Gulo ang isipan


 

Filipos 4:6 Huwag kayong mangabalisa sa anomang bagay; kundi sa lahat ng mga bagay sa pamamagitan ng panalangin at daing na may pagpapasalamat ay ipakilala ninyo ang inyong mga kahilingan sa Dios.7 At ang kapayapaan ng Dios, na di masayod ng pagiisip, ay magiingat ng inyong mga puso at ng inyong mga pagiisip kay Cristo Jesus.

Awit 119:11 Ang salita mo'y aking iningatan sa aking puso: upang huwag akong magkasala laban sa iyo.

Ang Salita ng Diyos ang nag-iingat sa ating isipan upang huwag mabalisa at huwag magkasala. Conversely kung tayo ay nasa kasalanan, nawawala ang ating kapayapaan at nalalayo tayo sa Salita. 

Hindi nakapagtatakang ang Cristianong nasa gitna ng kasalanan ay isa sa pinakamalungkot at pinakabalisang Cristiano. Cut off from the source of peace (Is 26:3-4), we don't have peace. 

Isa sa kabalisahan natin ay kung paano i-justify ang ating ginawa. It doesn't help na tinutulungan tayo ni Satanas at ng sanlibutan na mangatuwiran patungkol dito. 

Sasabihin ng laman, "It makes you feel good." Sasabihin ng sanlibutan, "You're in tune with the times." Sasabihin ni Satanas, "You have the right to decide for yourself."

Bukod sa justification, nakakabalisa rin sa atin kung nakaririnig tayo o nakakabasa ng Salita ng Diyos na laban sa ating partikular na kasalanan. Dahil dito tayo ay nakararanas ng guilt at kung hindi magawang talikuran ang kasalanan, gini-give up ang pag-aaral ng Salita. 

Nariyan pa ang condemnation ng mga kapatid na legalista. 

Then dagdag pa ang katotohanang ang mga desisyon ay may natural na konsekwensiya. Kung nabuntis ka ng walang asawa, solo mong palalakihin ang iyong anak. 

Then dagdag pa ang disiplina ng Diyos which is meant to call your attention back to Him. 

Lahat ng ito ay kumakain sa iyong kapayapaan ng pag-iisip. 

Ang emotional distress na iyan ay hindi mawawala unless manumbalik ka sa Kaniya. 

Walang kasiyahan sa kasalanan. Anumang pangako nito ay pansamantala, isang front upang akitin ka. Ang tunay na kasiyahan, ang kasiyahang tumatagal, ay nasa Diyos lamang. 

Kung gusto nating ingatan ang ating mental peace, ingatan natin ang ating spiritual health. 

Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina. 


(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan. 

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)




Comments

Popular posts from this blog

Isang Pag-aaral sa Efeso 2:8-9

Nangungulila sa isang Ama

Panalangin sa Kapatiran