Consistency is the key
Walang minamadali ang nagbibigay ng magandang resulta. Ask any lifter and they will tell you that growth takes time. May mga sandaling nagbubuhat ka at walang nagyayari. May mga panahong you hit plateaus and body dysmorphic order is a problem for some.
But those with healthy attitude knows that as long as you're consistent, change will come. You may back down a little (deload week) but you don't stop. You just push on. In time, darating ang inaasahang pagbabago.
There is no reason to believe na may pagkakaiba when it comes to spiritual growth. There is a need for consistency. It may take a long time but as long as you stick with the Lord, growth will come.
Nakalulungkot na may mga Cristianong gustong mag-shortcut sa process. Gusto ay bunga agad kahit hindi pa nga malalim sa doktrina. Tila mga sundalong hindi pa tapos ng basic training, sinabak na sa giyera.
Magtataka pa ba tayo bakit ang laki ng drop out rate among Christians? They're discouraged dahil binibigyan sila ng responsabilidad they're not prepared for.
Sa halip na tiyagaang i-disciple, diretso agad sa ministry. Kaya ang dapat turuan ay nagtuturo na sa iba. Gaano kalalim ang kanilang maituturo sa sitwasyong iyan? Kayo na ang humusga.
Ang bunga na hinog sa pilit ay hindi masarap. Ganuon din ang Cristianong sinabak sa ministry nang hindi pinalago muna. Huwag nating madaliin ang proseso. Mas mahalaga ang paglago sa panloob kaysa sa anumang panlabas na paglilingkod.
Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
Comments
Post a Comment