Kayo'y mangagusapan ng mga salmo at mga himno at mga awit na ukol sa espiritu,
Efeso 5:18 At huwag kayong magsipaglasing ng alak na kinaroroonan ng kaguluhan, kundi kayo'y mangapuspos ng Espiritu;19 Na kayo'y mangagusapan ng mga salmo at mga himno at mga awit na ukol sa espiritu, na nangagaawitan at nangagpupuri sa inyong mga puso sa Panginoon.
Colosas 3:15 At maghari sa inyong puso ang kapayapaan ni Cristo, na diya'y tinawag din naman kayo sa isang katawan; at kayo'y maging mapagpasalamat.16 Manahanan nawang sagana sa inyo ang salita ni Cristo; ayon sa buong karunungan, kayo'y mangagturuan at mangagpaalalahanan sa isa't isa sa pamamagitan ng mga salmo at ng mga himno at mga awit na ukol sa espiritu, na magsiawit kayong may biyaya sa inyong puso sa Dios.
Sa halip na mapuspos (lango at nasa impluwensiya ng) ng alak, na nagdadala lamang ng pagtatalo, dapat tayong mapuspos (nasa impluwensiya ng) sa pamamagitan ng Espiritu Santo. Kapag ating kinumpara ang Efeso 5:18-19 sa Col 3:15-16, ang kapuspusan ng Espiritu ay ang pananahan ng Salita ni Cristo sa ating buhay. Samakatuwid pinupuno ni Cristo ang mananampalataya ng Kaniyang Salita sa pamamagitan ng Espiritu Santo. Ito ay nagpapakita ng residensiya ng Doktrina ng Biblia at ng Espiritu Santo. Ang dalawa ay mahalaga upang maisapamuhay ang supernatural na pamumuhay. Ginagamit ng Espiritu Santo and doktrina upang papagtibayin ang mananampalataya.
Ang resulta? Pagpapasalamat sa Diyos, pagpapasakop at ang ating paksa, pag-uusap sa pamamagitan ng mga salmo, himno at espirituwal na awit. Ang pag-uusap ay nagpapakitang ang mga awit (anumang kategoriya nito- salmo, himno o espirituwal na kanta) ay dapat may nilalaman. May mensahe, may kahulugan. May doktrina. Ang paraan ng pag-uusap ay ang pagkanta at pagpupuri (paglalagay ng melodiya) sa puso. Ang awit ay dapat galing sa puso, ang pinakakaibuturan ng isang tao (= may lamang doktrina) at hindi galing lamang sa labi (Mat 15:8; Marcos 7:6). Ang mga awit na nakaluluwalhati sa Diyos ay mga doktrinang nilapat sa musika.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, alas 8:30-10:30 am. Sa Amoguis, 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
Comments
Post a Comment