Panalangin ni Pablo para sa mga taga-Filipos

 


Filipos 1:9 At ito'y idinadalangin ko, na ang inyong pagibig ay lalo't lalo pang sumagana nawa sa kaalaman at sa lahat ng pagkakilala;10 Upang inyong kilalanin ang mga bagay na magagaling; upang kayo'y maging mga tapat at walang kapintasan hanggang sa kaarawan ni Cristo;11 Na mangapuspos ng bunga ng kabanalan, na ito'y sa pamamagitan ni Jesucristo, sa ikaluluwalhati at ikapupuri ng Dios.

Sa Filipos 1:9-11 ibinigay ni Pablo ang kaniyang aktuwal na panalangin. Malaki ang matututunan natin sa panalanging ito. 

"At ito'y idinadalangin ko"- ibinahagi ni Pablo ang laman ng kaniyang personal na panalangin. Madalas ang ating mga panalangin ay puno ng paghingi ng materyal na bagay. Ngunit ang panalangin ni Pablo ay patungkol sa mga matatawag nating espirituwal na bagay.

"Na ang inyong pagibig ay lalo't lalo pang sumagana nawa sa kaalaman at sa lahat ng pagkakilala." Una niyang kahilingan ay ang kanilang pag-ibig ay mas lalong sumagana. Ang pag-ibig ay nasa mga taga-Filipos bilang bahagi ng kanilang espirituwal na paglago. Ang panalangin ni Pablo ay lalo itong sumagana. Ang pag-ibig ay sasagana sa tunay na kaalaman (doktrina) at pagkakilala o discernment. Habang lumalago sa pagkaalam ng Salita ng Diyos, ang mananampalataya ay mas lalong umuunlad sa pagkakilala ng tunay na realidad at halaga ng mga bagay, kabilang na ang pagkilala sa kahalagahan ng pag-iibigan ng kapatiran. Dahil sa paglagong ito sa kaalaman at pagkakilala, nakikilala niya ang milya-milyang pagkakaiba ng mga bagay pan-Diyos kumpara sa mga bagay ng sanlibutan at iniibig niya ang una kaysa sa panghuli. Dahil sa siya ay may mastery over details of life, mayroon siyang capacity to love. 

"Upang inyong kilalanin ang mga bagay na magagaling." Ang kilalanin ay nangangahulugang aprubal. May aprubal ang Cristiano sa mga bagay na magagaling k ekselente. Ang mga ekselenteng bagay ay may bagay na may pagkakaiba sa mga ordinaryong bagay. Hindi siya katulad ng mga ordinaryong bagay dahil sa taglay niyang superyor na katangian. Ano ba ang mga bagay na magaling? Doktrina. Pag-ibig. Pananampalataya. Hinihiling ni Pablo na magkaroon ang mga banal ng Filipos nang scale of values na nagpapahalaga sa mga espirituwal na bagay, mga bagay na kakaiba at hindi ordinaryo. Ang mga materyal na bagay ay ordinaryo sa sanlibutang ito. Iyan ang kinalakihan ng mga hindi mananampalataya. Dapat tayong tumutok sa mga bagay na iba sa ating kinalakihan bilang hindi mananampalataya. Kung ang ating pagpapahalaga ay walang pagkakaiba sa mga hindi mananampalataya, nagpapakita itong wala tayong paglago. 

"Upang kayo'y maging mga tapat at walang kapintasan hanggang sa kaarawan ni Cristo." Ikatlong kahilingan ni Pablo ay maging tapat o sinsero ang mga taga-Filipos. Ang sinsero ay may isang kaisipan na nahahayag sa iisang salita at gawa. May integridad ang kaniyang isip at gawa. Hindi siya nag-iisip ng isang bagay ngunit nagsasalita o kumikilos ng iba rito. Ang tawag natin sa mga iyan ay ipokrito. Bilang sinserong tao ang kanilang salita ay may independiyenteng pag-iral sa kanila, samakatuwid kapag sinabi nila, gagawin nila. Hindi sila nanlilinlang para makabentahe. Sa halip tapat sila kahit ikasasama o ikalulugi nila. Hiling din ni Pablo na sila ay "walang kapintasan." Hindi ito nangangahulugang walang kasalanan ngunit nangangahulugang ang kanilang gawi ay konsistent sa kanilang paniniwala na walang hindi mananampalatayang magsasabing sila ay sinungaling o ipokrito. Sa madaling salita mayroon silang positibong reputasyon sa mga hindi mananampalataya. Ito raw ay "hanggang sa pagdating ni Cristo," o Rapture. Dahil hindi alam ni Pablo kung kailan ang Rapture, hiling niyang magpatuloy sa sinseridad at kawalang dungis ang mga taga-Filipos hanggang sa pagdating nito. Ibig sabihin ayaw niyang mag backslide o maging rebersiyonista ang mga taga-Filipos. Gusto niyang lumago sila sa biyaya at pagkakilala kay Cristo, 2 Pedro 3:18.

"Na mangapuspos ng bunga ng kabanalan, na ito'y sa pamamagitan ni Jesucristo, sa ikaluluwalhati at ikapupuri ng Dios." Ang mapuspos ay mapuno. Maging SOP ng mga Cristiano sa Filipos. Ang kabanalan ay praktikal na kabanalan, hindi posisyunal na kabanalang taglay na nila sa simula pa lang ng kanilang pananampalataya. Ang kabanalan dito ay ang paglago sa kabanalan kay Cristo o sanktipikasyon. Habang lumalago ang mananampalataya, siya ay nahahawig sa banal na si Cristo. Samakatuwid makikita sa kaniya ang kabanalan ni Cristo. Ang praktikal na kabanalang ito ay ikaluluwalhati at ikapupuri ng Diyos. Gusto niyong purihin at luwalhatiin ang Diyos? Hindi sapat ang kumanta na may magandang boses kung ang puso ay malayo sa Kaniya. Sa halip itaas ninyo si Cristo sa trono ng inyong puso, 1 Ped 3:15, at kahit sintunado ang iyong bibig, maluluwalhati at mapupuri ang Diyos. Ikaw ang display ng Kaniyang kaluwalhatian at kapurihan. Kapag nakita ka ng hindi mananampalataya, sasabihin nila, "Purihin at luwalhatiin ang Diyos," dahil sa nakikita nila sa iyong buhay. Ito ang layon ng ating buhay. Bakit hindi pa tayo dinala ng Diyos sa langit nang tayo ay maligtas? Ito ay upang awitin natin ang Kaniyang kaluwalhatian, 1 Ped 2:9. 

Ang panalanging ito ni Pablo para sa mga taga-Filipos ay panalangin din niya para sa ating nagbabasa ng kaniyang epistula. Handa ka bang idebelop ang mga ito sa iyong buhay? Higit sa lahat, handa ka bang ipanalanging mangyari ang apat na ito sa buhay ng ibang Cristiano? 

(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, alas 8:30-10:30 am. Sa Amoguis, 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.)



Comments

Popular posts from this blog

Nangungulila sa isang Ama

Mahirap mamangka sa dalawang ilog

THE ONLY TRUE RACIAL RECONCILIATION