Posts

Showing posts from July, 2025

Dress for battle- hindi long sleeve

Image
  Efeso 6:13 Dahil dito magsikuha kayo ng buong kagayakan ng Dios, upang kayo'y mangakatagal sa araw na masama, at kung magawa ang lahat, ay magsitibay. Mateo 11:8 Datapuwa't ano ang nilabas ninyo upang makita? isang taong nararamtan ng mga damit na maseselan? Narito, ang mga nagsisipanamit ng maseselan ay nangasa mga bahay ng mga hari. Imagine going to battle without an armor. Instead you're wearing a long sleeve shirt, a pair of black pants and block shoes. Silk pa ang medyas. How long do you expect this warrior to survive and live? Yet week after week, ganito makipagdigma ang mga Cristiano. Ang empasis ay nasa panlabas na pananamit sa halip na sa panloob na pagbabago. Ayon kay Pablo, hindi tayo nakikipagbuno sa laman at dugo, kundi sa mga espirituwal na nilalang na ang hanap ay ating kapahamakan. Isang putilidad (walang kabuluhan) na makipagdigma gamit ang pinakamaganda mong kasuotan. Sabi nga ni Juan Bautista, ang mga nagsusuot ng maselan na damit ay nasa palasyo ng mga...

Strength through resistance

Image
  Photo: ctto gymshark Santiago 1:3 Yamang nalalaman na ang pagsubok sa inyong pananampalataya ay gumagawa ng pagtitiis. 4 At inyong pabayaan na ang pagtitiis ay magkaroon ng sakdal na gawa, upang kayo'y maging sakdal at ganap, na walang anoman kakulangan. Roma 5:3 At hindi lamang gayon, kundi naman nangagagalak tayo sa ating mga kapighatian na nalalamang ang kapighatian ay gumagawa ng katiyagaan. Sino ba ang matinong taong araw-araw ay pinahihirapan ang kaniyang sarili? Marahil sasabihin ninyo nasisiraan ang taong ito ng bait. Bakit mo ipagpapalit ang comfort par sadyaing mahirapan? Unless you're a lifter (or any athlete for that matter). As a lifter nauunawaan mong ang mga intense sessions na halos mabali ang iyong mga buto at mapunit ang iyong mga muscles (I am exaggerating a bit) is what is helping you become stronger and comfort is actually your enemy.  Araw-araw ang isang lifter ay nagt-train against resistance. Araw-araw winawasak niya ang kaniyang mga muscles (literall...

Dami mong oras sa iyong mga kamay

Image
  "Dami mong oras a. Lagi kang online. Siguro wala kang ginagawa." Lol. Mas marami pa akong ginagawa kaysa sa karamihan sa inyo. Marunong lang akong gumamit ng aking oras dahil long ago s-in-ettle ko ang aking scales of values at tig-workout ang aking priorities.  Sa pagkagising pa lang, matapos ang prayers at Bible readings na aking s-in-hare sa aking Facebook, mag-iigib pa ako ng tubig, maglalaba nh mga basahang inihian ng aking mga entitled na aso, magwawalis sa bakuran at kung may nilbahan the night before, magsasampay. Bago pa ako umalis for work, pumped na ang aking muscles sa daily morning chores.  Pagdating sa school, i-a-update ko ang aking DLL at class records. I am proud to say na lagi silang updated and I never missed a deadline for submission.  Then 5 hours of teachings, sometimes (depende sa latest change of schedule) three in a row. I am also proud to say na lagi akong pumapasok at nagtuturo sa klase.  In between sa classes, I will read (and share...

Mas mabilis ang bibig

Image
  Santiago 1:20 Sapagka't ang galit ng tao ay hindi gumagawa ng katuwiran ng Dios. Ecclesiastes 5:6a Huwag bayaan ang iyong bibig, na papagkasalanin ang iyong laman... Ayon sa aking nabasa, "Some of the most honest persons are angry people. They speak what is actually in their hearts." Kaya sabi naman ng isa pa, "Move on. They mean what they said." Nilalabas ng bibig kung ano ang unfiltered na nakatago sa ating mga puso.  Most of us are taught to filter out language. Kaya kahit na may gusto tayong sabihin, tinatago natin. We coat our words with sweetness sufficient to cause diabetes even if deep within we're bitter. Subalit galitin mo ang tao at nai-inhibit ang filtration system n ito. Lalabas at lalabas ang nakatago sa puso. It makes you speak run faster than your mind.  Nakapagbibitaw tayo ng mga salitang later on ay ating lulunukin at pagsisisihan.  Gusto kong isiping this is only true for unbelievers. But the truth is this is equally true for all of us. ...

