Posts

Showing posts from June, 2024

Pamumuhay na Karapatdapat sa Evangelio ni Cristo

Image
Filipos 1:27 Ang inyo lamang pamumuhay ay maging karapatdapat sa evangelio ni Cristo: upang, maging ako ay dumating at kayo'y makita, o wala man sa harap ninyo, ay mabalitaan ko ang inyong kalagayan, na kayo'y matitibay sa isang espiritu, na kayo'y mangagkaisa ng kaluluwa na nangagsisikap sa pananampalataya sa evangelio;28 At sa anoman ay huwag kayong mangatakot sa mga kaaway: na ito sa kanila ay malinaw na tanda ng kapahamakan, datapuwa't tanda ng inyong pagkaligtas, at ito'y mula sa Dios; Matapos niyang ihayag ang kaniyang personal na motto at pilosopiya ng ministri, nagpatuloy siya sa ekshortasyon sa mga taga-Filipos.  "Ang inyo lamang pamumuhay ay maging karapatdapat sa evangelio ni Cristo." Ang tao ay naligtas sa pamamagitan ng pananampalataya lamang kay Cristo lamang, hiwalay sa mga gawa. Ang kaligtasang ito ay nagdadala ng pagbabago bilang "isang bagong nilalang" (2 Cor 5:17) sa kaniyang kalagayan sa harap ng Diyos. Dati, siya ay na kay Ad

Memorizing Scriptures: Lukas 2:30

Image
Lukas 2:30 Sapagka't nakita ng aking mga mata ang iyong pagliligtas. Luke 2:30 [30]For my eyes have seen Your salvation. Dahil tapos na ang series sa Pride Month, magsisimula naman ako ng bagong series. Sa pagkakataong ito, ibabahagi ko ang mga memory verses na ginagamit namin sa Dahat Prep School. Filipino (Ang Biblia) ang aming wikang ginagamit pero sa blog na ito, gagamitin natin pareho ang Ang Biblia at New American Standard Bible. Ang mga ito ang paborito kong versions ng Biblia. Kung gusto ninyong gumamit ng ibang versions, okay lang. Ang mahalaga, madagdagan ang ating mga saulong bersikulo sapagkat, Awit 119:11 Ang salita mo'y aking iningatan sa aking puso: upang huwag akong magkasala laban sa iyo. Ang ating memory verse ay bahagi ng pahayag ni Simeon na nilarawan bilang "isang lalake sa Jerusalem", "matuwid at masipag sa kabanalan, na nag-aantay ng kaaliwan ng Israel: at sumasa kaniya ang Espiritu Santo." Nangako ang Espiritu sa kaniya na hindi siya

Pagsunod sa Pamantayan ng Diyos sa Seksuwalidad

Image
Genesis 2:24 Kaya't iiwan ng lalake ang kaniyang ama at ang kaniyang ina, at makikipisan sa kaniyang asawa: at sila'y magiging isang laman.25 At sila'y kapuwa hubad, ang lalake at ang kaniyang asawa, at sila'y hindi nagkakahiyaan. Sa pagtatapos ng buwan, ipinakita natin ang maling pananaw ng sanlibutan sa seksuwalidad. Ipinakita natin kung bakit hindi natin dapat iselebra ang Pride Month. At ngayon babalikan natin kung ano ang pamantayan ng Diyos sa relasyong lalaki at babae. Hangga't nanghahawak tayo sa pamantayan ng Diyos, hindi tayo mamamali, at hindi tayo magiging batang tinatangay ng anumang alon ng kamalian at huwad na aral.  1. Ang Diyos ang nagtatag ng institusyon ng pag-aasawa, ang pinakabasikong institusyong panlipunan. Dahil dito ang Diyos din ang magdidikta kung ano ang gagabay sa matagumpay na relasyon. Hindi tao, hindi ang lipunan at hindi ang teolohiya ng konsenso.  2. Dinala ng Diyos ang babae sa lalaki. Ang Diyos din ang magbibigay ng babaeng narara

