Tatlong henerasyon ng mga Evangeliko
Awit 78:2 Aking bubukhin ang aking bibig sa isang talinghaga; ako'y magsasalita ng mga malabong sabi ng una:3 Na aming narinig at naalaman, at isinaysay sa amin ng aming mga magulang.4 Hindi namin ikukubli sa kanilang mga anak, na isasaysay sa salin ng lahing darating ang mga pagpuri sa Panginoon, at ang kaniyang kalakasan, at ang kaniyang mga kagilagilalas na mga gawa na kaniyang ginawa.5 Sapagka't siya'y nagtatag ng patotoo sa Jacob, at nagtakda ng kautusan sa Israel, na kaniyang iniutos sa aming mga magulang, na kanilang ipabatid sa kanilang mga anak:6 Upang maalaman ng lahing darating, sa makatuwid baga'y ng mga anak na ipanganganak; na siyang magsisibangon, at mangagsasaysay sa kanilang mga anak:7 Upang kanilang mailagak ang kanilang pagasa sa Dios, at huwag kalimutan ang mga gawa ng Dios, Kundi ingatan ang kaniyang mga utos:8 At huwag maging gaya ng kanilang mga magulang, may matigas na ulo at mapanghimagsik na lahi; isang lahing di naglagay sa matuwid ng kanilang puso, at ang kanilang diwa ay hindi tapat sa Dios.
Gawa 20:20 Kung paanong hindi ko ikinait na ipahayag sa inyo ang anomang bagay na pakikinabangan, at hayag na itinuro sa inyo, at sa mga bahay-bahay...
Madalas ninyong mabasa ang aking blogs tungkol sa legasiya ng pananampalataya at pagpapahalaga. Kung hindi natin maipapasa sa susunod na henerasyon ang ating mga pananampalataya at pagpapahalaga, ang simbahan ng Diyos ay magtatapos sa isang henerasyon.
Hindi gaya ng ibang relihiyon na ang buhay ay nakabase sa miyembro, ang mga Bible church ay nabubuhay sa epektibong pagpasa ng aral sa susunod na henerasyon. Kahit libo-libo pa ang miyembro ng isang Bible church, kung ang mga ito ay walang pag-unawa ng biyaya, it is effectively a dead church.
Nangangahulugan ito ng masigasig na evangelism (gaya ng gagawin ngayon via house to house tracts distribution and personal witnessing) at masigasig na Bible studies para sa mga nanampalataya na.
Sa Awit 78 pinakita ang kahalagahan ng pagpasa sa susunod na henerasyon ng katotohanan. Ang mga Israelita ay may biling ituro sa susunod na henerasyon ang mga gawa ng Diyos. Unfortunately, hindi ito laging nasusunod. Dahil dito may mga henerasyong walang pagkakilala kay Yahweh. Ngunit ang salmista ay desisyunadong ituro sa susunod na henerasyon ang mga katotohanang narinig sa kanilang mga magulang. Magreresulta ito sa henerasyong may apresasyon sa gawa ng Diyos.
Mapalad akong naging bahagi ako ng tatlong henerasyon ng Evangeliko (apat kung ibibilang ang yumaong Lola Basyon): si Tatay, ako at ang aking mga anak. For three generations, pinasa namin sa susunod na henerasyon ang pananampalataya at pagpapahalaga. Panalangin ko sa Ama na maipasa ito sa aking mga apo at apo sa tuhod at kung itutulot Niya, masaya akong maging bahagi ng prosesong ito.
Hanggang may Cristianong handang ipasa sa susunod na henerasyon ang pananampalataya, mananatiling buhay ang simbahan ng Diyos. Sa sandaling tamarin tayong palakihin ang mga bata sa evangelio at biyaya, tayo ay nagtataksil sa susunod na henerasyon. Inaalisan natin sila ng epektibong environmento upang lumago sa biyaya.
Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Dahil hindi ako miyembro ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
Comments
Post a Comment