Huwag bayaan ang pakikipagtipon
.jpeg)
Hebreo 10:24 At tayo'y mangagtinginan upang tayo'y mangaudyok sa pagiibigan at mabubuting gawa;25 Na huwag nating pabayaan ang ating pagkakatipon, na gaya ng ugali ng iba, kundi mangagaralan sa isa't isa; at lalo na kung inyong namamalas na nalalapit na ang araw. Sa Hebreo 10:24-25, may praktikal na payo ang may-akda para sa mga Hebreong mananampalatayang inuusig ng mga legalista at Judaiser- huwag pabayaan ang pakikipagtipon. Dahil sa kanilang pananampalataya kay Jesus bilang Mesiyas, ang mga mananampalatayang ito ay tinuturing na taksil sa bansa at nakaranas ng pag-uusig. Ang ilan ay nawalan ng mga pag-aari bagama't wala pa namang nagbubo ng dugo. Dahil sa intensidad ng pag-uusig, may mga Hebreong mananampalatayang natutuksong bumalik sa Judaismo upang maiwasan ang pag-uusig. Sila ang sinulatan ng may-akda ng Hebreo. Ironically, ang legalismo ang dahilan upang pabayaan nila ang pagtitipon. Sa panahon nating ang legalismo ay nakapasok na sa mga simbahan, ang aplikas...