Ang tunay na barako

Image
  1 Corinto 16:13 Magsipagingat kayo, mangagpakatibay kayo sa pananampalataya, kayo'y mangagpakalalake, kayo'y mangagpakalakas. What does it mean to be real men? Ang pagki-claim na ikaw ay barako boys" (whatever the hell that means) does not make you a real man.  Hindi ko alam kung legit na sinabi ito ni Chuck Norris but I agree with the sentiment. To be a real man is to live for Christ.   Maraming mga false ideas kung paano magpakalalaki. Karamihan sa mga ito ay nakabaon sa machismo culture.  Ang iba ay nag-aakalang ang tunay na lalaki ay pinakasiga sa kaniyang lugar. Tunay kang lalaki kung walang sinumang hahamon sa iyo ng away. Setting aside the fact na walang sigang hindi tinatablan ng tingga, ang pagiging siga ay hindi palatandaan ng pagiging tunay na lalaki. Most likely it means na sila ay may inferiority complex at tinatago nila ito by beating anyone na may mas mataas na esteem kaysa kaniyang sarili.  Ang iba naman ay in-equate ang pagiging tunay na ...

Wisdom that knows the difference

Image
  How we wish we live in a bubble. No matter what happens to this world, we live happily ever after. But we're adults now. We know that that is not possible. May dumarating sa ating mga bagay na mabigat, mga problemang nagpapalugmok kahit sa pinakamalakas na tao.  Ano ang ating gagawin? May mga Cristianong ang unang tendensiya ay magalit at sumpain ang buhay. Ang iba naman ay agad na iniisip na sumuko at sumabay na lamang sa daloy ng buhay, mga lilies na dinadala ng tubig. Ang iba ay tinatakasan ang buhay na ito.  Ayon sa Efeso 1:19-21, ang Diyos ay may nakalaang kapangyarihan sa lahat ng nanampalataya kay Cristo. Karamihan sa atin ay namumuhay nang may kabiguan dahil hindi natin ginagamit ang kapangyarihang ito. Sinisikap nating isabuhay ang Cristianong pamumuhay sa ating kapangyarihan.  Ngunit napu-frustrate tayo. Paano natin magawang mahalin ang taong masama ang pakikitungo sa atin? Paano natin mapapatawad ang mga taong paulit-ulit na lamang na sinusubok ang ating...

LATE pero sumipot pa rin

Image
  Pahayag 2:4 Nguni't mayroon akong laban sa iyo, na iyong iniwan ang iyong unang pagibig. Let's face it: if you have been a Christian for a long time, dumarating ang puntong tila ayaw mo na dahil puno na ang iyong pinggan.  Pakiramdam mo bawat hakbang mo ay may humahawak sa iyong paa. Pinipigilan kang lumakad. Pinipigilan kang gumalaw.  Pressure sa trabaho, pressure sa school, pressure sa domestikong relasyon... Gaya ng anumang sistema, ang kapag napuno na ng pressure, it has to relieve itself by releasing it. Unfortunately, madalas ang simbahan ang nasasakripisyo.  Bakit hindi na nagsisimba? O kung magsimba ay LATE? Ito ay dahil puno ka ng pressure at ang simbahang dapat ay tumulong sa iyong mag-cope ay hindi. Sa halip na makahanap ng comfort sa church, ang iyong nahanap ay karagdagang pressure sa anyo ng legalismo.  And by late, I am not referring to not coming on time, although marami ang late dahil wala nang excitement. I am referring to the fact that churc...

