Aking Mga Utos
Juan 14:15 Kung ako'y inyong iniibig, ay tutuparin ninyo ang aking mga utos.
Isa sa hindi namin pinagkakasunduan ng mga kaibigan nating Reformed Adventists ay basta makita ang salitang utos ng Diyos, ang laging iniisip nila ay Sampung Utos. Ang aking posisyun ay maraming utos ng Diyos para sa iba't ibang tao at iba't ibang panahon at konteksto ang magdedetermina kung anong utos ang tinutukoy.
Kung paanong may mga pastor na kapag nakakita ng kaligtasan ang unang pumapasok sa isip ay kaligtasan mula sa impiyerno, ang ating mga kaibigang Reformed Adventists ay laging iniisip ang Sampung Utos basta makabasa ng mga salitang utos o kautusang dapat sundin.
Ngunit ito ba ay sinusuportahan ng Kasulatan? Tingnan natin ang ilang mga halimbawa
Genesis 2:16 "At iniutos ng Panginoong Dios sa lalake, na sinabi, Sa lahat ng punong kahoy sa halamanan ay makakakain ka na may kalayaan." Ito ba ay utos ng Diyos? Yes. Ito ba ay sampung utos? No.
Genesis 6:22 "Gayon ginawa ni Noe; ayon sa lahat na iniutos sa kaniya ng Dios, ay gayon ang ginawa niya." Ito ba ay utos ng Diyos? Yes. Ito ba ay Sampung Utos? No.
Genesis 7:9 "Ay dalawa't dalawang dumating kay Noe sa sasakyan, na lalake at babae ayon sa iniutos ng Dios kay Noe." Ito ba ay utos ng Diyos? Yes. Ito ba ay Sampung Utos? No.
Genesis 21:4 "At tinuli ni Abraham si Isaac ng magkaroon ng walong araw gaya ng iniutos ng Dios sa kaniya." Ito ba ay utos ng Diyos? Yes. Ito ba ay Sampung Utos? No.
Exodo 8:27 "Kami ay yayaong tatlong araw na maglalakbay sa ilang, at maghahain sa Panginoon naming Dios, ayon sa kaniyang iniutos sa amin." Ito ba ay utos ng Diyos? Yes. Ito ba ay Sampung Utos? No.
Exodo 15:26 "At sinabi, Kung iyong didinggin ng buong sikap ang tinig ng Panginoon mong Dios, at iyong gagawin ang matuwid sa kaniyang mga mata, at iyong didinggin ang kaniyang mga utos, at iyong gaganapin ang lahat niyang mga palatuntunan ay wala akong ilalagay na karamdaman sa iyo, na gaya ng inilagay ko sa mga Egipcio: sapagka't ako ang Panginoon na nagpapagaling sa iyo." Ito ba ay utos ng Diyos? Yes. Ito ba ay Sampung Utos? No. (Hindi pa naibibigay ang Sampung Utos.)
Deuteronomio 5:32 "Inyo ngang isagawa na gaya ng iniutos sa inyo ng Panginoon ninyong Dios: huwag kayong liliko sa kanan o sa kaliwa." Ito ba ay utos ng Diyos? Yes. Ito ba ay Sampung Utos. Yes.
Gawa 10:33 "Pagdaka nga'y nagsugo ako sa iyo; at mabuti ang ginawa mo't naparito ka. Ngayon nga'y kaming lahat ay nangaririto sa paningin ng Dios, upang dinggin ang lahat ng mga bagay na sa iyo'y ipinagutos ng Panginoon." Ito ba ay utos ng Diyos? Yes. Ito ba ay Sampung Utos? No. (Ibibigay ni Pedro ang mensaheng magliligtas sa sambahayan ni Cornelio kung kanilang sasampalatayahan- Gawa 11:14).
Ano ang puntong gusto kong ipakita? Huwag tayong mag-assume na ang utos ng Diyos ay ang Sampung Utos. Sa halip, kailangan natin ng konteksto upang malaman kung ano ang utos. Halimbawa sa ating pambungad na sitas, Juan 14:15. Ito ay mga utos ni Cristo. Therefore titingnan natin kung ano ang mga inutos ni Cristo, hindi ang Sampung Utos sa Exodo 20 o Deuteronomio 5. Hindi na dapat lumayo sa Juan 13:34-35. Ganuon din ang utos sa Pahayag 14:12 ay utos sa 144,000 sa hinaharap sa Tribulasyon. Hindi ito Sampung Utos na binigay kay Moises sa Sinai.
Bilang mga estudyante ng Kasulatan, trabaho nating alamin kung ano ang sinasabi ng Kasulatan, hindi kung ano ang gusto nating sabihin ng Kasulatan.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Dahil hindi ako miyembro ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
Comments
Post a Comment