Orden sa Pagsasagawa ng Banal na Hapunan

Image
  ORDEN SA PAGSASAGAWA NG BANAL NA HAPUNAN (Presbyterian) HALAW KAY ARCHIBALD ALEXANDER HODGE (Salamat Monergism FB page).  PAKINGGAN ninyo ang mga salita ng pagtatag ng banal na Hapunan ng ating Panginoon, na ibinigay sa isang kapahayagan sa Kaniyang apostol na si Pablo, at nasulat sa ikalabing-isang kapitulo ng Unang Corinto: 23 Sapagka't tinanggap ko sa Panginoon ang ibinibigay ko naman sa inyo; na ang Panginoong Jesus nang gabing siya'y ipagkanulo ay dumampot ng tinapay; 24 At nang siya'y makapagpasalamat, ay kaniyang pinagputolputol, at sinabi, Ito'y aking katawan na pinagputolputol dahil sa inyo: gawin ninyo ito sa pagaalaala sa akin. 25 At gayon din naman hinawakan ang saro pagkatapos na makahapon, na sinasabi, Ang sarong ito'y siyang bagong tipan sa aking dugo: gawin ninyo ito sa tuwing kayo'y magsisiinom, sa pagaalaala sa akin.  26 Sapagka't sa tuwing kanin ninyo ang tinapay na ito, at inuman ninyo ang saro, ay inihahayag ninyo ang pagkamatay ng Pan

Panalangin sa Kapatiran

Image
  Isa sa pinakamalaking bagay na maaari mong gawin sa isang tao ay ang ipanalangin siya. Ang panalangin sa mga kapatid ay ekspresyon ng pag-ibig. Sa pamamagitan nito, nakikibahagi tayo sa kanilang mga buhay at nakikibuhat sa kanilang mga pasanin.  1. Tinuturo ng Biblia ang pangangailangang ipanalangin ang mga kapatid, San 5:16; Ef 6:18 2. Mahalaga ang panalangin dahil a) nagdadala ito ng lakas at pagkakaisa sa simbahan; b) nagdudulot ito ng kagalingan at restorasyon sa mga namimighati, 2 Cor 1:11; Col 2:2 3. Paano natin sila ipapanalangin? Para sa espirituwal na paglago at relasyon sa Diyos. Para sa kanilang pisikal at emosyonal na pangangailangan, Col 1:9-12. Sikapin nating maging tugon sa ating sariling panalangin, 1 Juan 3:16-18.  4. Ang kapangyarihan ng panalangin. Ang Espiritu Santo ay namamagitan para sa atin at nagbibigay kapangyarihan sa ating mga panalangin. Ito ay nagreresulta sa paglagong espirituwal at himalang pamamagitan ng Diyos, Roma 8:26-27. 5. Bakit kailangan nating i

Dapat bang i-celebrate ng nga Cristiano ang Pride Month?

Image
  Wala akong tutol sa pag-celebrate ng mga pagdiriwang na wala sa Biblia- Mother's Day, Father's Day, Family Day, atbp- basta ang sineselebra ay mga pagpapahalagang nasa Biblia. Ngunit ang Pride Month ay isang selebrasyong walang Cristianong may malinis na konsensiya ang maaaring magdiwang.  Sa loob ng isang buwan araw-araw nating pinag-usapan ang mga isyung may kinalaman sa LGBTQIA. Marami pang isyung pwedeng pag-usapan ngunit inuna ko ang mga isyung mas malamang na mahaharap ng mga Cristiano. Sa pagtatapos, sa blog na ito hayagan kong sasabihing ang Pride Month ay hindi nakaluluwalhati sa Diyos at bukas, hulinh araw ng Hunyo, tatalakayin ko ang pattern ng Diyos sa seksuwalidad.  Gaya nang pinakita ko sa nakaraang isang buwan ang homoseksuwalidad ay labag sa pamantayan ng Diyos na binigay sa unang dalawang kabanata ng Genesis at sinusugan ni Cristo sa evangelio. Ayon sa Roma 1, ito ay labag sa katutubong gamit ng kasarian at resulta ng hindi pag-iingat sa Diyos sa kaisipan at

Paano panatilihing malusog ang pananampalataya

Image
  Filipos 1:21 Sapagka't sa ganang akin ang mabuhay ay si Cristo, at ang mamatay ay pakinabang. Paano Natin Mapapanatiling Malusog ang Ating Pananampalataya? Mahalaga ang magkaroon ng matibay na pundasyon ang ating mga paniniwala sa pamamagitan ng regular na pagbabasa at pag-aaral ng Biblia.  1. Magtiwala sa Diyos at hindi sa sarili nating lakas, Kaw 3:5-6. Hindi natin laging nauunawaan ang nangyayari sa ating mga buhay, at kung tayo ay magtitiwala sa ating sariling lakas at pag-unawa, madali tayong manlulupaypay at panghihinaan ng loob na magpatuloy. Dapat nating ipagkatiwala sa Diyos ang ating buhay at maniwalang alam Niya ang Kaniyang ginagawa kahit hindi natin nauunawaan. 2. Ang pananampalataya ay hindi nakabase sa ating nauunawaan o nakikita kundi kumpiyansa at katiyakan sa pangako ng Diyos, Heb 11:1. Kahit ang mga sirkumstansiya ay nagsasabing lahat ay mahirap, kailangan nating panghawakan ang mga pangako ng Diyos na mas totoo kaysa ating sirkumstansiya. Ang sirkumstansiya ay

