Ang Pamumuhay nang Ayon sa Kautusan at ang Pamumuhay sa Pag-ibig: Isang Paglalarawan

 


Ang Kautusan ay banal at matuwid kung ginagamit nang matuwid. Ito ay larawan ng hindi nagbabagong kabanalan ng Diyos. Unfortunately, ang laman ay mahina. Salungat sa iniisip ng iba na ang pagsunod sa Kautusan ay madali, ang laman ay mahina at hindi makasusunod dito. Dahil dito, anumang pagpapagal na sumunod sa Kautusan is bound to end in failure and disappointment. Sapagkat ang kasalanang namamahay sa ating mga laman ay lumilikha ng kamatayan sa atin, dahil hindi ito magpapasakop sa Diyos. As a result, kapag tayo ay nakinig (at mas madalas tayong makinig sa laman kaysa sa Espiritu Santo), ang resulta ay kasalanan at ang kasalanan ay nagbubunga ng kamatayan. 

Nitong mga nakaraang linggo, na-highlight sa aming panayam ang pagkakaiba ng pamumuhay ayon sa Kautusan at ang pamumuhay ayon sa biyaya (pag-ibig). 

Upang mailarawan ang pagkakaiba ng dalawang uri ng pamumuhay, narito ang isang paglalarawan.

Ang pagsunod sa Kautusan ay maihahalintulad sa isang estudyanteng nagnanais na maging top one sa klase sa pamamagitan ng pagkakaroon ng perfect score. Lahat ng paraan, kaniyang gagawin, makuha kamang ang perfect score. Mag-aaral nang husto, mandaraya at manunuhol kung kinakailangan, makuha lamang ang perpektong markang ito. Ang problema ay walang sinumang makakaabot ng perfect score dahil walang estudyanteng kayang tuparin ang lahat na requirements. Ang masaklap, matupad mo man ang lahat ng requirements, ngunit matisod sa isa, bagsak ka na sa lahat. Dahil dito ang iyong pamumuhay ay walang katiyakan at walang kasiyahan. 

Ito ang pamumuhay ayon sa Kautusan. Matuwid ang Kautusan at iyan ang problema dahil bagama't tayo ay positionally na matuwid, tayo ay may lamang ayaw magpasakop sa Kautusan. Lahat ay gagawin natin upang masunod ito. Namumuhay tayo nang may kabanalan. Nandadaya tayo (by redefining some of the harder aspects of the Law- okay lang magsinungaling minsan basta white lies o kaya ay ang mahalaga ay willing ka sumunod kahit hindi ka perfectly na makasunod). At nanunuhol tayo (nangangako tayo sa Diyos na daragdagan ang tithes o offering next Bible studies, o kaya ay gagawa ng mas maraming gawang karidad bilang pambawi sa mga violation ng Kautusan o kaya ay mamamanata ng paglilingkod bilang kapalit ng isa o dalawang inaakalang paglabag). Ngunit ang Kautusan is a unit. Violation of one is violation of all. Kung dito ka aasa ng practical righteousness, ikaw ay mabibigo. Ang resulta ay frustration at madalas ang frustration na ito ay nilalabas sa iba by maligning others na mas bigo kaysa sa ating mamuhay nang may kabanalan. Because judging makes us feel better. It makes us look good. Relative goodness. 

Sa kabilang banda, ang pamumuhay sa pag-ibig ay tila isang estudyanteng sa simula pa lamang ay alam niyang hindi niya kayang pumasa. Ganuon pa man, sinabi niya sa sariling sa halip na target-in ang perfect score, magpopokus siya sa pagdebelop ng virtue o pagkatuto. Dahil sa ang habol niya ay ang matuto at hindi ang mag-top one, siya ay mas relaxed. Kaya nang may nag-alok sa kaniyang, "Pinasahan Ko na ang exam na iyan, kung magtitiwala ka sa Akin at gagawin ang Aking sinasabi, hindi ka lamang papasa, matutupad mo ang kailangan upang maka-perfect score." Dahil siya ay walang undue expectations, siya ay handang makiisa sa Personang ito. Ang resulta ay bagama't hindi niya target ang maka-perfect score kundi matuto at magdebelop ng virtue, ang pagsunod niya sa Persona ay nagresulta sa actual na perfect score. By focusing on virtue, the requirements of perfect score ay natupad sa kaniya as a side effect. 

Ganiyang ang pamumuhay sa pag-ibig. Ang Cristiano ay nakababatid na sa kaniyang sarili ay hindi niya masusunod ang Kautusan. Kaya sa halip na magpokus sa pagsunod sa lahat ng hinihingi nito, nakapokus siya sa paglago espirituwal at pagbuo ng virtue love. Magkakaroon siya ng virtue love kung siya ay makikiisa sa Espiritu Santo. Kung lalakad siya sa Espiritu, sa halip na laman, matutupad sa kaniya ang requirements ng Kautusan. Samakatuwid, bagama't hindi niya target na sundin ang Kautusan kundi ang lumakad sa Espiritu at magdebelop ng virtue love, natupad niya ang mga hinihingi ng Kautusan. Natupad niya ang katuwirang hinihingi ng Kautusan? Paano? Dahil siya ay umiibig, hindi siya papatay, hindi siya magnanakaw, hindi siya mangangalunya atbp. Dahil ang pokus niya ay hindi panlabas na pagsunod sa listahan ng maaari at hindi maaaring gawin kundi sa panloob na pagbabago ng isip at transpormasyon, without knowing it, natutupad niya ang Kautusan, hindi lamang ang titik nito (panlabas na observance- huwag kang papatay) kundi ang espiritu nito (panloob na pag-iisip- hindi ka mag-iisip ng masama sa kapwa). After all mahirap umibig kung nag-iisip ka ng masama sa iyong iniibig.

Kayo ang pumili kung anong uri ng pamumuhay ang inyong nais. Nais ninyo bang mamuhay ayon sa Kautusan? O mamuhay ayon sa pag-ibig? Ewan ko sa inyo, pero ang pamumuhay sa pag-ibig ang aking pipiliin dahil ang namumuhay sa pag-ibig ang siyang makatutupad ng Kautusan. Ang namumuhay nang ayon sa Kautusan ay laging mabibigo dahil ang kaniyang laman ay mahina. Manatiling nakapokus sa biyaya at pag-ibig. 


(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Dahil hindi ako miyembro ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan. 

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)




Comments

Popular posts from this blog

Mahirap mamangka sa dalawang ilog

Nangungulila sa isang Ama

THE ONLY TRUE RACIAL RECONCILIATION