Mangagtiisan kayo sa isa't isa


Col  3:13 Mangagtiisan kayo sa isa't isa, at mangagpatawaran kayo sa isa't isa, kung ang sinoman ay may sumbong laban sa kanino man; na kung paanong pinatawad kayo ng Panginoon, ay gayon din naman ang inyong gawin.

Sa Galatia 6, ang mga mananampalataya ay dapat magbuhat ng dalahin ng isa't isa. Dito sa Colosas 3, kailangan nating maging grupong sandayan ng isa't isa. Nananawagan ito ng tolerasyon, pagtitiis at pagtitiyaga sa isang nakaiinis na mananampalataya. 

Bukod sa pagtitiis sa kapatid (na maaaring ilarawan bilang isang gawaing neutral o negatibo), tayo ay positibong tinatawagang magpatawad. Kung mayroong sumbong laban sa isa't isa, alalahaning pinatawad tayo ng Diyos kay Cristo ng ating mga kasalanan. 


(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, alas 8:30-10:30 am. Sa Amoguis, 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.


Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)





Comments

Popular posts from this blog

Ang Diyos ang Nagtatag ng Pamilya

Hindi kami maaaring mag-Bible study dahil nakapambahay?

Ang Sikreto ng Aming 17 Taong Pagsasama