Injustice and oppression

 


Isa sa resulta ng kasalanan ay injustice and oppression. Dahil sa kasalanan, ang mga tao ay selfish by nature at nagnanais laging makabentahe sa iba. Minsan ito ay makikita sa pagnanais na makakuha ng mga materyal na bagay.

Makikita natin ito sa mga taong inaabuso ang kapangyarihan. Sa sandaling sila ay mailagay sa kapangyarihan (election, appointment, etc), gagamitin ang posisyun upang pagsamanatalahan ang iba. 

Makikita natin ito sa mga mayamang binabarat ang mga maliliit na suppliers, nagbebenta ng napakamahal na produkto ngunit nagpapasahod ng napakababa. 

Makikita natin ito sa mga religious leaders na ginagamit ang posisyun upang mag-extort ("tithing, pledging, love gifts") sa mga supporters at i-persecute ang nanghahawak sa ibang paniniwala. 

Makikita ito sa anumang relationship where there is not balance of power and sa halip na gamitin ang posisyun upang idevelop ang pinamumunuan ay ginagamit ang posisyun upang maghari-harian. 

Ayon sa Mangangaral, ito ay katotohanan ng buhay sa ilalim ng araw. May structure and hierarchy of oppression sa buhay na ito. 

Ngunit bilang mananampalataya tayo ay bahagi ng new creation. What is normal sa mga nasa old creation ay hindi kailangang maging normal sa ating mga Cristiano. 

Ang Kasulatan ay puno ng mga pangaral sa paglaban sa sistematikong oppression. Hindi tayo dapat maging kagaya ng mga Gentil na namamanginoon sa nakakababa sa kanila. Instead ang namumuno ang dapat maging tagapaglingkod ng pinamumunuan. 

Tayo ang support, hindi ang lord, ng ating mga grupo. 

Gamitin natin ang posisyun upang maging madali sa ating nasasakupang gawin ang kanilang trabaho. Huwag nating gamitin ang mga miyembro natin bilang filler sa ating mga personal na programa. 

Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina. 


(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan. 

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)




Comments

Popular posts from this blog

Isang Pag-aaral sa Efeso 2:8-9

Panalangin sa Kapatiran

Nangungulila sa isang Ama