Positional Truth
Filipos 1:1 Si Pablo at si Timoteo, na mga alipin ni Cristo Jesus, sa lahat ng mga banal kay Cristo Jesus na nangasa Filipos, pati ng mga obispo at ng mga diakono:
Nakaraan, pinag-usapan natin ang mga tumanggap ng sulat na ito. Nakita na natin ang mga obispo at diakono. Tingnan natin ngayon ang doktrina ng Katotohanang Posisyunal (Positional Truth). Ito ay nakikita sa pariralang KAY CRISTO JESUS.
Ang positional truths ay naglalarawan ng mga pagpapalang natanggap ko kay Cristo. Sa sandali ng pananampalataya, kinuha ng Espiritu Santo ang mananampalataya mula kay Adan papunta kay Cristo. Kay Cristo, taglay niya ang mga pagpapala ng biyaya. Narito ang ilan sa mga ito:
https://faithequip.org/positional-truths-and-blessings-of-believers/
https://gbible.org/daily-message/importance-positional-truth-can-never-overstated/
https://www2.gracenotes.info/topics/union-with-christ.html
Kay Cristo, nakibahagi tayo sa kung sino si Cristo. Babala, hindi ito nangangahulugang tayo ay naging Diyos, kundi tayo ay nakibahagi sa mga kapalaran ni Cristo gaya ng:
1. Buhay na walang hanggan, Juan 3:16; 6:47; 1 Juan 5:11, 12
2. Positibong katuwiran, 2Cor. 5:21
3. Pagkahirang para maging banal at walang bahid sa harapan Niya, Ef. 1:4. Pansining ito ay hindi indibidwal na pagkahirang para sa kaligtasan kundi pagkahirang para maging displey ng Kaniyang kabanalan.
4. Kapalaran, Ef. 1:5 Ang ating ultimong kapalaran ay mahawig kay Cristo.
5. Pagiging maturong anak na lalaki, 2 Tim. 2:1
6. Kabanalan, 1 Cor. 1:2 Kahit ang mga imoral na Corintiano ay banal kay Cristo.
7. Pagkasaserdote, Heb 10:10-14. Tayo ay haring saserdote at Siya ang Punong Saserdote
8. Paghahari, 2 Pet. 1:11 Bagama't lahat ay bahagi ng naghaharing pamilya ng Diyos, tanging mga mananagumpay ang may aktuwal na paghahari.
Ilang puntos patungkol sa positional truths.
1. Ito ay hindi eksperiensiya o emosyon. Ito ay mga katotohanang hinayag ng Kasulatan na dapat tanggapin sa pananampalataya.
2. Ito ay permanente. Hindi maiwawala at hindi maiimprob.
3. Ito ay sa biyaya. Hindi pinagtrabahuhan at hindi tayo karapatdapat. Lahat ng sino at ano tayo ay dahil kay Cristo.
4. Ito ay eternal. Hindi ito mababago pang muli nang hindi nasisira ang Pagka-Diyos ng Diyos na nagbigay nito. Hindi Niya babawiin ang anumang posisyung Kaniyang binigay.
5. Hindi ito gantimpala dahil sa paglago espirituwal. Lumago ka man o manatiling bata espirituwal, totoo pa rin sa iyo ang mga katotohanang ito.
6. Ito ay hindi masusumpungan sa siyensiya o sosyolohiya kundi doktrinang galing sa Biblia. Anumang opinyon ng mga tao ay hindi mababago ito.
7. Kung mabubuhay tayo sa liwanag ng mga positional truths na ito, tayo ay lalago sa apresasyon sa biyaya.
8. Natamo natin ang mga ito hindi dahil sa ating mga gawa kundi dahil sa gawa ng Diyos.
Ang mga positional truths ay naglalarawan ng ating katayuan sa harap ni Cristo. Ito ang ating tunay na identidad. Kapag tinitingnan tayo ng Diyos, hindi Niya nakikita ang ating lumang katayuan kay Adan kundi ang katayuan natin kay Cristo.
Maraming salamat kay Dr. Dean na pinagmulan ng mga ideya para sa blog na ito. Bisitahin ang kaniyang website sa deanbibleministries.org
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, alas 8:30-10:30 am. Sa Amoguis, 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.)
Comments
Post a Comment