Mutilation at Brainwashing

Image
  Isa sa kumakalat na practice ngayon sa alphabet community ay ang mga gender mutilation sa mga bata. Nangangahulugan ito na ang mga batang lalaki ay binibigyan ng droga upang i-suppress ang kanilang pagkalalaki at inooperahan sa murang edad upang magkaroon ng female secondary sexual characteristics gaya ng dibdib at ari. Ganuon, din ang mga babae ay binibigyan ng droga at operasyon upang magkaroon ng male secondary characteristics gaya ng malalim na boses, Adam's apple at ari. Na ito ay unti-unting lumalaki ay makikita sa pagnanais ng komisyoner ng Texas na ibilang ito bilang child abuse at sang-ayon ako:   https://www.nbcnews.com/news/amp/ncna1276687 Tinatarget ng mga militanteng bakla ang mga bata dahil sila ay madali pang maimpluwensiyahan. Sa pagbabago ng kanilang katawan sa pamamagitan ng siyensiya, umaasa ang mga bakla na makagawa ng isang henerasyong brainwashed dito na magiging militanteng bakla sa hinaharap.  Aktibo sila hindi lamang sa mutilation ng panlabas na katawan k

Pagsubok

Image
  Ang mga pagsubok ay bahagi ng buhay na nanagngailangan ng malikhaing pagharap. Para sa isang Cristiano ang Salita ng Diyos ang nagbibigay sa kaniya ng lakas at kasangkapan upang mapagtagumpayan ang anumang hamon ng buhay. Bilang mga mananampalataya, nasa atin ang dakilang kalakhan ng kapangyarihan ng Diyos, Efeso 1:19-20. Samakatuwid walang dahilan ang isang Cristiano na hindi mapagtagumpayan ang mga pagsubok na dumating sa kaniyang buhay. Ngunit kung minsan tayo ay nalulula ng laki ng mga problema. Hindi natin lubos-maisip kung paano haharapin ang napakalaking problema. Inuubos nito ang ating lakas at nilalayo ang ating mata sa ating Panginoon. Ngunit sa katotohanan, ang mga pagsubok na ating hinaharap ang tamang pagkakataon upang subukan ang ating Diyos na nangakong hindi tayo iiwan o pababayaan. Ang katotohanang ito ang nagbibigay sa atin ng lakas, sapagkat gaano man kalaki ang ating problema, mas malaki at dakila ang ating Diyos. Ang pagsuko sa harap ng problema ay isang pagpapah

Ang Iglesia at ang Biyaya

Image
  Malaking tulong ang aklat ni Philip Yancey at pinagbubulay-bulayan ko ang iglesia bilang isang katawan ni Cristo, partikular ang ekspresyon nito sa isang lugar. Bilang isang guro, isang malaking kalungkutang makita na hindi natututunan ng aking mga estudyante ang aking leksiyon. Inubos mo ang oras sa pag-aaral ng iyong leksiyon, gumawa ka ng mga tulong pag-aaral at bumalangkas ka ng isang plano ng pagtuturo ngunit sa oras ng pagsusulit o ng gawaing pagganap, iilan lamang ang nagpakita ng pagkatuto at pagkaunawa. Ganuon din ang pakiramdam sa pamamahala at pagtuturo sa iglesia. Linggo-linggo ang Salita ng Diyos ay tinuturo at pinapaliwanag, kabanata sa kabanata at sitas sa sitas; linggo-linggo ang kapatiran ay iniimbitahan na makilahok at makibahagi sa ministeryo; at linggo-linggo nariyan ang paghimok na maging tapat at maglingkod. Ngunit gaya sa eskwelahan, kung minsan nakalulungkot at nakapanghihina ng loob kapag walang nakikitang pagbabago sa mga inaralan. Gaya ng mga bigong magbiga

