Be happy for others' success
Ang tunay na kaibigan ay masaya sa tagumpay ng iba. Kaya kung ikaw ay naninibugho na ang iba ay mas matagumpay kaysa iyo, at that moment you're not acting as a friend but as an enemy.
Ngunit dahil sa ating natural selfish tendencies, sa halip na magsaya sa tagumpay ng iba, tayo ay nagseselos at nalulungkot. Minsan, to justify our jealousy, babalutin natin ng Bible verses ang ating attitude- "we're called to suffer."
It is true is God's will that we are to suffer for the faith. But suffering due to laziness or due to wrong decisions is not God's will for us.
We should remember na anumang tagumpay ng isang tao, iyan ay kaniyang pinagpagalan. They made sacrifices for it. Minsan even at the cost of their relationship with their families or even with God. If you're not willing to make the same sacrifices, we should refrain from commenting.
Alalahanin din nating their success does not take away from yours. Alalahanin nating we run different races. You run yours, he run his. If yiu both run well, you'll both get rewards for your efforts; maaaring nauna lang yung sa kaniya.
Alalahanin din nating hindi lahat ng rewards ay material in nature. Some are rewarded with great health. Others with a peaceful life. Others have great relationships. Others have material prosperity. If the rewards come from God, we have to receive them with open arms.
And what is true of individuals are true for churches. Hindi tayo dapat mainggit na ang ibang simbahan ay malaki, mayaman at malago. They work for it. Instead we just have to be faithful sa lugar na kung saan tinawag tayo ng Diyos. He will be the One to give the rewards.
Hindi rin natin kailangang gayahin blindly ang kanilang mga programs. What works for them may not work for us due to certain factors like finances, leadership and supports.
We have to be happy for others' success. Ours is on the way.
Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
Comments
Post a Comment