Conflict and violence

 


You know when a believer is living in sin, ang unang apektado ay ang kaniyang mental life. It may not look like from the outside, pero sa loob ng kaniyang isipan ay may digmaang nagaganap- sa pagitan ng sin nature at ng Espiritu Santo. 

Ang sin nature ay hinihila ang mananampalatayang lumakad nang hiwalay sa Diyos. Ang Espiritu Santo ay sinisikap na ibalik ang mananampalataya sa kalooban ng Diyos. Dahil sa engkwentrong ito sa pagitan ng laman at Espiritu, ang mananampalataya ay conflicted. At kung hindi niya ito maresolbahan sa kaniyang kalooban, ito ay lilitaw sa kaniyang panlabas na buhay. 

Ang Cristianong conflicted ay nagkakaroon ng stress sa kaniyang kaluluwa na sumasabog sa pang-araw-araw na pamumuhay. Ang taong magagalitin ay nagpapakita ng split soul- wala siyang kapayapaan sa Diyos dahil isang bahagi ng kaniyang pagkatao ang attracted sa kadiliman. 

Kapag hindi ito maresolbahan, ang resulta ay scar tissue- manhid na siya sa anumang Salita ng katotohanan. Anumang payo sa kaniya ay ituturing niyang personal na atake sa kaniyang pagkatao. Hypersensitive siya dahil sa loob he is already hurting. 

Kaya paano niya nirerelease ang stress? Sa pamamagitan ng paglabas nito sa iba. Kaunting bagay lang ay lumalaki dahil sa wala siyang peace of mind. Ang taong walang peace of mind ay magagaliting tao. 

Ang taong magagalitin ay hindi gumagawa ng katuwiran ng Diyos.

Ang taong magagalitin ay hindi nagpapakita ng karunungan. 

Ang taong magagalitin ay nagpapakitang wala siyang disiplina sapagkat hindi niya makontrol ang sarili niyang diwa.

Ang taong magagalitin ay hindi lumalakad sa Espiritu kundi sa laman. 

Ang taong magagalitin ay nagpapakita ng kalikasan ng orihinal na mamamatay-tao, si Satanas. 

May righteous anger. Pero ang anger na resulta ng broken spirit at split soul (two minds ni Santiago) ay hindi.

Pag-ingatan natin ang ating mga sarili. Baka inaakala nating tayo ay nakatayo pero nakabuwal na pala. 

Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina. 


(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan. 

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)





Comments

Popular posts from this blog

Isang Pag-aaral sa Efeso 2:8-9

Nangungulila sa isang Ama

Panalangin sa Kapatiran