Death: a sense of separation from God
Isa sa mga konsekwensiya ng kasalanan ay ang espirituwal na kamatayan - separation from God. For unbelievers this will continue to all eternity in the Lake of Fire. For believers this is temporary separation but you can return via confession and (in case of reversionism) repentance.
Bilang mga believers in Jesus Christ, tayo ang tahanan ng Espiritu Santo. Samakatuwid walang dahilan upang isipin nating hiwalay tayo sa Diyos. No matter what happers, anywhere we go, ang Espiritu Santo ay kasama natin.
Yet it is a reality na may nga believers who felt alone. Iniisip nilang iniwan na sila ng Diyos. Hindi ito dapat mangyari dahil literal na kasama natin ang Diyos anywhere and at all times.
Bakit nangyayari ito?
Sin.
Ang kasalanan ang nagtatago sa Diyos sa atin. Hindi natin Siya makita kung ang ating mata ay nakatuon sa ating kasalanan. Pinuputol ng kasalanan ang ating fellowship with God. Ang mga panahong inanakala nating nag-iisa tayo ay mga ilusyong nilikha ng kasalanan. Ang totoo, ang Diyos ay nariyan at naghihintay sa iyong bumalik.
Tanungin natin ang ating mga sarili. Do we feel alone? Can we say that we have a vibrant relationship with God? Kung hindi, ano ang nagpapalabo ng iyong relasyon sa Kaniya.
Linisin natin ang ating mga matang nanlalabo dahil sa kasalanan. We will realize that He is there all along, umaalalay kahit hindi natin Siya pansin.
Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
Comments
Post a Comment