Mahalaga ang pahinga

 


Marcos 2:27 At sinabi niya sa kanila, Ginawa ang sabbath ng dahil sa tao, at di ang tao ng dahil sa sabbath.

Tanungin mo kahit sinong lifter at sasabihin nilang mahalaga ang pahinga kung gusto mong lumaki at lumakas. Sasabihin nilang ang pahinga at ang nutrisyon ay mas mahalaga pa kaysa aktuwal na pagbubuhat sa pagpapalaki at pagpapalakas. Ang pagbuhat ay sumisira ng masel, ngunit kapag tayo ay kumakain at nagpapahinga na ang mga masel ay nagrerekober at nag-aayos ng kaniyang sarili. Ang resulta ay mas malakas at mas malaking masel. 

I don't know why people think that the ministry works differently. Dahil by its nature, ang ministry ay stressful (aside sa sariling problema ng ministro, pati problema ng mga miyembro ay usually kargo pa niya), hindi maiiwasan ang stress at burnout sa ministry. May hindi kinakaya kaya sumusuko. 

Yet nanatili ang myth na sa simbahan ang ministro ang dapat na pinakaabala sa lahat. Lahat ng gawain ng paglilingkod ay kinakargo sa kaniya. 

Mas malaki pang myth ang ideya na bilang ministro dapat karguhin mo ang lahat. Ayaw mong mag-delegate sa iba dahil iniisip mong ikaw ang lamang ang may kakayahang maglingkod sa Diyos. That is basically what you're saying (inspite of protestations to the contrary) every time na you refuse to let others minister. 

No wonder, mataas ang drop out rate sa ministri. 

No wonder mababa ang growth rate (I am not referring to the numbers but the number of members of the pew who are trained to minister). Hindi makapaglilingkod ang pagod na ministro. 

Kahit ang kalabaw ay nagpapahinga, sabi ng mga Tagalog. Kinikilala ng Diyos na ang tao ay may limitasyon at kailangan ng pahinga. Binigay ang sabbath sa Israel upang makapagpahinga. Unlike sa Diyos na nagpahinga sa unang sabbath dahil wala na Siyang gagawin, ang tao ay kailangang magpahinga dahil hindi niya kayang tapusin ang trabaho nang walang pahinga. Hindi ginawa ang tao para sa sabbath. 

Dahil sa maling equivalence na ang sabbath ay Linggo, maraming ginagawang religious obligation ang magsimba. Sa ibang simbahan, ang buong Linggo ay para lamang sa simbahan. Tayong nakakaunawa ng dispensational distinctions ay dapat marealize na ang sabbath ay hindi Linggo at ang Linggo ay hindi sabbath. 

Kailangan din nating magpahinga. Kung ministro ka, mas kailangan mo ang pahinga. Thankful tayo sa mga ministries na nag-ooffer na magturo ng Sundays upang ang ministro ay maka-enjoy ng sabbaticals. 

Ang rest ay hindi nangangahulugang wala kang gagawin, though most overworked ministers probably need to take a vacation and rest. It could mean giving your ministers opportunity to have a hobby na labas sa ministerial work. It may mean i-relieve siya ng ilang administrative duties upang nakapokus lamang siya sa pag-aaral at pagtuturo. It may mean developing a rotating roster of preachers so that once a month hindi siya magtuturo and can just sit as ordinary member of the pew listening to prospective preachers develop their preaching skills preaching in his stead. 

Mas malaki ang benepisyo ng rested minister. May time silang mag-aral at magdebelop ng bagong materyales sa pagtuturo. Marerekober niya rin ang kaniyang nervous and muscular energy so the next week mas ganado siyang magturo. A tired pastor will not make a good communicator. 

Walang glory in tiring yourself to death until you become useless. Mas hahaba ang iyong usefulness if you strategically incorporate rests sa iyong ministry. Sabi ko nga kay Tatay kapag laging bukas ang ilaw, madaling mapundi. Iikli ang usage. 

Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina. 


(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan. 

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)




Comments

Popular posts from this blog

Isang Pag-aaral sa Efeso 2:8-9

Nangungulila sa isang Ama

Panalangin sa Kapatiran