Ang Pagkakaiba ng Evangelio ng Biyaya at Evangelio ng Relihiyon: Isang Paglalarawan

 


Sa mga nakaraang linggo, na-highlight ang pagkakaiba ng evangelio ng biyaya at ibang evangelio ng relihiyon. I think makatutulong kung ilarawan ito. 

Ang evangelio ng relihiyon ay mailalarawan na ganito: Gusto mong magnegosyo ngunit wala kang puhunan at ikaw ay may utang na hindi mo kayang bayaran. Kapag ikaw ay nanampalataya, babayaran ang lahat momg utang, magsisimula ka ng clean slate at bibigyan ka ng puhunan. Nasa sa iyo kung paano mo palalaguin ang puhunan. Kung ikaw ay magaling mag-manage, maaaring lumago ang iyong negosyo. Kung hindi, ikaw ay malulugi, mababaon ka sa utang at ang kalagayan mo ay mas masama pa kaysa una. 

Ganuon din naman, sa evangelio ng relihiyon, ang tanging ginawa ni Cristo para sa iyo ay bayaran ang iyong kasalanan (ito ang tinatawag nilang kaligtasan) at bibigyan ka ng Espiritu Santo upang magkaroon ng kakayahang maglingkod (sa bersiyong aming nakapanayam ay upang makasunod sa Sampung Utos). Kung ikaw ay matagumpay na nakasunod hanggang kamatayan, papasok ka sa langit, tatanggap ka ng buhay na walang hanggan (wala raw nakakatiyak nito, tanging Diyos lamang ang nakaaalam). Kung ikaw ay magkasala, ikaw ay mamamatay (na ang pakahulugan nila ay mawawala ang kaligtasan) at kung mamatay kang hindi bumabalik sa Diyos, pupunta ka sa impiyerno. Ang Espiritu ay binigay upang tumulong sa iyong makasunod sa Sampung Utos. Kung sa kabila nito, sinadya mong magkasala, impiyerno pa rin ang iyong bagsak. Ang tanging ginawa ng biyaya para sa iyo ay bigyan ka ng fighting chance na makagawa ng iyong kaligtasan sa pamamagitan ng pag-alis ng kasalanan nang ikaw ay manampalataya. Sa huli, ang iyong gawa pa rin (pagsunod sa Kautusan) ang magpapasok sa iyo sa langit. 

Sa kabilang banda, ang evangelio ng biyaya ay mailalarawang kagaya nito: Nais mong magnegosyo ngunit wala kang puhunan at mayroon kang utang na hindi mo kayang bayaran. Kapag ikaw ay nanampalataya, babayaran ang lahat mong utang, ora mismo bibigyan ka ng negosyong Iba ang magpapatakbo at gagarantiyang hindi malulugi. Ang tanging kailangan mong gawin ay makiisa sa Ibang magpapatakbo ng negosyo upang maranasan mo ang saya at gantimpala ng pagiging kamangagawa ng Iba. Kung hindi ka makikiisa sa Ibang nagpapatakbo ng negosyo, hindi kailan man malulugi ang negosyo ngunit hindi mo mararanasan ang saya at gantimpala ng pagiging kamangagawa ng Iba. 

Samakatuwid, sa evangelio ng biyaya, ang nanampalataya kay Cristo ay pinatawad sa lahat niyang mga kasalanan. Hindi lamang iyan, binigyan siya ng buhay na walang hanggang kailan man ay hindi maiwawala. Binigyan siya ng Espiritu na magpapatakbo at magsisigurong hindi maiwawala ang espirituwal na buhay na walang hanggan dahil Siya mismo ang EARNEST o PLEDGE nito. Ang tanging gagawin ng Cristiano ay makiisa sa Espiritu, lumakad sa kapangyarihan ng Espiritu, mag-develop ng pag-ibig sa kaniyang buhay, maglingkod at sumamba at kapag ginawa niya ito, tatanggap siya ng kasiyahan at gantimpala ng pagiging OVERCOMER. Kung hindi siya makikiisa sa Espiritu, kung siya ay namumuhay sa kaniyang laman, mamumuhay para sa kaniyang sarili, mamumuhay sa kasalanan at hindi ipaglilingkod ang kaniyang buhay sa Diyos, hindi mawawala ang kaniyang espirituwal na buhay na walang hanggan; sa halip tatanggap siya sa buhay na ito ng disiplina at sa Bema ay mawawalan ng gantimpala - samakatuwid hindi niya mararanasan ang saya at gantimpala ng paglilingkod sa Diyos. Ang kaniyang kaligtasan ay tiyak at sigurado pero ang kaniyang gantimpala at kasiyahan ay hindi. 

Kayo ang magdesisyon kung alin sa dalawang evangeliong ito ang inyong sasampalatayahan. Ang biyaya ng Diyos is a complete package. Anumang effort na magsuksok ng human effort through religion and/or legalism is falling from grace. Hindi maiwawala ang iyong grace salvation pero hindi ka namumuhay sa biyaya. Sa halip namumuhay ka sa laman. 

(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Dahil hindi ako miyembro ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan. 

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)




Comments

Popular posts from this blog

Mahirap mamangka sa dalawang ilog

Nangungulila sa isang Ama

THE ONLY TRUE RACIAL RECONCILIATION