos. Ganito sana ang kaisipan ng mga ministro. Sa halip na makikumpitensiya sa miyembro, gamitin niya ang pagkakataon upang hayaan ang miyembro na magningas at makontentong kunin ang sekondaryo at minor na posisyun. Maging haing ibubuhos at hindi pangunahing haing panghandog. 


(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, alas 8:30-10:30 am. Sa Amoguis, 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.


Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)





Comments

Popular posts from this blog

Ang Diyos ang Nagtatag ng Pamilya

Hindi kami maaaring mag-Bible study dahil nakapambahay?

Ang Sikreto ng Aming 17 Taong Pagsasama