God can't possibly love me

Image
  Wanna bet He does? Roma 5:8 Datapuwa't ipinagtatagubilin ng Dios ang kaniyang pagibig sa atin, na nang tayo'y mga makasalanan pa, si Cristo ay namatay dahil sa atin. Dumating si Jesus para hanapin ang mga nawawalang tupa (at kambing, if I may add), hindi Siya dumating para sa mga matuwid (o nagpe-feeling matuwid) kundi para sa mga makasalanan. Makakaasa kang kung alam mong ikaw ay makasalanan, gaano man ito kalaki o kalalim, si Cristo ay dumating para sa iyo. Hindi upang i-bully ka sa relihiyon kundi upang mamatay as your Substitute.  Namatay Siya to take the penalty for your sins.  Maaaring sa iyong palagay, nag-give up na sa iyo ang Diyos but He didn't. As far as He is concerned, you're worthy to be the object of His love and grace.  Huwag kayong makinig sa mga relihiyonistang gini-guilt trip ka so you shape up. Manalig ka sa Cristong iniwan ang lahat, na handang mamatay ang Matuwid para sa mga hindi matuwid upang dalhin kayo sa harap ng Diyos.  Hindi ko ala...

Problema ka lang, may Diyos ako

Image
  Filipos 4:6 Huwag kayong mangabalisa sa anomang bagay; kundi sa lahat ng mga bagay sa pamamagitan ng panalangin at daing na may pagpapasalamat ay ipakilala ninyo ang inyong mga kahilingan sa Dios. 7 At ang kapayapaan ng Dios, na di masayod ng pagiisip, ay magiingat ng inyong mga puso at ng inyong mga pagiisip kay Cristo Jesus. If you're a normal human being, you're probably swamped by now with different problems- domestic, financial, relational, professional, lahat na ng -nal. It us easy to give up and whine.  Not for Christians. As model of God's grace, people are watching how we hope, and our response to problems is our testimony to them, 1 Pt 3:15. Siya ay nangakong hindi ka iiwan o pababayaan. Nangako Siyang kasama mo Siya hanggang sa katapusan ng panahon. At ang Kaniyang pangako ay Kaniyang tinutupad.  Ayon kay Pablo, Ef 1:19-21, may kapangyarihang available sa lahat ng mananampalataya. Wala tayong dahilan upang sumuko sa harap ng mga problema. Aatras oo, pero susu...

God's grace still amazes me

Image
  "God's riches at Christ's expense." "Everything God can do for you on the basis of the Cross." "The unmerited favor of God." Ang biyaya na marahil ang pinakamagandang pakinggang salitang aking napakinggan sa buong buhay ko. Sa isang mundong ang empasis ay nasa merito (if you want something, work for it) o nasa reciprocity (I will scratch your back if you scratch mine), ang grace ay refreshing concept.  Hindi ba magandang balitang malaman na ang hindi mo kayang gawin para sa iyong sarili (ang magkaroon ng buhay na walang hanggan) ay mapapasaiyo nang walang bayad (isang libreng kaloob) sa pamamagitan lamang ng pananampalataya?  Bakit? Dahil si Cristo ang gumawa ng kaligtasan sa Krus.  Ang mabuting balita ay tatanggapin mo ito nang walang bayad sa pamamagitan ng pananampalataya.  Dahil sa ganda ng balitang ito nagtataka ako bakit tinatakwil ito ng tao? Hindi ko maunawaan kung bakit maraming tao ang umaayaw sa biyaya ng Diyos at sa halip ay umaasa sa...

Do not challenge me- you're probably a liar then

Image
  As a teacher, after delivering a lesson I usually ask, "Any questions?" Nauunawaan kong maaaring may na-miss akong puntos, o baka hindi malinaw ang aking paka-deliver o maaaring may mali akong nasabi. Naiintindihan kong ang mga tanong na ito humahadlang upang ganap na maunawaan ang aking leksiyon. Nakalulungkot na hindi ganito ang attitude sa ating mga simbahan. Nagiging monologue ang simbahan na walang meaningful discussion. Maraming dahilan kung bakit. Minsan by sheer force of inertia- this is how things are run before and we just continue with the system. Minsan dahil hindi naman nakikinig ang mga nasa upuan. Mahirap magtanong kung hindi mo alam kung ano ang pinag-uusapan. Minsan ang dahilan ay ayaw ng gurong tinatanong. Ang isa sa pinakamalungkot na pahayag na maririnig sa pulpito ay, "Gusto mo palit tayo. Dito ka, diyan ako." Ito ay tanda ng kapalaluan at kawalan ng willingness na makipag-usap.  Ang pag-aaral ay tila pagkain. Pagkatapos isubo, kailangan itong...

