Menstruation is not only for women

 


Isa sa pagkakaiba ng babae at lalaki ay ang kanilang biolohikal na katawan. Tanging babae lamang ang nireregla at nanganganak. Ngunit dahil sa metanaratibong pinakakalat ng LGBTQIA Community, gusto nilang palabasin na kahit lalaki ay nireregla din. 

Ang katotohanan ng pagreregla ay isang indikasyon na magkaiba ang mga lalaki at babae. Ito ay nilagay mismo mg Diyos upang magkaroon ang babae ng paraan upang maging handa sa bawat siklo ng posibleng panganganak. Bawat buwan na hindi napepertilisa ang itlog ng babae, ito ay nilalabas sa katawan sa porma ng regla. Kasabay ng pagrereglang ito ang pag-aalis ng mga impuridad sa babae. Ito ay patunay na ang pagkababae ay biolohikal at hindi sosyal. Hindi mababago ng woke philosophy ang katotohanang ito. 


Maliban na lamang kung baguhin ang metanaratibo. Palabasing kahit lalaki ay nagreregla rin sa pamamagitan ng pagbabago ng depinisyon ng lalaki. Sa halip na ito ay itali sa biolohikal na katotohanan (XY), itatali ito sa sosyolohikal na opinyon. Hindi mahalaga ang katotohanan ng siyensiya, ang mahalaga ay ang nararamdaman. May mga babaeng nagpapakilalang lalaki ang hindi maiiwasang magregla dahil ito ay paalalang sila ay mga babae sa kabila ng pag-aangking lalaki. Upang maikutan ang biolohikal na hadlang na ito, baguhin ang naratibo- kahit lalaki ay nireregla rin. Sa ganitong paraan ang buwanang regla ay maisasantabi bilang natural kahit sa mga lalaki. 

Ang nakakatawa ay tinanggap ito ng alphabet community. May mga lalaking nagkukunwaring babae ang ginamit ito sa kabaligtarang pangyayari. Dahil sila ay biolohikal na lalaking nagkukunwaring babae, hindi sila mareregla kailan man. May mga naglalagay ng ketchup o kamatis sa kanilang mga panloob upang maranasan nila ang pagreregla. Hindi ba't kahalingan ito? Namumuhay sa kasinungalingan sa pagnanais na itindig ang kasinungalingan. 

Ito ang kalalagyan ng tao. Sa sandaling humakbang ka palayo sa Diyos, wala ka nang ibang pupuntahan kundi palalim na palalim na kasinungalingan. 

(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, alas 8:30-10:30 am. Sa Amoguis, 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.)



Comments

Popular posts from this blog

Ang Diyos ang Nagtatag ng Pamilya

Hindi kami maaaring mag-Bible study dahil nakapambahay?

Ang Sikreto ng Aming 17 Taong Pagsasama