We're on the same gym kaya walang sapawan
Tahimik kang nagbubuhat tapos may daraan, "Mahina ka pare, ang gaan niyan. Dapat dagdagan mo pa."
O kaya naman ay may magbibigay ng unnecessary (and madalas na maling tip): "Ganito kasi dapat."
Or my creep na sinusundan ka ng tingin. Saan ka man pumunta, laging nakasunod ang masid. Hindi mo alam kung ano ang gusto niyang sabihin.
What all three have in common is it makes the gym an unhealthy place to train. Pumunta ka sa gym para mag-train at mag-alis ng stress pero people like this makes gym unpleasant.
Mas mabuti pang sa bahay. May privacy and you can focus on your goals.
Malungkot kapag ang ating simbahan ay naging ganito. Sa halip na isang supportive environment kung saan ang mga kapatid ay magmamahalan ng isa't isa, at magpatibayan ng loob sa mabubuting gawa, may mga creeps na walang ibang magawa kundi bantayan ang iyong kilos. Anumang iyong gawin, lagi silang nagmamasid.
Then nandiyan ang maraming criticism (disguised as tips). Walang tigil na pointers sa form correction, mas mahaba pa ang oras mo sa pakikinig sa correction kaysa sa aktuwal na paggawa. Naalala ko tuloy yung isa naming teacher na sabad nang sabad sa kaklase naming nagrereport. In the end mas mahaba pa ang oras ng teacher sa pag-butt-in kaysa aktuwal na pagreport ng kaklase namin. Imbes na hintaying matapos ang kaklase namin and at the end magdagdag ng kaniyang additional information o magbigay ng pointers on how to improve, nakaka-demoralize na para niyang sinasabing, "Umupo ka na. Ako na."
Then nandiyan ang mga wala na ngang magawa, sila pa ang maraming sinasabi. Nakaka-demoralize ng espiritu di ba?
Nakalimutan nating sa gym tayo ay may isang layon- improve ourself, not take down others. Mahalaga ang pagbibigay ng tips kung hinihingi at kinakailangan. Pero kung ang tips ay low key na paraan upang siraan ang iba, ipagmapuri ang sariling husay at makiusyoso sa progreso ng iba, ito ay nagreresulta sa toxic environment. Joy flies out of the window.
Ganuon din sa ating mga churches. We all belong to the same local church but we're not all at the same stage of growth. Exhortation is essential but not as a way to take others down ("constructive criticism"), extol one's faithfulness ("just setting some examples") and low key tsismoso ("musta na kapatid?").
We're teammates. Magtulungan tayo. Spot me, and I will spot you and we'll grow together. But if you're just a creep, stay away. I don't want you to drag me from my gains.
Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
Comments
Post a Comment