Friendly to Jesus, Hostile to Church

Image
  Hebreo 10:25 Na huwag nating pabayaan ang ating pagkakatipon, na gaya ng ugali ng iba, kundi mangagaralan sa isa't isa; at lalo na kung inyong namamalas na nalalapit na ang araw. Maraming taong nagsasabing mahal nila si Jesus ngunit ayaw magsimba dahil ipokrito ang simbahan. To be honest, I don't blame them. May mga simbahang so far away from who and what Jesus is na hindi ko sila masisisi kung matisod sila.  However, hindi ito sapat na dahilan to give up on the church. If one church seems to be a den of hypocrites, look for another. I am sure there are churches that strive to be salt of the earth.  Ang ating pamamahal kay Cristo ay masusukat sa ating pagmamahal sa Kaniyang simbahang pinag-alayan Niya ng Kaniyang buhay upang tubusin mula sa kasalanan.  Kung talagang mahal natin si Cristo, mamahalin at paglilingkuran ang Kaniyang simbahan, gaano man ito ka-imperpekto.  Sure, pwede mong pekein ang pagmamahal kay Cristo, pwede mong ipagsigawan araw-araw na mahal ...

Laging galit ang mga relihiyonista

Image
  Santiago 1:20 Sapagka't ang galit ng tao ay hindi gumagawa ng katuwiran ng Dios. Ang galit ay isa sa mga gawa ng laman, Gal 5:19-21. Ang isang taong magagalitin ay lumalakad sa laman, gaano man siya karelihiyoso, Juan 7:23; Mat 5:22.  Ngunit bakit laging galit ang isang relihiyonista? Isa sa mga dahilan ay ang kawalan ng panloob na kapayapaan, Gal 5:22-23. Ang isang taong walang kasiguruhan ng relasyon sa Diyos ay hindi magkakaroon ng kapayapaan sa kaniyang sarili. Lagi niyang iniisip na kung hindi siya magsisipag sa paglilingkod, hindi siya tatanggapin ng Diyos. Dahil dito lagi siyang abala sa paggawa. Sa kaniyang paggawa, nakikita niya ang sarili na katanggap-tanggap sa Diyos. Dahil dito kapag nakakakita siya ng ibang gumagawa, siya ay nagagalit dahil ito ay paalalang maaaring mangyari rin ito sa kaniya. Nakikita niya ang kaniyang sarili sa iba at ito ay nagtutulak sa kaniya upang ilabas ang kaniyang self-hatred.  Kahit sa nga nanghahawak sa eternal na seguridad, nang...

You can run but you can't hide

Image
  Bilang 32:23 Nguni't kung hindi ninyo gagawing ganito ay, narito, kayo'y nagkasala laban sa Panginoon: at talastasin ninyo na aabutin kayo ng inyong kasalanan. It is supposed to be music and fun for Andy Byron and Kristin Cabot. Sinong mag-aakalang sa isang kiss cam ng Coldplay concert mabubuking ang isang tinatagong lihim. Ang kanilang reaksiyon ay inaasahan, they hide (John 3:19-21) ngunit gaya ng kasabihan, "Walang lihim na hindi mabubunyag." Inabot sila ng kanilang kasalanan. Publicly.  I genuinely pray na maayos nila ang mga gusot na kanilang pinasok. I hope there is healing and reconciliation even though binura na ni misis ang apelyido sa kaniyang socmed account. Hindi natin kailangang matulad kay Andy at Kristin. Bilang mga estudyante ng Biblia, alam nating ang kasalanan ay isang utang na babayaran. Maaaring masaya siya ngayon but one day there is a payment to pay. Left unchecked, it can even lead to death (Romas 6:23; James 1:15).  Every time na tayo ay naha...

Pa-victim

Image
  "What was supposed to be a night of music and joy turned into a deeply personal mistake playing out on a very public stage." Andy Byron (supposedly) Bilang 32:23 Nguni't kung hindi ninyo gagawing ganito ay, narito, kayo'y nagkasala laban sa Panginoon: at talastasin ninyo na aabutin kayo ng inyong kasalanan. Bagama't may posibilidad na ang umiikot na apology letter ay gawa-gawa lamang (ayon sa isang fact-checker), ang naturang pahayag ay isang halimbawa kung paano tayong umaastang biktima ng sarili nating maling desisyon. Sa halip na harapin ang konsekwensiya ng ating mga pagkakamali, we make half-hearted sorry's and then play victim, casting everyone as judgmental moralists. Apology letters should apologize, and not make justifications or God forbid, blame casting. That letter may not be real, but it gives a perfect example of this hardwired Adamic tendency (shout-out kay Papa Adam and Mama Eve). This is nothing new. Naging viral lang dahil nangyari sa isang...