Ang mabuhay, Cristo; ang mamatay, kapakinabangan

Image
Filipos 1:21 Sapagka't sa ganang akin ang mabuhay ay si Cristo, at ang mamatay ay pakinabang.22 Nguni't kung ang mabuhay sa laman ay siya kong palad, ito'y magiging mabungang pagpapagal, na aywan ko nga kung ano ang aking pipiliin.23 Sapagka't ako'y nagigipit sa magkabila, akong may nasang umalis at suma kay Cristo; sapagka't ito'y lalong mabuti:24 Gayon ma'y ang manatili sa laman ay siyang lalong kinakailangan dahil sa inyo. Matapos ihayag ni Pablo ang kaniyang kahandaang paglingkuran si Cristo sa kaniyang katawan, sinabi ni Pablo ang marahil ay pinakasikat na sitas sa Filipos: "ang mabuhay, Cristo; ang mamatay, kapakinabangan." Para kay Pablo ang kaniyang buhay ("mabuhay" at "mamatay") ay masusumaryo kay Cristo. Kung siya ay makalaya at buhay na makalabas gaya ng kaniyang inaasahan, gagamitin niya ang kaniyang katawan at buhay sa paglilingkod kay Cristo. "Nguni't kung ang mabuhay sa laman ay siya kong palad, ito&#

Menstruation is not only for women

Image
  Isa sa pagkakaiba ng babae at lalaki ay ang kanilang biolohikal na katawan. Tanging babae lamang ang nireregla at nanganganak. Ngunit dahil sa metanaratibong pinakakalat ng LGBTQIA Community, gusto nilang palabasin na kahit lalaki ay nireregla din.  Ang katotohanan ng pagreregla ay isang indikasyon na magkaiba ang mga lalaki at babae. Ito ay nilagay mismo mg Diyos upang magkaroon ang babae ng paraan upang maging handa sa bawat siklo ng posibleng panganganak. Bawat buwan na hindi napepertilisa ang itlog ng babae, ito ay nilalabas sa katawan sa porma ng regla. Kasabay ng pagrereglang ito ang pag-aalis ng mga impuridad sa babae. Ito ay patunay na ang pagkababae ay biolohikal at hindi sosyal. Hindi mababago ng woke philosophy ang katotohanang ito.  Maliban na lamang kung baguhin ang metanaratibo. Palabasing kahit lalaki ay nagreregla rin sa pamamagitan ng pagbabago ng depinisyon ng lalaki. Sa halip na ito ay itali sa biolohikal na katotohanan (XY), itatali ito sa sosyolohikal na opinyon.

Sekular vs Espirituwal

Image
  Isa sa mahirap na aspeto ng buhay Cristiano ang pagbabalanse ng, sa kawalan ng mas maiging mga termino, "espirituwal" na buhay at "sekular" na buhay. Lahat tayo ay nakaranas na maipit sa onligasyon sa simbahan at obligasyon sa trabaho o sa ibang tao. Naipit tayo sa pagitan ng paniniwalang panrelihiyon at ng polisiyang sosyal. Ang paglakad sa pagitan ng dalawang "buhay" na ito ay nangangailangan ng karunungan.  Mayroong sa kagustuhang masolusyunan ang tensiyon sa pagitan ng dalawang buhay na ito ay tinumbas ang espirituwal na buhay sa buhay simbahan. Sa madaling salita, anumang gawain na aagaw ng oras sa pagsisimba ay isang gawaing makasalanan at dapat itakwil. Ang sinumang hindi masumpungan sa simbahan pag Linggo (o anumang araw ng pagsamba) ay makalaman at makasanlibutan. Ang ganitong pananaw ay napakadaling mahulog sa legalismo ng pagganap ng katungkulan. Kapag hindi mo nasunod ang katungkulang panrelihiyon na ito, ikaw ay bigong isabuhay ang Cristiano

Sino ang magpapatuloy ng gawain?

Image
  Ecclesiastes 2:18 At ipinagtanim ko ang lahat kong gawa na aking ginawa sa ilalim ng araw: yamang marapat kong iwan sa tao na susunod sa akin. 19 At sinong nakakaalam kung siya'y magiging isang pantas o isang mangmang? gayon ma'y magpupuno siya sa lahat ng aking gawa, na aking ginawa, at sa aking pinagpakitaan ng karunungan sa ilalim ng araw. Ito man ay walang kabuluhan. Isa sa nakalulungkot na bagay ay ang katotohanang anumang ating pagsikapan sa mundong ito ay ating iiwan pag dating ng panahon. Higit itong nakalulungkot, at nakamumuhi pa nga, sa mga taong walang konsepto ng eternidad o namumuhay lamang sa "ilalim ng araw." Para sa kanila, walang kabuluhan ang magpagal dahil ito ay iiwan mo rin sa susunod saiyo at sinong nakaaalam kung ang papalit ay pagyayamanin ito o kung itp ay wawaldasin. Sa termino ni Solomon, kung siya ba ay isang pantas o isang mangmang.  Marahil iniisip ni Solomon ang anak na si Rehoboam nang sinusulat niya ang mga sitas na ito. Ang kasaysa

