Ano ang kamatayan sa Ezekiel 33?
Ezekiel 33:11 Sabihin mo sa kanila, Buhay ako, sabi ng Panginoong Dios, wala akong kasayahan sa kamatayan ng masama; kundi ang masama ay humiwalay sa kaniyang lakad at mabuhay: manumbalik kayo, manumbalik kayo na mula sa inyong masasamang lakad; sapagka't bakit kayo mangamamatay, Oh sangbahayan ni Israel?
May mga mangangaral na nag-aakalang ang kamatayang tinutukoy ni Ezekiel ay espirituwal na kamatayan. Kaya ikakabit nila ito sa Roma 3:23 at gagawing spring board upang magturo ng mensahe ng buhay na walang hanggan. I applaud this desire to teach the saving message. But ang ideyang ito ay foreign sa mensahe ni Ezekiel at lalabas lamang kung gagamit ng chop-chop at welding theology. In the end, gaya ng lagi kong sinasabi, this is a disaster dahil tinuturuan nito ang mga Cristiano ng maling hermeneutics and made them open to nonliteral interpretation of the Bible.
Ang konteksto ng Ezekiel ay ang mensahe ni Ezekiel sa mga natapon. Kasama siya sa unang deportasyon. Kahit nasa pagkatapon, patuloy siyang nagbababala sa Juda na kailangan nilang magbago dahil kung hindi, tuluyang daraan ang Israel sa ikalimang siklo ng disiplina ng Levitico 26- mawawasak ang nasyong Israel (tuluyang babagsak ang Israel na binalita sa huling bahagi ng kapitulo).
Ano pala ang sinasabi ni Ezekiel? Sinasabi niyang sa sandali ng disiplina, maliligtas ang Israelita sa kamatayan kung siya ay magiging matuwid. Kung siya ay matuwid ngunit nahulog sa kasalanan, siya ay mamamatay. Hindi isyu ang kaniyang katuwiran kundi ang kaniyang kasalanan. Kung siya ay makasalanan ngunit nagsisi at gumawa ng katuwiran, siya ay mabubuhay. Limot ang kaniyang kasalanan kundi katuwiran lang ang maaalala. Kung espirituwal na kaligtasan at espirituwal na kamatayan ang tinutukoy ni Ezekiel, lalabas na ang kaligtasan ay sa pamamagitan ng mga gawa at pamumuhay nang matuwid. Ito ay salungat sa Juan 3:16 at sa maraming sitas na nagsasabing ang kaligtasan ay pananampalataya lamang. Kung espirituwal na kaligtasan at espirituwal na kamatayan ang tinutukoy ni Ezekiel, nangangahulugan itong walang security ang kaligtasan dahil maaalis ito ng kasalanan. Muli ito ay salungat sa tinuturo ng Kasulatan.
Ang tamang paliwanag ay tumutukoy ito sa pisikal na kamatayan. Ang kasalanan ay nagbubunga ng kasalanan ayon kay Santiago. Kamatayan ang kabayaran ng kasalanan ayon kay Pablo. Sang-ayon si Ezekiel. Kung gusto ng mga Israelitang mag-survive sa giyera ni Nabucodonosor, kailangan nilang talikuran ang kasalanan. Kung hindi, mamamatay sila. Ang nakalulungkot, maraming Israelita ang namatay dahil sa halip na talikuran ang kasalanan, sila ay yumakap sa idolatriya. Nasaksihan ito ni Ezekiel nang dalhin siya ng Espiritu sa templo.
Maging mapanuri. Magpokus sa biyaya.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Dahil hindi ako miyembro ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
Comments
Post a Comment