Ang Kaluluwa at Espiritu
Naniniwala ako na ang tao (at least ang mananampalataya) ay tripartite being, samakatuwid, mayroon siyang katawan, kaluluwa at espiritu. Gaya ng karamihan sa aming church tradition, lumaki ako sa turo ni Thieme. Tinuruan kaming trichotomous ang believer at dichotomous ang unbeliever (wala siyang human spirit na nabubuhay lamang at point of salvation). In addition ang believer ay may Holy Spirit at parehong may old sin nature ang mga believers at unbelievers.
Ang human soul ay may essences: conscience, mentality, volition and self-consciousness. Ang emotion ay minsan nasa soul, minsan nasa katawan. Ang soul ay ang ating pangunahing interaksiyon sa bawat isa. Ang human spirit ang ating pangunahing interaksiyon sa sa Diyos at ang katawan ang ang ating pangunahing interaksiyon sa creation.
Ito pa rin ang aking pangunahing psychology and anthropology. Bagama't aaminin kong hindi na ako kasin dogmatic kaysa dati dahil may napapansin akong mga eksepsyon sa Kasulatan. Napapansin kong hindi kasinlinis ng ating mga systematic theology ang treatment ng Kasulatan sa mga paksang ito.
Halimbawa malinaw sa Kasulatan na ang tao ay may material (katawan) at immaterial part (kaluluwa at espiritu). Malinaw ding may pagkakaiba ang kaluluwa at espiritu (Hebreo 4:12; 1 Thessalonians 5:23). Si Jesus ay may katawan (Mateo 27:59); may kaluluwa (Mateo 26:38); at may espiritu (Juan 19:30). Ngunit, in addition ang Kasulatan ay may binabanggit ding isip, puso, konsensiya, pagkaunawa atbp. At ang mga ito ay walang malinaw na boundaries or distinctions from each other.
Halimbawa, kapag ang kaluluwa ay humiwalay sa katawan, ang tao ay patay (Gen 35:18); ngunit ang katawang walang espiritu ay patay din (San 2:26). Ang kaluluwa at espiritu ay parehong may kalumbayan (Is 54:6; Mat 26:38); may kasiyahan (Is 61:10; Luk 1:47); at nadudurog (Is 42:6; Awit 51:17). Ang espiritu at kaluluwa ay parehong sumasamba sa Diyos (Awit 42:1-2; Juan 4:24). Pareho silang may kaligtasan (Awit 34:18; 1 Cor 5:5; San 1:21; 5:20). Pareho silang may kaalaman (Joshua 23:14; 1 Corinto 2:11). Pareho silang ginagamit na pantukoy sa buong tao (Bilang 16:22; 1 Pedro 3:20). Marami pang makukuhang pagkakapareho.
Dahil dito, sa aking palagay, sa halip na magbigay ng detalyadong espekulasyon sa mga bagay na hindi dinetalyado ng Diyos, mas maiging magpokus sa mga bagay na pinopokusan ng Diyos. Madalas naka-major tayo sa minors at minor sa mga majors.
Sapat na sa aking malamang may materyal at imateryal na bahagi ang tao at si Cristo ay namatay upang iligtas ang tao sa lahat niyang aspeto. Anumang espiritu o kaluluwang masalubong sa pagbabasa ng Kasulatan ay dapat unawain ayon sa teksto.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Dahil hindi ako miyembro ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
Comments
Post a Comment