Bakit kailangang ibigin ang mga kapatid
Filipos 2:2 Ay lubusin ninyo ang aking katuwaan... mangagtaglay ng isa ring pagibig...
Ang pag-ibig ang isa sa mga pangunahing tema ng Biblia, lalo na sa 1 Juan at 1 Cor 13. Tingnan natin kung bakit kailangan nating mahalin ang mga kapatid.
1. Upang manahan sa Liwanag, 1 Juan 2:10-11. Ang pananahan sa liwanag ay ang magkaroon ng pakikisama sa Panginoon, 1 Juan 1:5-7.
2. Ito ang mensahe mula sa pasimula, 1 Juan 3:11-12.
3. Upang ang ating posisyun ay maging realidad sa ating pang-araw-araw na buhay, 1 Juan 3:14.
4. Ito ay direktang utos ng Panginoon, 1 Juan 3:23; Juan 13:34-35.
5. Ang Diyos ay pag-ibig at ang Kaniyang mga anak ay dapat lumakad sa pag-ibig. Malungkot na marami Niyang anak ang lumalakad sa kadiliman, 1 Juan 4:7,8; 3:1.
6. Bilang layon ng pag-ibig ng Diyos, dapat din tayong umibig sa kapwa mananampalataya, 1 Juan 4:11.
7. Sapagkat ang Diyos ay nananahan sa atin, 1 Juan 4:12. Ang ating pag-ibig ang patotoo sa hindi nakikitang Diyos.
8. Ito ay patunay na umiibig tayo sa Diyos, 1 Juan 4:20-21. Paano natin masasabing iniibig natin ang Diyos na hindi nakikita kung ang kapatid na nakikita ay ating kinamumuhian, 1 Juan 3:18.
9. Ang mga kapatid ay dapat ibigin dahil sila ay mga anak ng Diyos, 1 Juan 5:1.
10. Upang magkaroon ng kumpiyansa sa Bema, 1 Juan 4:17-18.
Pansining kailangan natin silang ibigin hindi dahil sa kung ano ang ginawa nila para sa atin kundi dahil sa kung ano ang ginawa ng Diyos sa atin at kung sino tayo sa Kaniya.
Patuloy tayong mag-ibigan.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, alas 8:30-10:30 am. Sa Amoguis, 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
Comments
Post a Comment