Winawasak ng kasalanan ang pamilya
Kahalon sinimulan natin ang blog tungkol sa konsekwensiya ng kasalanan. Nakita nating isa sa mga konsekwensiya nito ay shame and guilt. Ito ang nagtutulak sa atin upang lumayo at magtago. Hindi tayo nagsisimba, tinataguan natin ang mga bumibisita, ina-unfriend o ina-unfollow ang sinumang nagpopost ng mga bagay na tumatalakay sa ating kasalanan at nagpapatigas ng ating mga puso.
Gaya nang nasabi na, this is a wrong approach. Doing this ensures that you're cut off from people who cares for you and who can help you. If we don't want our comfort with sin be bothered, we will not see the need to confess and repent of that sin.
Isa pang konsekwensiya ng kasalanan ay sinisira nito ang ating mga relasyon, lalo na ang pamilya.
Ilang pamilya ang sinira ng inabilidad na isarado ang mga zipper? I am not just talking about males. Thanks to gender equality, kahit ang ating mga kababaihan ay "empowered" na hanapin ang kanilang (makasalanang?) kasiyahan.
Hindi ka masaya sa iyong buhay mag-asawa? Iwan mo, hanap ka ng ibang babae. Hindi ka masaya sa iyong asawang lalaki dahil hanap mo ay ibang laman? Maki-live-in ka sa kapwa mo babae. Don't worry, may alphabet community na aalalay sa iyong likuran. Ang mahalaga ay masaya ka.
Do we honestly believe that the previous paragraph is Biblical? Do we honestly believe that it is godly? Romans 1:18-32 says thay deep within we know it is wrong but we suppress the truth with the lies. We value our comforts as creature rather than the glory of God as our Creator, and if you're a Christian, as our Savior.
Inisip ba natin ang kalagayan ng ating mga anak nang iwan mo ang iyong pamilya upang sumama sa iyong kalaguyo? Kahit unbelievers ay may mataas na pamantayan ng moralidad kaysa rito, 1 Cor 5:1ss. Nakapagtataka bang tinutuya nila ang libreng biyaya ng Diyos bilang lisensiya sa kasalanan?
"Ligtas na pala kaya okay lang magkasala. Once saved, always saved, kaya okay lang na maging imoral."
Is this the light that Jesus wanted for us, Ephesians 1:4; Rom 8:29?
We're saved for a purpose and that is to reflect His glory and grace to the whole world. We're to be light in the darkness, before a crooked generation.
Nakakahiya sa part na mas imoral pa ang mga anak ng biyaya kaysa sa mga anak ng kadiliman.
And if you're a church officer- an elder, a deacon or a deaconess, the damage is exponentially increased. "Iyan ang ministro ninyo, imoral? Iyan ang diakono ninyo, makipera? Iyan ang diakonesa ninyo, malandi?"
Nakapagtataka bang kahit ang ating sariling mga anak ay hindi tayo ginagalang? "Huwag mo nga akong pangaralan, mas nakakadiri pa ang iyong ginagawa, ma, pa."
Hindi pa huli ang lahat. Matauhan nawa ang mga anak ng Diyos at bumalik sa Kaniyang pagkalinga.
Hindi ko kinukwestiyon ang kaligtasan ng sinuman. Kinukwestiyon ko ang wisdom ng ganiyang uri ng pamumuhay.
Alam kong mabigat itong pananalita but a necessary saway para sa ating ikakatuto.
Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
Comments
Post a Comment