Dapat Bang Bayaran ang mga Pastor at Guro sa Kanilang Ministri?
May ilang prinsipyo na dapat ikunsidera.
Una sa LT, ipinag-utos ng Diyos na suportahan ang mga Levita at mga saserdote. Bilang 18:8-32, lalo na ang v24.
Nang ang Panginoong Jesucristo ay lumakad dito sa lupa, may mga pagkakataong nagtuturo si Jesus na ginagastusan ng ibang tao, Lukas 10:8-9; Mat 10:8-10.
Sa panahon ng simbahan (Church Age), ang Biblia ay nagtuturo ng parehong prinsipyo ng pagsuporta sa mga Cristianong manggagawa. 1 Tim 5:17-18 (ang buong 17-25 ay patungkol sa gawi ng mga matanda). Pinagsama nito ang Deut 25:4 at Lukas 10:7, na nagpapakitang sa ganito kaaga ang kanonisidad ng aklat ni Lukas ay kinilala na ni Pablo.
Dapat ding pag-usapang ang Gal 6:6 kung saan dapat makibahagi ng mabubuting bagay ang mga naturuan sa kanilang tagapagturo. At sa 1 Cor 9:9-14, kinilala ni Pablo na sila ni Barnabas ay may karapatan ng suporta ngunit hindi nila ginamit ang karapatang ito.
Sa Fil 4:15-19, sinuportahan ng mga taga-Filipos ang ministri ni Pablo. Ikumpara sa 2 Cor 11:7-9 at 1 Tes 5:12-13.
Makikita rin sa buhay ni Pablo ang prinsipyo ng tentmaking. Gaya ng sinabi niya sa Gawa 20 at sa Tesalonica, siya ay nagtrabaho upang suportahan ang kaniyang sarili at mga kasama at hindi maging pabigat sa simbahan. Sa aking pagkakaalam, hindi ginamit ni Pablo ang karapatan ng evangelio (suportang pinansiyal) kundi siya ay nagtrabaho, ang tanging tinanggapan niya ng suporta ay Filipos.
Dapat ding ikunsidera ang mga sumusunod: 1 Cor 9:10-15; Gawa 20:33-35; 2 Tes 3:7-10; 1 Cor 9:18-19; 2 Cor 11:7-9.
Konklusyon: Timuturo ng Kasulatan ang pagbayad sa mga ministro upang tugunan ang kanilang pangangailangan. Ngunit hindi ito ginagamit ni Pablo kundi nagtrabaho para sa kaniyang pangangailangan at sa kaniyang mga kasama.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, alas 8:30-10:30 am. Sa Amoguis, 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.)
Comments
Post a Comment