Building yourself rather than tearing others
Kahapon nakita nating tayo ay lumalakas (at lumalaki) sa pagbubuhat ng mabigat. Ngayon tingnan natin ang ikalawang katotohanang hindi tayo lalaki sa pagwasak sa iba.
Nakalulungkot pero sa halip na maging mga modelo ng biyaya at ahente ng kapayapaan, ang mga Cristiano ay nagiging ahente ng pagkakahati-hati at kaguluhan. Sa halip na magpokus sa pagharap ng kaniyang partikular na dinadala, mas abala siya sa pagpuna ng dala ng iba. Sa halip na tulungang magbuhat, kinakantiyawan sapagkat, paulit-ulit ko itong tinatalakay sa aking mga blogs, we feel better when we denigrate others. That is just sad.
Para kang mga keyboard warriors na komento ng komento laban sa mga atletang nagsasanay upang lumakas.
Kung mahilig kayong magbasa ng mga comments (ako, oo dahil minsan doon mo machecheck kung may kredibilidad ang isang poster), minsan makakabasa ka ng mga commenter na ang komento ay puro ad homs at walang kinalaman sa video. Kesyo hangal (or any other epithet) ang nasa video, walang alam, poser, etc... samantalang malinaw na ang nagkokomento ay walang alam sa paksang malinaw na mas maalam pa ang pinupunang poster. Minsan ito ay rage bait, bored lang ang commenter; ngunit anupaman, ito ay nakaka-discourage sa isang taong sinisikap lamang ibahagi ang kaniyang pinagdaanan (o pananaw) sa iba.
Maraming Cristianong ganito. Sa halip na tulungang magpasan ang kapwa ng bigat na dinadala, pupunain pa, ikukuwento pa sa iba. Hindi natin alam kung ano ang pinagdadaanan ng isang tao, kaya wala tayong karapatang husgahan ang kaniyang ginagawa (maliban kung ito ay malinaw na paglabag sa direktang kalooban ng Diyos).
Nakalulungkot at nakapanlulumo ito.
Minsan sinabi ni Jim Cymbala na mas welcoming pa ang mga basketball courts kaysa sa mga churches. No wonder hindi attracted ang mga unbelievers sa ating mensahe. Ang tangi lamang nilang nakikita ay judgmentalism ang legalism.
Sino nga ba naman ang masokistang nais na sinasaktan, 2 Cor 11:20?
Imulat natin ang ating mga mata. Magpokus tayo sa kalooban ng Diyos sa ating mga buhay. Alalayan natin ang nangangailangan. Palakpakan natin ang tagumpay ng iba. Otherwise, stay in your own lane, Mat 20. Hindi tayo ang may-ari ng ubasan at ang magagawa lamang natin ay maging tapat sa ating pagkakatiwala. Bayaan natin ang Diyos na sumuri sa kalidad ng ating mga gawa.
Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.
Photo owned by gymshark
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
Comments
Post a Comment