Dress for battle- hindi long sleeve

 


Efeso 6:13 Dahil dito magsikuha kayo ng buong kagayakan ng Dios, upang kayo'y mangakatagal sa araw na masama, at kung magawa ang lahat, ay magsitibay.

Mateo 11:8 Datapuwa't ano ang nilabas ninyo upang makita? isang taong nararamtan ng mga damit na maseselan? Narito, ang mga nagsisipanamit ng maseselan ay nangasa mga bahay ng mga hari.

Imagine going to battle without an armor. Instead you're wearing a long sleeve shirt, a pair of black pants and block shoes. Silk pa ang medyas. How long do you expect this warrior to survive and live?

Yet week after week, ganito makipagdigma ang mga Cristiano. Ang empasis ay nasa panlabas na pananamit sa halip na sa panloob na pagbabago. Ayon kay Pablo, hindi tayo nakikipagbuno sa laman at dugo, kundi sa mga espirituwal na nilalang na ang hanap ay ating kapahamakan. Isang putilidad (walang kabuluhan) na makipagdigma gamit ang pinakamaganda mong kasuotan. Sabi nga ni Juan Bautista, ang mga nagsusuot ng maselan na damit ay nasa palasyo ng mga hari (I don't think you'll get like to be in Herod's palace - he murdered his own family members, fyi). 

Nahaharap tayo sa espirituwal na pakikipagbaka na nananawagan ng espirituwal na paghahanda. Nilarawan ni Pablo amg espirituwal na paghahandang ito sa metapora ng pagsuot ng PANOPLIA ng isang HOPLITE. Upang maharap ang mga espirituwal na kalaban, kailangan natin ng katotohanan ng doktrina, praktikal na katuwiran, pananampalataya, kasiguruhan ng kaligtasan, kapayapaang dulot ng evangelio, espada ng Salita ng Diyos at panalangin. Ang mga ito ay espirituwal at panloob na paghahanda. Hindi mo ito madedebelop sa pamamagitan ng pagsusuot ng maseselang damit. 

Hindi tayo tutol sa maseselang damit. Ngunit kung ito ay magiging hadlang sa isang mabungang paglilingkod (Santiago 2:1-13), ito ay dapat i-call out. Ayon kay Santiago, hindi ito minor na bagay. Ito ay paglabag sa kautusang paghari, ang Kautusan ng Mesiyas. Ito ay paglabag sa Pag-ibig ni Cristo. 

Kung gusto nating appropriately dressed in spiritual battle, kailangan nating mag-aral at tumupad ng Salita ng Diyos, magkaroon ng praktikal na katuwiran (hindi sapat ang posisyunal na katuwiran), kailangan natin ng faith-rest sa harap ng mga pagsubok ng buhay, kailangan nating magkaroon ng kasiguruhan sa ating eternal na kaligtasan (after all without security, it is hard to be intimate), gamitin nang maayos ang Salita sa ating mga espisipikong sitwasyon at manalangin sa lahat ng oras. Ito ang tunay na pananamit na maghahanda sa Cristianong harapin ang mga naglalagablab na atake ni Satanas. 

Ang pagsusuot ng maselang damit (Mateo 23:5) ay hindi sapat upang maging handa sa digmaan. Baka ito pa ang iyong ikadapa (at hindi literal na pagkadapa ang aking tinutukoy). 

Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina. 


(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan. 

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)




Comments

Popular posts from this blog

THE ONLY TRUE RACIAL RECONCILIATION

Mahirap mamangka sa dalawang ilog

Nangungulila sa isang Ama