Ang Kalooban ng Ama sa Langit Pagdating sa Kaligtasan

 


Juan 6:40 Sapagka't ito ang kalooban ng aking Ama, na ang bawa't nakakakita sa Anak, at sa kaniya'y sumampalataya, ay magkaroon ng walang hanggang buhay; at akin siyang ibabangon sa huling araw.

Maraming kalooban ang Diyos sa Kasulatan. Maling isiping may iisang kalooban lamang ang Diyos. Sa halip dapat nating isipin, ano ang mga hayag na kalooban ng Diyos patungkol sa iba't ibang paksa. 

Halimbawa, kalooban ng Diyos patungkol sa seksuwalidad:

1 Tesalonica 4:3 Sapagka't ito ang kalooban ng Dios, sa makatuwid baga'y ang inyong pagpapakabanal, na kayo'y magsiilag sa pakikiapid.

Mayroon ding kalooban patungkol sa paggawa ng mabuti upang matahimik ang mga palalo:

1 Pedro 2:15 Sapagka't siyang kalooban ng Dios, na dahil sa paggawa ng mabuti ay inyong mapatahimik ang kamangmangan ng mga taong palalo.

Dapat tayong mamuhay sa kalooban ng Diyos at hindi sa pita ng ating laman:

1 Pedro 2:19 Sapagka't ito'y kalugodlugod, kung dahil sa budhing ukol sa Dios ay magtiis ang sinoman ng mga kalumbayan, na magbata ng di matuwid.20 Sapagka't anong kapurihan nga, kung kayo'y nangagkakasala, at kayo'y tinatampal ay inyong tanggapin na may pagtitiis? nguni't kung kayo'y gumagawa ng mabuti, at kayo'y nagbabata, ay inyong tanggapin na may pagtitiis, ito'y kalugodlugod sa Dios.

Pero paano naman ang kalooban ng Diyos sa kaligtasan? 

Ang letra por letrang kalooban ng Diyos sa kaligtasan ay makikita natin sa Juan 6:40:

Juan 6:40 Sapagka't ito ang kalooban ng aking Ama, na ang bawa't nakakakita sa Anak, at sa kaniya'y sumampalataya, ay magkaroon ng walang hanggang buhay; at akin siyang ibabangon sa huling araw.

Ang kalooban ng Diyos ah manampalataya sa Kaniyang Anak, na si Jesucristo. Ano ang pangako sa mga nanampalataya? Sila ay magkaroon (hindi magkakaroon o baka magkaroon) ng buhay na walang hanggan. Bukod diyan, sila ay ibabangon sa huling araw. 

Hindi kalooban ng Diyos na magbigay ng kaligtasan sa pamamagitan ng Kautusan o ng anumang meritoryong gawain ng mga tao. Ayon na nga rin sa Kasulatan:

Galatia 2:21 Hindi ko niwawalan ng halaga ang biyaya ng Dios: sapagka't kung sa pamamagitan ng kautusan ay ang katuwiran, kung gayo'y si Cristo ay namatay ng walang kabuluhan. 

The option is law or grace. Not both. 

(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Dahil hindi ako miyembro ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan. 

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)






Comments

Popular posts from this blog

Mahirap mamangka sa dalawang ilog

Nangungulila sa isang Ama

THE ONLY TRUE RACIAL RECONCILIATION