Kayo'y Nasa Aking Puso

 


Filipos 1:7 Gaya ng matuwid na aking isiping gayon tungkol sa inyong lahat, sapagka't kayo'y nasa aking puso, palibhasa'y, sa aking mga tanikala at pagsasanggalang at sa pagpapatunay naman sa evangelio, kayong lahat na kasama ko ay may bahagi sa biyaya.8 Sapagka't saksi ko ang Dios, kung gaano ang pananabik ko sa inyong lahat sa mahinahong habag ni Cristo Jesus.

Malinaw na malapit kay Pablo ang mga taga-Filipos. Sinabi niyang ang mga ito raw ay nasa kaniyang puso. Ito ay nagpapakita ng pag-ibig mula sa pinakakaibuturan ni Pablo dahil ang puso ang pinakasentro ng tao, ang puso ay nagpapakita kung sino ka kung walang ibang nakatingin. 

Ang pag-ibig ang langis na nagpapadulas ng makinarya ng espirituwal na buhay. Paano ipinakita ni Pablo ang kaniyang pag-ibig?

1. Siya ay nagdusa para sa kanila. Ef 3:1. Dahil sa pag-ibig at pagnanais na maipalaganap ang evangelio at ang misterio ng pananampalataya, siya ay naging bilanggo, hindi ng Roma kundi ni Jesucristo. Para sa kaniya, ang kaniyang pagkabilanggo ay hindi dahil nasupil siya ng Roma, kundi dahil bilang alipin ni Jesus, handa siyang magturo kahit natatanikalahan. 

2. Si Pablo ay nagmamalasakit sa mga Cristiano. Filipos 2:25-28; 1 Juan 3:18. Ang kanilang mutual na pagmamalasakit sa bawat isa ay makikita sa pag-aalala nila sa bawat isa at sa pagsagot sa mga alalahaning ito. Bagama't makatutulong sa kaniyang ministri si Epaproditus, pinauuwi niya ito upang hindi na mag-alala ang mga taga-Filipos at sa ganuon mabawasan din ang pag-alala ni Pablo sa mga nag-aalalang taga-Filipos. 

3. Isa pang tanda ng pag-ibig ay ang pagpapatawad. Isang layon ng kaniyang sulat ay pagbatiin ang nag-aaway na Euodias at Synteche, Fil 4 at sa ganitong paraan mapanatili ang pagkakaisa ng simbahan, Fil 2. Ang pagpapatawad ay ekspresyon ng pag-ibig, 1 Ped 4:8; 1 Cor 13:5. 

4. Ang pag-ibig ay may hatid na kasiyahan, isang mayor na tema ng sulat, Gal 5:22. Magkakaroon lamang ng tumatagal na kasiyahan, kasiyahang hindi nakabase sa sirkumstansiya, kung pag-ibig ang naghahari sa simbahan. 

Ang pag-ibig ni Pablo sa mga taga-Filipos ang nagtulak sa kaniya para ipanalangin ang mga ito. 

(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, alas 8:30-10:30 am. Sa Amoguis, 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.)




Comments

Popular posts from this blog

Nangungulila sa isang Ama

Mahirap mamangka sa dalawang ilog

THE ONLY TRUE RACIAL RECONCILIATION