The spotter won't lift the weight for you

 


Galatia 6:2 Mangagdalahan kayo ng mga pasanin ng isa't isa, at tuparin ninyong gayon ang kautusan ni Cristo.

Galatia 6:5 Sapagka't ang bawa't tao ay magpapasan ng kaniyang sariling pasan.

Salungatan ba ang dalawang sitas na ito? Kung ikaw ay lifter, instinctively alam mong hindi. 

Isa sa mga protocol for a safe lift, lalo na kung inaabot mo na ang iyong max weight ay ang magkaroon ng spotter. Sure, you can do it, but to be safe, may sasalo if you failed the lift so you won't be crushed. 

Pero tandaang ikaw ang dapat magbuhat, hindi ang spotter. Andiyan lang siya upang protektahan ka from being overwhelmed by the weight you lift. Aalalay, hindi substitute. 

Ganuon din sa spiritual life. Let us admit it, mas magaang harapin ang problema ng buhay if you know there is someone out there who cares. Hindi naman nabawasan ang bigat ng problema, pero knowing that someone is behind your back makes it easier to face the problems. 

Ikaw, at hindi ibang tao, ang bubuhat ng iyong pasan. Aalalayan ka nila, pero hindi tamang ipasa mo sa kanila ang lahat ng responsabilidad. That is, you took the yoke together, not give everything to him. That is being irresponsible. 

Kaya hindi tayo lumalakas sa ating mga buhay is because we bail out. May problema sa buhay, tatakasan. Iaasa kay nanay o kay kuya, kay misis o kung kanino. Babalik kapag lahat ay kalma na. Doing this again and again only demonstrate lack of balls and lack of creativity in solving problems. 

As sons of the Creator, we shouldn't lack creativity in solving problems especially since God gave the resources (Eph 1:19-20) to solve them. 

It is when we are faced with humanly impossible problems that we demonstrate to the unbelievers the power of our Savior. We couldn't do it on our own, but with His help, and with the assistance of others, we'll shout to the world- our Savior is bigger than any problems in life. 

Be strong. Lift. Cooperate with the spotter but don't leave everything to him.

Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.

(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan. 

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)




Comments

Popular posts from this blog

Isang Pag-aaral sa Efeso 2:8-9

Nangungulila sa isang Ama

Panalangin sa Kapatiran