Ang Katiyakan ng Kaligtasan ang Pundasyon ng Espirituwal na Pamumuhay

 


1 Juan 5:13 Ang mga bagay na ito ay isinulat ko sa inyo, upang inyong maalaman na kayo'y mayroong buhay na walang hanggan, sa makatuwid ay sa inyong nananampalataya sa pangalan ng Anak ng Dios.

Maraming nagpapalagay na ang doktrina ng katiyakan ng kaligtasan ay isang doktrinang hindi mula sa Diyos kundi sa kaaway. Ang kanilang dahilan ay kung ang Cristiano ay may katiyakan ng kaligtasang hindi mawawala, ito raw ay magiging lisensiya sa pagkakasala. Palibhasa ligtas ka na, kahit ano pwede mong gawin.

Totoo ba ito?

Una sa lahat, maaaring matiyak ang buhay na walang hanggan. Ang malinaw na layon ng 1 Juan 5:13 ay ang ipaalam sa nga Cristiano na sila ay may buhay na walang hanggan, silang nanampalataya sa pangalan ng Anak ng Diyos. 

Ang buhay na walang hanggan ay walang hanggan. Kung maiwawala mo ito bukas nang dahil sa kasalanan, ito ay hindi buhay na walang hanggan. Ito ay buhay na isang araw. 

Hindi rin ito lisensiya upang magkasala. Kung tayo ay magiging tapat, hindi natin kailangan ng lisensiya upang magkasala. Nagkakasala na tayo bago maging Cristiano; magkakasala tayo kahit Cristiano na. Kung tayo ay magtatapat, tayo ay nagkakasala dahil mas iniisip natin ang sarili nating kalooban kaysa kalooban ng Diyos. 

Pero dahilan ba ito upang gawin kahit anong gusto nating gawin? Tutal ang kaligtasan ay hindi maiwawala.

Ang mariing sagot ni Pablo ay hindi. 

Roma 6:15 Ano nga? mangagkakasala baga tayo, dahil sa tayo'y wala sa ilalim ng kautusan, kundi sa ilalim ng biyaya? Huwag nawang mangyari.

Ang kaligtasan ay hindi lisensiya upang magkasala. Sa halip ito ay oportunidad upang paglingkuran ang Diyos na nagligtas sa iyo at magtamo ng mga walang hanggang gantimpala. Ayon kay Pablo, ang susi upang mapagtagumpayan ang digmaan laban sa kasalanan ay una alaming tayo ay namatay sa kasalanan, ikalawa, ibilang natin ang sariling patay sa kasalanan at ikatlo ihandog natin ang mga sangkap ng ating katawan bilang mga instrumento ng katuwiran. Mababasa iyan sa Roma 6. Hindi natin ito magagawa by willpower (Roma 7) kundi sa kapangyarihan ng Espiritu Santo (Roma 8). 

At kung tayo ay magkasala? Ito ay nag-aalis ng ating fellowship sa Diyos. Thankfully ang fellowship ay naibabalik by confessing our sins to God (1 John 1:9; not to priests). After all, Jesus is the propitiation for those sins (1 John 2:2). 

Imagine-in ninyo ang isang relasyon kung saan walang katiyakan ang nobyo at nobya sa pagmamahal ng bawat isa. Anumang gawin ng nobyo o nobya, iniisip nilang baka ito ang maging katapusan ng kanilang relasyon. Kapag may kausap ang katipan na ibang tao, nariyan ang pagseselos at baka may kapalit na. Hindi titibay ang ganitong uri ng relasyon. 

Ganuon din sa sa espirituwal na buhay. Ang katiyakan ng kaligtasan ang pundasyon ng ating espirituwal na buhay. Dahil tayo ay nakatitiyak sa ating posisyun kay Cristo, malaya tayong makapaglilingkod sa Kaniya na walang takot na baka ito ang huling araw mo sa pamilya ng Diyos. Kahit na magkasala ka, dahil walang matuwid na hindi nagkakasala, may pinanghahawakan kang makababalik ka. Ang Ama sa langit ay hindi gaya ng mga ama sa lupa na tinatakwil ang mga anak. Ang Ama sa langit ay laging naghihintay sa iyong bumalik. Oo nagdidisiplina siya. Pero hindi Niya itatakwil ang Kaniya. 

Cristiano, dahil mayroon tayong kaligtasang hindi maiwawala, magi tayong thankful. Serve Him joyfully. Serve Him, not out of legalism or fear of losing salvation, but because of thanksgiving. 

Focus on grace. 

(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Dahil hindi ako miyembro ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan. 

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)





Comments

Popular posts from this blog

Mahirap mamangka sa dalawang ilog

Nangungulila sa isang Ama

THE ONLY TRUE RACIAL RECONCILIATION