Panlulupaypay

Image
  Kawikaan 24:10 Kung ikaw ay manglupaypay sa kaarawan ng kasakunaan, ang iyong kalakasan ay munti. Isaias 53:1 Sinong naniwala sa aming balita? at kanino nahayag ang bisig ng Panginoon? Hindi maiwasan sa paglilingkod sa Panginoon ang makaranas ng panlulupaypay. Maging si Isaias ay napatanong (at tinanong din ito ni Pablo sa kaniyang sarili) kung sino ang naniwala sa kanilang balita. Hindi madali ang maging tapat sa isang gawaing walang nagpapahalaga, walang nagpapasalamat at walang nagbibigay ng lakas ng loob. Sabi nga nila ay, "a thankless job." Ginawa mo ang lahat, dahil ang pag-ibig ni Cristo ang pumipilit sa atin, ngunit nang matapos ang lahat ay wala kang natamong pasalamat o kahit ng magalang na pagkilala. Manghihina ang iyong loob at iisipin mo, dapat ba akong magpatuloy? Bakit ko ipipilit ang aking sarili sa mga taong hindi pinahahalagahan ang aking ambag? Ni wala man lang nakaalala, Ecc 9:15. Ngunit ito ang daang lalakaran ng mga lingkod ni Cristo. Si Jesus mismo an

Matatag na Pamilya, Matatag na Simbahan

Image
  Awit 127:1 Malibang itayo ng Panginoon ang bahay, walang kabuluhang nagsisigawa ang nagtatayo... Ang tatag ng isang iglesia ay nakasalalay sa tatag ng mga pamilya at indibidwal na bumubuo nito. Ito ay isang karaniwang kaalaman kaya nakalulungkot kung minsan kapag ang pamilya ay hindi nabibigyan ng halaga sa mga kongregasyong Cristiano. Bilang isang institusyong ang Diyos mismo ang nagtatag, iisipin ng isa na dapat bigyang pagtuunan ang pagpapayaman ng pamilya. Iisipin mong bibigyang prayoridad ang malapit na pagtutulungan sa pagitan ng dibinong institusyon ng pamilya at ng isa pang dibinong institusyon- ang iglesia- sa paglago ng pamilya. Ngunit nakalulungkot ang tila pagwawalang bahala sa pamilya bilang katuwang ng iglesia sa pag-abot ng layon ng espirituwal na buhay: ang maabot ang maturidad at maging kalarawan ng Anak ng Diyos. Iisipin ng isa na yamang ang Diyos ay piniling ihayag ang Kaniyang sarili bilang pamilya (Ama at Anak), bibigyang pansin ang pamilya bilang isang institusy

Matutong Mag-aral Para sa Iyong Sarili

Image
  Nang ako ay bata pa't nagsisimula bilang guro, binibigyan ko ng diin ang laman ng isang paksa. Kung minsan, sa kagustuhan ng aking mga estudyante na makakuha ng mataas na marka, nagreresulta ito sa pagsasaulo nang walang pag-unawa. Nahuhulog ito sa rote memorization. Maraming mga piraso ng kaalaman na nasasaulo ngunit walang pangkalahatang pagkaunawa ng mga ito. Nagreresulta ito sa hiwahiwalay na impormasyong hirap maproseso at magamit sa tunay na buhay. Gayon din, hinihikayat nito ang dependensiya sa guro bilang nag-iisang autoritatibong pinagkukunan ng kaalaman. Wala ang independyenteng pagsisikap na magsiyasat o gumawa ng orihinal na pagsisiyasat. Nauuwi ang lahat sa pag-ulit na tila loro ng mga narinig na impormasyong hindi alam kung saan at paano nakuha.  Natanto ko na ganito rin ang nangyayari sa ating mga iglesia. Hindi sa pagwawalang-bahala ng laman ng isang paksa ngunit kung minsan ang ating metodo ng pag-aaral ay nagiging dahilan upang ang mga tagapakinig ay nagiging pa