Smile and be silent

Image
  Kawikaan 17:22 Ang masayang puso ay mabuting kagamutan: nguni't ang bagbag na diwa ay tumutuyo ng mga buto. Galatia 5:22 Datapuwa't ang bunga ng Espiritu ay pagibig, katuwaan, kapayapaan, pagpapahinuhod, kagandahang-loob, kabutihan, pagtatapat, 23 Kaamuan, pagpipigil; laban sa mga gayong bagay ay walang kautusan. Bilang mga Kristiyano, tayo ay tinawag upang mamuhay ng isang buhay na sumasalamin sa karakter ni Cristo. Kabilang dito ang paglinang ng isang espiritu ng kagalakan at kapayapaan, kahit sa gitna ng mga hamon at pagsubok ng buhay. Sa blog na na ito, talakayin natin ang kahalagahan ng ngiti at pananahimik bilang bahagi ng ating buhay Kristiyano. Ang Kapangyarihan ng Ngiti Ito ay salamin ng kagalakan. Ang ngiti ay maaaring maging isang makapangyarihang salamin ng kagalakan na nagmumula sa pagkakilala kay Cristo. Kapag tayo ay ngumiti, ipinapakita natin sa ibang tao na tayo ay may malalim na kagalakan na hindi nakasalalay sa mga panlabas na kalagayan.  Ito ay patotoo sa...

Helping the weak

Image
  Galatia 6:2 Mangagdalahan kayo ng mga pasanin ng isa't isa, at tuparin ninyong gayon ang kautusan ni Cristo. Bilang mga Kristiyano, tayo ay tinawag upang isabuhay ang ating pananampalataya sa isang komunidad sumusuporta at naghihikayat sa isa't isa sa ating paglalakbay sa Diyos. Sa Galacia 6:2, ipinaaalala sa atin ang kahalagahan ng pagdadala ng mga dalahin ng bawat isa. Nananawagan si Pablong tumulong ang malakas na buhatin ang pasanin ng mahihina habang binubuhat ang sariling pasan.  Ito ay pagtupad sa Batas ni Cristo. Sa pagdadala ng mga dalahin ng bawat isa, natutupad natin ang batas ni Cristo, na ang pag-ibig sa isa't isa. Ang pag-ibig na ito ay hindi lamang isang damdamin kundi isang konkretong aksyon na nagpapakita ng ating pagmamalasakit sa ating mga kapatid kay Cristo. Sa ating pag-aaral sa Santiago, binibigyang diin ang katotohanang hindi sapat ang makinig lamang ng Salita, kailangan itong isagawa upang manatiling produktibo at hindi patay ang ating pananampalat...

Ikaw ang aking pahinga

Image
  "Ikaw ang aking pahinga." Cheesy, I know. But this is how the husband-wife relationship should be. Maraming relationship ang nasa brink of breaking up dahil the husband and the wife cannot found peace and rest sa kanilang mga bahay.  Kapag ang iyong sambahayan ay hell on earth, huwag ka nang magtaka kung maghahanap siya ng "langit" sa ibang lugar. Hindi mo kailangan ng kakayahang makakakita ng S line para ma-realize ito.  Ang pamilyang Cristiano ay dinesenyo upang ilarawan ang espirituwal na buhay. Ang pag-ibig ng asawang lalaki sa babae ay larawan ng pag-ibig ni Cristo sa simbahan. Ang pagsunod at pagpapasakop ng asawang babae sa lalaki ay larawan ng pagpapasakop ng simbahan kay Cristo. Ang pangangalaga ng mga magulang sa kanilang mga anak ay larawan ng pangangalaga ng Diyos sa Kaniyang mga anak. Ang pagsunod ng mga anak sa magulang ay larawan ng pagsunod ng mga Cristiano sa kanilang Ama sa langit. Ang pagkakaisa ng mag-asawa ay larawan ng pagkakaisa ni Cristo at...