Bakit tila ang layo ng Diyos?

 


Ito ang ikatlong installment ng ating blogs tungkol sa mga konsekwensiya ng kasalanan. Una nakita nating ito ay nagdudulot ng shame at guilt na dahilan upang lumayo tayo at tumakbo. Then nakita nating sinisira nito ang ating mga pamilya. Ngayon naman tingnan natin ang katotohanang ang nagtatampisaw sa kasalanan ay may pakiramdam na malayo ang Diyos.

Una sa lahat let me affirm eternal security. Ang sinumang nanampalataya kay Cristo ay ligtas magpakailan man kahit siya ay hulog sa pamumuhay Cristiano. Ang kaligtasan ay sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo, hindi katapatan ng buhay.

Pangalawa, inaapirma nating hindi ito nangangahulugang pwede ka nang magkasala hanggang gusto mo. May dibinong disiplina sa buhay na ito at may loss of rewards sa Bema. 

Ikatlo, inaapirma nating lahat ng Cristiano ay nagkakasala. Ngunit may malaking pagkakaiba ang natilamsikan ng putik at abg nagtampisaw sa putikan. 

Isa sa mga konsekwensiya ng kasalanan ay ang pakiramdam ng alienation from God. Tila pakiramdam natin ang layo Niya at ang bigat ng Kaniyang kamay. 

Awit 51:12 Ibalik mo sa akin ang kagalakan ng iyong pagliligtas: at alalayan ako ng kusang espiritu.

Anumang ating gawin tila ang bigat ng kamay ng Diyos. Ang kalusugan, ang kabuhayan, ang pamilya... Kahit anong gawin natin ay nagreresulta sa abo. 

Hindi ko sinasabing lahat ng pagdurusa ay resulta ng kasalanan (Santiago 1:1-12). Ngunit kung alam nating ang ating buhay ay labag sa kalooban ng Diyos, look no farther. Ang iyang pinagdadaanan ay paraan ng Diyos upang agawin ang iyong atensiyon. 

Ayaw Niyang tuluyan kang malayo kaya ginagamit Niya ang mga problema ng buhay upang bumalik ka sa Source ng Buhay. 

Mag-isip tayo kung ang ating pinagdaraanan ay disiplina ng Diyos o pagsubok na binigay upang tayo ay magmaturo. 

Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina. 


(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan. 

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)





Comments

Popular posts from this blog

Isang Pag-aaral sa Efeso 2:8-9

Nangungulila sa isang Ama

Panalangin sa Kapatiran